CHAPTER ELEVEN

2.5K 68 7
                                    


INIHANDA ang kasal nila ni Miles isang linggo matapos ang pamamanhikan ng mga magulang ng binata. Punong-abala ang Mommy niya at ang Mama nito. Ang Daddy niya ay hindi gaanong nagkikikibo. Alam niyang nagdaramdam sa kanya ang ama. Isa pa'y paalis na dapat ito, iniurong lang ang petsa ng muling pag-alis upang hintayin ang kasal nila.

Sa bakuran ng mga Sta. Romana idinaos ang simpleng garden wedding na dinaluhan ng piling mga kaibigan. Ang mga bisita'y nasa open veranda sa likod na nakatanaw sa karagatan na may limampung metro ang layo mula sa bahay. Ang makeshift altar ay puno ng mga bulaklak. The calmness of the blue sea, as backdrop, added to the romantic atmosphere.

Iyon ay kung normal ang kasalang nagaganap.

"Nakita mo ba si Miles, Pia?" tanong ni Nadia sa kaibigan na siyang tumayong maid of honor.

"Baka nandiyan lang," ani Pia at nagpalinga-linga. Ang natanaw ay si Crisanto, na siyang best man. Lumapit ito.

"Nasaan ba ang asawa mo at mag-isa mong hinaharap ang mga bisita?" tanong din nito kay Nadia.

"M-maiwan ko muna kayo at hahanapin ko." Mabilis niyang tinalikuran ang mga kaibigan.

Sa tagilirang hardin ay natanaw ni Nadia ang biyenang babae. Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya rito. Hawak sa tagiliran ang wedding gown upang huwag niyang maapakan.

"N-nakita po ba ninyo si Miles, Tit—Mama? Hinahanap siya ng mga bisita."

Isang pagalit na buntong-hininga at iling ang ginawa ng nakatatandang babae. "May nagbulong sa aking nasa harapang gate, hija. Kausap si Arlyn."

"Ho?" Agad ang paglatay ng panibugho at galit sa dibdib ni Nadia. "P-pupuntahan ko ho..."

"Ako na," galit na sabi ng nakata-tandang babae na panay ang paypay sa sarili. Hindi maitatago ang tensiyon sa kabila ng galit. "Harapin mo ang mga bisita nang hindi magtaka." Pagkasabi niyo'y lumakad na ang matandang babae patungo sa harapang gate.

Subalit lihim na sumunod si Nadia sa biyenan. Nagtago sa makapal na halamanan nang matanawan ang asawa na kausap si Arlyn sa may labas ng gate.

"Emilio!" si Mrs. Sta. Romana sa anak.

Lumingon ang tinawag. "Mama..."

"Ano ang ginagawa mo rito? Hinahanap ka ng mga bisita," wika nito at umangat ang tingin sa kausap ng anak. "Ikaw, bakit ka nariyan sa labas? Kung pagkatapos ng ginawa mo at kaya ng mukha mong makihalubilo sa mga bisita'y pumasok ka." Bagaman hindi nagtaas ng tinig ay puno ng galit ang tinig nito.

"Mama..." saway ni Miles.

"Huwag na lang, Mrs. Sta. Romana," wika ng babae sa kalmanteng tinig. Ni hindi natigatig sa insulto ng matandang babae. Pagkatapos ay tumingin kay Miles. "Lilipat na ako sa kabila, Miles. Saka na lang tayo uli mag-usap." Tumalikod na ito.

Umismid si Mrs. Sta. Romana na sinundan ang babaing tumawid sa kabilang kalye. Pagkuwa'y binalingan ng matalim na tingin ang anak.

"Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa iyo, Emilio," galit nitong sabi. "Sa mismong araw ng kasal mo!"

"Mama, please. Nag-uusap lang kami. Pero kung gusto ninyong mag-iskandalo'y kayo ang bahala." Tinalikuran nito ang ina at nagmamadaling bumalik sa reception area.

Si Nadia ay sinalubong ang asawa. "Hinahanap ka ng mga bisita. Saan ka ba nagpunta?" painosenteng tanong niya. Pilit itinatago ang galit at sama ng loob.

Naningkit ang mga mata ng lalaki. "Kailangan bang sabihin ko sa iyo ang bawat kilos ko at galaw? You're not my keeper, Nadia."

"But I am your wife." She winced silently. Bakit walang tamis ang salitang 'wife' sa pandinig niya? Gayong inaasam-asam niyang maging asawa ni Miles mula pa nang magkaisip siya.

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Место, где живут истории. Откройте их для себя