CHAPTER FOUR

2.2K 64 9
                                    


NASA third year na siya sa high school at si Arlyn naman ay fourth year na at si Miles ay graduating na sa kolehiyo. Kung dati'y si Arlyn lang ang kalaban niya sa atensiyon ng binata ay hindi na ngayon. Maraming mga babae ang tuwina'y naghah45angad namapansin ng binata.

At nagpupuyos ang loob niyang malamang nakakailang palit na ng girlfriend ang kababata. Ganoon ma'y nakapagtatakang lagi pa ring tila anino nito si Arlyn.

At wala pa rin siyang alam buskahin kapag nakasilip ng pagkakataon kung hindi si Arlyn na lalong gumaganda sa pagdadalaga nito. At sa murang edad ay marami na ang nanliligaw. Maganda rin si Nadia, gandang lumalalim habang tinititigan. Subalit hindi iyon napapansin dahil may pagkagaslaw kumilos at tila lalaki. Laging nakapantalon at laging may baliktad na cap sa ulo. Ang barkada'y puro mga lalaki.

Hindi niya alam na nang pumili mula sa high school department ng mga candidates para sa Miss SIC, kasama siya sa tatlong pinagpilian. Kaya naman nagulat siya nang papuntahin siya sa principal's office at makita roon si Arlyn.

Nakaupo at tila prinsesa sa stiff-back na pagkakaupo sa upuang nakalagay sa labas ng office ng principal. Maayos na maayos ang buhok sa pagkakasupil. Magkapatongang dalawang kamay sa harapan na tila kukunan ng litrato ng school photographer. Ni hindi sumayad ang likod sa sandalan. Kalahati lang ng silya ang okupado.

Kung saan nito natutunan ang mga ganoong tamang paraan ay ikinaiikot ng mga mata niya sa kisame at ikinaangat ng isang kilay niya. Kung siya ang kikilos ng ganoon ay hindi lilipas ang dalawang minuto at babagsak siyang tila tiniban sa sahig.

Umangat ang kilay ni Arlyn sa pagkakatitig sa kanya.

"Ginamit mo ba ang Mama ni Miles para mapasama ka sa pagpipilian? Hindi ako makapaniwalang nasa listahan ka sa pagpipilian ng representative mula sa high school department." Bumaba-tumaas ang mga mata nito sa kabuuan niya sa painsultong paraan.

Naka-PE jogging pants siya. And as usual, marungis ang puting T-shirt dahil naglaro lang sila ng volleyball. May ilang hiblang buhok niya ang kumawala mula sa pagkakatali sa likod at nakasabog sa mukha niya. At puro pawis ang gilid ng noo atpisngi. She was a total wreck.

"I'll decline if I were you," patuloy nito habang walang lubay sa pagbaba-taas ang mga mata sa kanya na kinakabahan siyang baka hindi na maibalik sa tamang focus. "Mapapahiya ka lang..."

"You're rude, alam mo ba iyon?" inis niyang sabi rito.

Naroon ang simpatiya sa mga titig nito sa kanya. "You're my friend, Nadia. Nag-aalala lang ako. Ayokong mapahiya ka. All right, consistent honor student ka, pero hindi lang naman brain ang basehan sa pagpili ng Miss SIC. Higit mong alam iyon dahil dito ka na nag-aral mula pa kinder."

Hindi niya gustong makipagtalo rito sa mismong office ng principal. Besides, there was no need for Arlyn to be insulting. She would politely decline. She might be a consistent top student—tama si Arlyn—but she was no beauty kompara sa dalawa pang mga pagpipilian.

Nagulat pa ang principal nang tumanggi siya. Gusto nitong makausap ang Mommy niya. Subalit nagpakatanggi-tanggi si Nadia at napahinuhod ang principal.

What followed in the next three days were hours and series of interviews for Arlyn at ng isa pang napili mula sa second year high school. And she was only too glad nang hindi si Arlyn ang napiling representative sa high school department.

Ang napili'y ang mula sa second year. Ang anak nina Mr. and Mrs. Rodrigo dela Serna. Na parehong kaibigan din ng mga magulang niya at ng mga magulang ni Miles.

"Her father is very influential in this town," nakasimangot na sabi ni Arlyn sa kanya nang tanungin niya kung ito ang napili.

She smiled silently. Arlyn was only sour graping. Totoong maganda ito but Nadia thought that she lacked the height kompara sa napili. Though confidential, ibinulong sa kanya ng barkadang lalaking anak ng principal na hindi ito nakapasa sa oral interviews. At malaking bagay iyon. Arlyn wasn't that dumb but definitely she was not that smart either.

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Where stories live. Discover now