CHAPTER THIRTEEN

3.2K 75 14
                                    


"TOTOO ba, Nadia? Nagdadalang-tao ka?" excited na tanong ni Carina sa anak. "Why, halos isang buwan pa lang namang—oh, well..." at saka galak na bumulalas. "Magkakaapo ako! At ni hindi mo sinasabi sa akin..."

Nagulat si Nadia sa sinabi ni Miles at hindi malaman ang isasagot sa ina. Kung ganoon ay itinuloy pa rin ng biyenan na sabihin sa anak ang kunwa'y 'pagbubuntis' niya.

She groaned inwardly. Gustong manlambot. Panibagong panloloko na naman itong gagawin nila! Gusto niyang itanggi iyon subalit paano naman ang biyenan niya? Hindi niya gustong hiyain ito. Ang gusto lang naman ni Zeny ay lumigaya sila ni Miles.

"Congratulations to both of you!" ani Harry na tumayo at kinamayan si Miles.

"Thank you." Tinanggap ni Miles ang pakikipagkamay ni Harry bagaman pormal ito.

Ang Mommy niya ay niyakap siya nang mahigpit at kitang-kita ang labis na kasiyahan sa mukha nito sa kaalamang magkakaanak na siya.

"Mag-o-overseas agad ako sa Daddy, hija. Matutuwa siyang tiyak sa ibabalita kong ito. Magkakaapo na kami!" excited ang boses na sabi ni Carina.

"So, iyon ang dahilan kaya nahuhulog ang katawan mo, Nadia," si Harry.

Napatingin si Miles dito nang marinig ang komento ni Harry. Sandaling dumilim ang mga mata na agad ding pinalis.

"Naku, dapat ay doon na lang kayo sa bahay na malaki tumira," ani Carina. "Masyadong malayo itong bahay n'yo."

"Mommy, gusto kasi namin ni Nadia na magsarili muna sa mga unang taon ng pagsasama namin," si Miles ang sumagot.

Disappointed man na maalagaan ang anak sa pagbubuntis nito'y nagkibit na ng mga balikat si Carina.

"Naiintindihan ko kayong mag-asawa. Pero kailangang kumuha na kayo ng katulong, Nadia. Hindi ka maaaring magpagod lalo at ganyang buntis ka na. Ipapadala ko rito si Mameng. Tutal mula nang mag-asawa ka'y wala na siyang inaasikaso. Tama na sa akin si Imelda."

Gusto niyang makonsiyensiya. Pakiramdam niya ay lalong lumaki ang kasalanan niya kay Miles at ngayon ay pati sa Mommy niya. And sooner, sa daddy niya sa sandaling ibalita ni Carina na nagdadalang-tao siya.

Kailangan ba niyang lokohin ang mga mahal niya sa buhay para lang sa obsesyon niyang mahalin din ni Miles?

At mapapatawad pa ba siya ni Miles sa sandaling malaman nito ang panibago niyang kasinungalingan?

Litong-lito na siya. Hindi na niya alam ang gagawin. Sana'y maibalik niya sa dati ang lahat. Sana'y hindi na lang niya hinangad na mahalin din siya ni Miles. Sana'y pumayag na lang siyang pakasal sila ni Harry. Marahil ay matututuhan niya rin itong mahalin dahil mabait at mahal siya nito. Sana'y wala siyang bigat na dinadala sa dibdib ngayon.

Napakaraming sana... sana...

MULA nang malaman ni Miles ang pagdadalang-tao niya ay madalas na itong maglagi sa bahay. Bagaman may distansiya pa rin ang pakikisama ng asawa sa kanya ay hindi na ito tulad ng dati. Habang lumilipas ang mga araw ay tumitindi ang takot na nadarama ni Nadia. Lalo kapag nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya at sa tiyan niya. Wari ba niya'y nagdududa.

Guilt naman ang nasa dibdib kapag nagtatanong ito kung kumain na siya o nagpatingin na siya sa doktor at kung ano-ano pang may kinalaman sa pagdadalangtao niya.

Hindi siya magtataka kung isang araw ay basta na lang siya mabubuwal sa matinding tensiyon.

"GUMAWA ka ng paraan, hija," ang biyenan niya nang muli siyang dalawin nito.

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant