Chapter Two

53 9 2
                                    

I'M with Spade right now. We are currently at AOS. It's a Bar owned by Ace David. May bar naman ang kapatid ni Spade pero banned ako doon. Di naman talaga banned, ako lang may sabi non. It's a long story.

So we are inside of one of the VIP Rooms. Magkikita kase yung dalawang magkasintahan, Clef and Spade. Isa rin pala yon sa rason bakit dito kami pumunta. Ricafort are not on good terms with Ignacios. Kaya nga sikreto ang relasyon ni Spade at Clef. This is their secret place, meeting place. Sana all. Hindi kasi sila nagaaral pareho sa CU, magkaiba pinasukan nila. Chavez University is owned by the Chavez Family, shareholder ang mga Ricafort kaya matic don na sila Clef. While Spade's family owned IU which is Ignacio University.

"So how's the family dinner?" nagtataka akong napatingin kay Spade. Napansin niyang nagtataka ako kaya nagsalita siya. "Nabanggit ni Clef kahapon.." napatango ako.

"As usual. Nagpapainggit." Sagot ko sa tanong niya. Natuloy ako sa family dinner nila Lucas kagabi. Ayon. May sarili silang mundo HAHA. Sinasali nila ako sa usapan but i'm just ignoring them. Mapanakit talaga sila.

"Inggit ka naman boy?" natatawang tanong niya sakin. "Gawa ka na lang bagong pamilya. Buntisin mo si Lyric para maging co-sister-in-law tayo." inirapan ko siya. Pano ko mabubuntis e wala naman ako nung ano. Tapos ni hindi ko nga malapitan e, buntis pa kaya?

"Parang sinabi mo na ding magkakabati pa pamilya mo at pamilya nila Clef." kumunot noo niya.

"That's impossible." she said.

"Exactly." nginisihan ko siya.

"Gago." tumawa na lang ako at uminom. Kapag di nagkabati pamilya nilang dalawa, both of them will never be free. Lagi silang tatakas, laging limitado ang kilos, hindi sila makaka-bwelo. Kaya inggit na inggit yang si Spade sa tropa. Lalo na kila Maddy at Ash, they are free to express their feelings. Sa sobrang free, napaka-PDA na nila.

"Bakit busangot mukha mo, babe?" pumasok si Clef, nakasunod naman ang tropa. They actually call it Barkada but it's too long, kaya Tropa na lang tawag ko.

"Di pa nakaka-iskor. Paisahin mo na kase si Spadey babes.." sabi ni Ashley saka pinakandong sa lap niya si Maddy. Ayan na nga awit. Ashley Lim and Maddy Atienza a couple. Both of them study at CU actually all of us are studying at CU si Spade lang talaga ang hindi. Ashley is taking Criminology while Maddy is taking Computer Science, kaedaran ni Cielo, 18.

"Babe!" parang batang sigaw ni Spade saka inakap si Clef. Tapos tumingin sa akin ng masama. "Bestfriend mong walang pagasa sa ate mo, inaaway ako." Lintek.

"Kuya Gael oh. May nakasabit na Ignacio kay Clef." sumbong ko kay Kuya Gael. Pinsan niya sila Lyric kaya Ricafort siya. Agad naman bumitaw si Spade saka tumayo ng maayos.

"Okay lang. Legal naman sakin yang dalawa. Kuha mo nga kami ng maiinom, Spade.." agad naman sumunod si Spade, di na nakapag-paalam kay Clef. Takot HAHAHAHAHA. That's Gael Ricafort ang kuya ng Barkada, actually apat sila na kuya namin; Gael, Lloyd, Javier and Lance. All of them are taking Aviation. They are so tall kaya kapag may nakikipagusap sa kanila specially girls like our professors nakatingala sila. On their free time nakatambay lang sila sa Gym. He's  single and may happy crush sa isang sikat na Psychologist.

"Angas non ah. Kuya ha nagseselos ako. Pag sayo sumusunod agad yon, sakin kailangan ko pa takutin na hihiwalayan ko. Baka kayo talaga kuya ha.." natawa naman kami. Ang manhid, magkapatid talaga sila. Ganon lang naman si Spade kase nagpapalakas kay Kuya Gael.

"Sige mag-overthink ka lang jan, insan." natatawang sabi ni Kuya Gael saka sinenyasan si Cielo na tumabi sa kanya. "Dito ka boy. Wag ka lalayo.."

Kung di ko lang sila kilalang dalawa at di ako part ng tropa, iisipin kong may something sa kanila. Pero kilala ko sila, paborito lang talaga ni Gael si Cielo. Sabi nga niya gusto niya si Cielo para kay Gab, yung bunso niyang kapatid. Kaso straight yon si Gab HAHAHA. Tas ka-M.U pa ni Gab si Lloyd, parte din ng tropa kaso wala dito sa Pinas siya yung isa pa naming kuya. Katunayan ipinares niya na yung mga pinsan niya. Ako daw kay Lyric, tapos si Reese kay Loui. Ewan ko ba diyan HAHAHA. Hindi nga magkakilala yung dalawang pares e. May kanya kanyang circle of friends at never pa nagkita. Naging parte ng Tropa sila Cielo and Loui because both of them ay kasali sa sports na Archery and Billiards . Bilib siya sa galing nung dalawa kaya ayon.

"Alam kong gwapo ako, Jan. Pero sorry loyal ako kay Astra my loves.." takte napatagal na pala titig ko kay Gael. Lakas talaga ng trip, edi sabayan.

"Wag ka na kay Astra, baby. Di ka naman kilala non.." i smirked at him. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Sana ikasal na agad pinsan ko at kapatid mo. Bleh." isip bata. Bumelat pa talaga. Hindi ko na lang pinatulan. Mas matanda pa din siya.

"First day of school na bukas ah. Papasok kayo?" tanong ni Ashley. Nasa lap niya pa din si Maddy, ayaw na ata paalisin.

"Tinatanong pa ba yan?" seryosong sagot ni Javier. "Syempre hindi! Wag na kayo pumasok HAHAHA" dugtong niya. Bad Influence talaga ang gago HAHAHA. He's Javier Juarez. As you can see sobrang maloko niya but he excels in academics. Hindi niya yon napapabayaan. He's also single and wala daw balak pumasok sa isang relationship dahil abala lang daw.

"Papasok ako. Sayang chix na Freshman.." sagot naman ni Lance. Binato ko silang dalawa ng mani. That's Lance Ventura, single pero mahilig sa bata. Don't get me wrong, hindi yung batang bata talaga. That's bad, maloko kaming lahat pero alam namin saan ang limit namin. Pinagsasabihan din namin ang isa't isa and open naman ang lahat from negative comments about them.

"Tarantado talaga kayo HAHAHA." sabi ni Russ. She's Russel Imperial, kaibigan ni Loui. Kasali din sa Women's Basketball Team like me. Single pero loyal sa kapatid ni Loui na si Arby na manhid. 2nd year Computer Science same course sila ni Loui.

"Yung isa Bad Influence, yung isa Pedo.." i said then they smirked.

"Oo nga pala! Uuwi na si Lloyd, pre.." balita ni Javier kay Gael. Sumimangot naman si Gael saka umakbay kay Cielo.

"Pake ko don? Umuwi siya kung gusto niya.." sagot ni Gael. Bago kasi umalis si Lloyd, nag away sila. Nagkakamabutihan na kase si Gab tas Lloyd, tapos aalis. Umiyak si Gab, oo. Pero naiintindihan naman nung bata. Daig pa ni Gael kapatid niya, ayan tuloy di sila ayos ni Lloyd. "Jan papasok ka bukas?"

I just shrugged my shoulders. I'm not really sure, first day pa lang naman kase. Wala pa namang gagawin, magi-introduce yourself lang hanggang hapon. Tapos baka umabot pa yon ng isang araw. Nasanay na din ako na kada magsisimula pasukan, di ako papasok ng isang linggo.

"Di yan papasok boy. Tinatamad yan sigurado ako." singit ni Lance tas uminom ng alak.

"Saan ka ba pumupunta? Pwede ba wag mo patayin cp mo? Kahit taon taon mo yong ginagawa nagaalala pa din kami.." Clef said halatang nagtatampo. Sumangayon na din buong barkada. Tinapik ko space sa tabi ko kaya lumapit sa akin si Clef at umupo. Inakbayan ko siya saka ako nagsalita.

"I'm sorry if I'm making you all worried. I promise safe ako. Kahit naman wala akong pagasa kay Lyric di naman pumasok sa isip ko magcommit ng suicide." umirap lang si Clef di pa din ako tinitignan. Pumasok si Spade at tumingin sa amin, nag-sign ako ng wait at tumango siya. "Mag-commit sa ate mo, oo". Napangiti siya kaya napangiti na din ako. Ayos okay na HAHAHA. They teased me and i just smiled.

"Clef Hacel Ricafort." tumigil ang asaran at napatingin kami sa nagsalita. Si Lyric nasa pinto, masama ang tingin kay Clef. "Ano? Wala kang balak umuwi?"

"Ate.." lumapit na sa amin si Lyric saka inalis ang kamay kong nakaakbay kay Clef. Fvck! Para akong nakuryente. Tumingin sa akin ng masama si Lyric.

"You!" napangiti ako nung dinuro niya ako. Alam kong galit siya but getting her attention is an achievement for me. "Bad influence ka talaga no? Clef is not like this until she met you! If i can just turn back time, iiwasan kita." agad nawala ang ngiti ko. Kakausapin sana ni Kuya Gael si Lyric but i signed no. Hanggang sa makalabas silang magkapatid, tahimik lang buong paligid. Rinig ng buong barkada, buti kami lang. Nakakahiya HAHAHA. Kinamot ko ang kilay ko saka ngumiti, ang sikip ng lalamunan ko.

"Inom lang.. It's okay." tumango sila saka tinapik balikat ko. I sigh at pinigilan kong umiyak. Sanay na ako. Sanay ka na, Jan.


——————————

bahala kayo gusto ko magsulat HAHAHAHAHAHA

——————————


022423

Truly, Madly, CrazilyWhere stories live. Discover now