Chapter Eight

28 6 0
                                    

SO yeah we headed to the indoor archery range na katabi lang ng Golden Knights Gym. Dalawa ang facility for Archery, indoor range and archery field. Yung Archery Field located sa Byron David Sports Complex which is katapat lang ng College Campus ng CU. Nasa BDSC na ang mga stadiums, fields, and covered courts.

Malayo tong Gym kaya sumakay pa kami sa e-Jeep, alangang gumamit pa kami ng sasakyan lahat tinatamad mag drive. Sana doon na lang din pinatayo tong indoor range edi sana di na kami lumayo pa. We arrived at the archery range at nagdire-diretso papasok yung mga mokong habang nahuhuli kami ni Monique sa paglalakad. We're expecting Cielo and other members ng archery to be there. Pero wala, ang naiwan lang is si Mang Jerome, isa sa mga janitor. He's cleaning what seems to be like blood.

"Mang Je? Asan mga players ng archery? Canceled ang practice?" bigla naman siyang napatingin kay Javier habang nakahawak sa dibdib niya. "Ay hala sorry po.. Kakakape mo po yan" binatukan ko naman si Javier saka lumapit kay Mang Jerome.

"Ayos ka lang Manong?" tumango naman siya.

"Oo iha. At ikaw Javier hindi ako nagkakape.." sinamaan ko ng tingin si Jav tapos nag-peace sign lang siya.

"Be careful next time, Jav. Baka mamaya atakihin si Manong.." inalo naman ako ni Mang Jerome tas sabi niya okay lang.

"Yung practice ng mga andito kanina e naudlot. Pero ipagpapatuloy daw doon sa field.." napatinginan kami kay Gael at bakas ang inis sa mukha niya. Paano ang layo pa ng pinuntahan namin andoon lang pala sila. Nginuso ko yung basahan na nasa trash bin na may bakas ng dugo.

"Manong bakit may dugo?" lumapit na din yung iba. Sinamaan ko ng tingin si Clef nung lalapit sana siya, takot yan sa dugo. She mouthed joke at lumayo na lang sa amin, naglibot na lang siya sa loob.

"Ay yan ba? May isa kasi doon bigla na lang itinusok ang palaso sa kanyang binti.." what? Why would someone do that? "Hindi rin namin alam kung bakit.. Tumayo na lang bigla at inalis ang palaso sa binti at inaya si Kurt one on one daw.."

"Where's Coach Colima? Hindi niya po inawat mga players niya?" Lance asked. Nagaalala na yan because his sister is also a member of the Archery Team.

"Ay wala siya ngayon may dinaluhang meeting. Ang assistant coach naman ay pinaalis ni Kurt, siya na raw ang bahala sabi ng tatay niya." Kurt is Coach Colimas son. Damn! He is a spoiled brat sobrang sama ng ugali, third year college na pero isip bata pa din. Bully din yun ng freshmans at si Cielo ata ang bagong target. I want him to be kicked out but he is Coach Colima's son, we need him for the Archery Team

"Sino po yung lalaking nakaaway ni Kurt?" tanong ni Lance. May inabot na bracelet si Mang Jerome kay Lance, nakahinga naman ng maluwag yung huli. Pero biglang nag-panic si Gael.

"Manong saan mo nakuha to?" Gael asked. Siya ang kumuha ng bracelet sa kamay ni Mang Jerome.

"Doon sa babaeng sinasabi ko. Naiwan niya noong nag-aya siya, nadala niya lang ay yung bag niya." babae? What the heck? She hurt herself because of Kurt. Wala talagang inaatrasan ang lalaking yon.

"Anong pangalan, Manong?" i'm wondering why Gael suddenly became worried. Impossible namang si Cielo yon. Diba?

"Hindi ko alam pero narinig ko yelo ata ang palayaw.." nalito si Gael while we became worried.

"Yelo!?" i covered my ears nung sabay sumigaw sina Javier at Lance.

"Let's head to the Archery Field. Bakit doon dumiretso ang batang yon imbes na sa clinic? Kakaiba yang alaga mo, Kuya.." nagmamadali siyang lumabas without waiting for us. Nagpasalamat muna kami kay Mang Jerome saka nagmamadali ring lumabas. What's with Cielo? I didn't imagine that she could do such a thing, but knowing Kurt? Maybe he said something or did something that made Cielo lose her cool.

Truly, Madly, CrazilyWhere stories live. Discover now