CHAPTER ONE

4K 74 2
                                    


"MARAMI nang tao sa ibaba, hija," si Carina nang sumungaw sa pinto ng silid ng anak. "Hindi ka pa ba lalabas?"

"Dumating na ba ang Tita Zeny at Tito Arnel, Mommy?" excited niyang tanong at tumayo mula sa dresser stool. "At... at si Miles?"

Tuluyang pumasok sa silid si Carina at nangiti. "Bakit ka naman naiinip gayong apat na bloke lang ang layo ng bahay natin sa kanila, hija? Kung gusto mong makatiyak ay bakit hindi mo tawagan?" Nilapitan ni Carina si Nadia na humarap sa salamin. Kumuha ito ng Kleenex at pinahiran ang excess lipstick ng anak.

She sighed. "Nang araw na dumating tayo sa Maynila ay tinawagan ko siya kinagabihan, Mommy," ani Nadia na nagkalambong ang mga mata. "Ang sabi ng Tita Zeny ay tulog si Miles. M-may palagay akong nagdadahilan lang siya. I—I tried again the next day. Nasa SIC na si Tita Zeny at nasa mill na rin si Tito Arnel. Ang sabi ng maid ay hindi sinasagot ni Miles ang intercom sa silid nito."

"Well, there must be some reason why you haven't had the chance to talk to him. Malalaman natin iyon pagdating ng mga Sta. Romana. Tayo nang bumaba, hija, at nakakahiya sa mga bisita." Humakbang si Carina patungo sa pintuan.

"I'll be down in a minute, Mom."

"Huwag kang magtagal, hija, at kahit ang Daddy mo'y pinasusundo ka na sa akin." Lumabas na itong tuluyan.

Si Nadia ay naupong muli sa stool at binigyan ng panghuling hagod ang sarili. She was so excited to see Miles again after four years. Gayong kung tutuusin ay hindi naman dapat dahil may nobya na ito at ikakasal na. Still, hindi pa rin niya maialis na umasam na sana'y dumating ito. She had missed him so much.

Sa apat na taon niya sa Australia ay hindi nakalimot magpadala ng cards si Miles sa kanya. Bagaman nadidismaya siyang mumunting messages lamang ang nakalagay doon ay nagagalak na rin siyang hindi siya nakakalimutan ng kababata sa lahat ng mga okasyon sa buhay niya.

And she would bear Arlyn's presence tonight kung sakaling isasama ni Miles ang nobya.

Dinampot niya ang botelya ng paborito niyang pabango, White Linen ng Estee Lauder at nagwisik sa mga pulse points niya. Then she gave herself one last look in the full-length mirror at saka lumabas ngsilid.

"NAIINIP na ang Papa mo, Miles. Bilisan mo naman," apura ni Mrs. Zeny Sta. Romana sa anak. "Nakahihiya naman sa mga Tita Carina at Tito Benedict mo kung late na tayong darating. Tayo nga itong dapat na nauna roon..."

"Mauna na kayo sa ibaba, Mama. Susunod na ako," wika nito sa tonong hindi interesado kung makadadalo man sila sa anniversary ng mag-asawang matalik na kaibigan ng pamilya.

"Huwag kang magtatagal," she warned.

Pagkatapos tingnan ang anak ay lumabas ng silid si Mrs. Zeny Sta. Romana.

Wala sa loob na tumingala si Miles sa isang kuwadro na nakasabit sa ibabaw ng headboard nito. Silang dalawa ni Nadia sa isang nakatutuwang caricature. Regalo iyon sa kanya ng kababata nang magtapos siya sa kolehiyo. At marahil iyon na ang pinakamahalagang regalong natanggap niya sa buong buhay niya.

A little smile played his lips at the thought. Subalit ang ngiti'y dagli ring nawala at nagbuntong-hininga siya. Alam niyangdumating ang mga Zapanta mula Australia noong isang linggo. Sa hotel sa Makati nagtuloy ang mga ito bago umuwi ng San Ignacio dahil sa ilang papeles na inasikaso ng Ninong Benedict niya sa Philippine branch ng pinagtatrabahuhan nito. Ayon na rin sa Mama niya.

Hindi niya gustong kausapin ang kababata nang tumawag ito. Not that he didn't want to talk to her. Far from it. Hindi lang niya kayang makipag-usap muna kahit kanino sa nakalipas na mga araw. At kahit ngayo'y wala naman siyang balak daluhan ang pagtitipon ng mga Zapanta kung hindi sa pamimilit ng ina.

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon