CHAPTER NINE

2.3K 66 2
                                    


"GABI na siyang nakauwi," bulong ni Zeny kay Nadia.

"Hindi ho ba sinabi kung saan siya nanggaling?" tanong niya sa mahinang tinig.

Umiling ito at inabutan siya ng juice.

"Thank you po." Tumingala siya sa itaas."Natutulog pa rin ho ba?"

"Oo. Ang mabuti pa'y ikaw na ang gumising at nang magsabay na kayo sa almusal." Halos ipagtulakan nito ang dalaga papanhik.

Hindi naka-locked ang pinto kaya pumasok na lang siya. Natutulog pa si Miles. May ngiti sa labing pinagmasdan niya ang binata. Maliban sa kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito'y hubad ang binata. Nakadapa.

He was lean and beautiful. Hindi eksaherado ang mga muscles sa katawan.

Naalala niya ang tawag ng mga classmates niyang babae kay Miles noong araw. Mr. Hunk. At hindi iilan ang kabataang tumitili sa captain ball ng soccer team ng SIC.

Hindi na teenager si Miles ngayon. Pero walang nabago sa physical nitong mga katangian. Sa halip ay lalong naging prominente sa paglipas ng mga taon.

Dumako ang mga mata niya sa mukha ng binata. Kabilang bahagi lang nito ang nakahantad sa kanya pero sapat upang mabanaag niya ang bahagyang-bahagyang pagtabingi ng ilong nito. He got it from afight years ago. Mga kalaban sa larong soccer sa St. Vincent's College. Nagkapikunan.

At sa muli nilang pagkikita makalipas ang apat na taon ay tila yata lalong tumitindi ang damdamin niya rito. Noon ay pinilit niyang kalimutan ang damdamin niya sa kababata dahil ayaw niyang maging hadlang sa pag-iibigan nito at ni Arlyn. Ngunit hindi na ngayon. Noon ay pinagbigyan niya si Arlyn. Ngunit pinabayaan nito si Miles at sinaktan. It was her turn now.

Lumakad siya palapit sa natutulog na lalaki at tila may sariling isip na umangat ang kamay niya upang haplusin ang buhok nito. Subalit hindi pa man lumalapat ang kamay niya'y gumalaw ang binata. Mabilis niyang binawi ang kamay.

Naalimpungatan si Miles at nag-inat ito bago tumihaya at nagmulat ng mga mata. Bahagya pa itong nagulat nang makita siya.

"G-good morning," nauutal niyang bati. Guilt flooded her face. Muntik na siya nitong mamulatan sa balak niyang gawin.

"Am I dreaming and you're Catherine Zeta Jones about to ravish me," he smiled sleepily.

"P-pinagigising ka na kasi ni Tita Zeny. Sabay na raw tayong mag-almusal." Hindi niya mapigilang hindi sulyapan ang dibdib nito. And for a fleeting moment she thought she would be in cloud nine kung makukulong siya sa katawang iyon.

Hindi tumitinag sa pagkakahiga si Miles at nakatitig lang sa kanya. Iniunan ang mga braso at nasa mga labi pa rin ang tila inaantok na ngiti.

"Have you been watching me sleep?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit mo naman nasabi iyan?"

He grinned. "I had this feeling na may nakamasid sa akin. That woke me up. At dahil ikaw ang namulatan ko, so it must be you who ravished my body with your eyes."

"Ang yabang mo, Emilio!" Her arms akimbo. And hate herself for looking so guilty. "Hindi ka ginising ng kung ano-anong imahinasyon mo. Talagang magigising ka na dahil tanghali na! Bumangon ka na nga at nang makakain na rin ako."

"Yes, Boss," nag-iinat na sagot nito at bumangon. Pagtayo nito mula sa pagkakahiga ay bumagsak ang kumot sa lapag. Nadia gasped at the sight of him. He was almost naked, maliban sa bikini briefs nito. Na para na ring wala, because he was fully aroused. A shiver ran down her spine and immediately turned her back horrifyingly.

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon