CHAPTER FIFTEEN

3.2K 78 1
                                    


NANG matanawan ni Arlyn na bumababa na si Nadia ay nagpatiuna na itong lumabas.

"Pakisara ninyo ang pinto, Yaya Mameng," bilin niya sa yaya na nasa labas na ng silid nito. "Pupuntahan ko si Miles sa bahay nina Arlyn..." Hindi nito hinintay na sumagot ang matandang babae at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Ilang sandali pa'y nasa daan na sila ni Arlyn. Ginamit niya ang Wrangler jeep ni Miles. "Bakit nasa inyo si Miles, Arlyn? Bakit hindi mo sa ospital dinala?"

Si Arlyn ay nakatitig lang sa daan. Hindi agad sumagot. Nadia feared that she was in silent panic.

"Arlyn, talk to me, please!"

"Si Miles ang may gustong doon ko siya dalhin dahil walang tao roon. Nasa bakasyon ang mga magulang ko't kapatid. He seemed all right pero nag-aalala ako. Baka may internal damage or broken bones...."

"Bakit hindi ka humingi ng tulong sa mga magulang ni Miles? Nasa tapat lang halos ang mga iyon?"

"P-paano namin ipaliliwanag ni Miles na kami ang magkasama?" wika nito na sa isip ni Nadia ay lohiko.

Tiyak ni Nadia na maghihisterya ang mga biyenan niya sa sandaling malamang naroon si Miles at magkasama ang dalawa sa buong magdamag.

"H-hindi ko rin siya madala sa ospital dahil umiiwas si Miles sa iskandalo. Nadia, please, magmadali ka bago tayo abutan ng liwanag at may makakita kay Miles sa bahay namin."

Diniinan niya ang selinyador. Halos lumipad na sila sa bilis niya. Gusto nang mabiyak ang dibdib niya sa matinding takot para kay Miles. At pinipigil lang niyang huwag umiyak at mag-panic dahil nakikita niyang nagpa-panic si Arlyn sa tabi niya. Kahit paano'y nag-aalala siya para rito dahil nagdadalangtao ito.

"P-paano kang nakarating sa amin?"

Sandali niyang nilingon ito.

Hindi agad ito sumagot. Pagkuwa'y: "I hitched hike. Mag-concentrate ka sa pagda-drive, Nadia, at bilisan mo pa."

Twenty minutes at nasa harapan na sila ng bahay ng mga magulang ni Arlyn. Madilim ang buong kabahayan maliban sa tila bahagyang liwanag na nagmumula sa isa sa mga silid. Marahil ay naroon si Miles.

Nagmamadaling bumaba si Nadia. Nilingon muna nito ang bahay ng mga biyenan sa di-kalayuan bago lumakad papasok sa bakuran nina Arlyn. Nasa harapan na siya ng pinto nang lingunin si Arlyn na tahimik na nakasunod.

"Nasaan si Miles, Arlyn?"

"Let's use the back door," wika nito at lumihis patungo sa tagiliran. Nagma-madali ang mga hakbang.

Lakad-takbong sumunod si Nadia. Sa likod ay basta na lang itinulak pabukas ni Arlyn ang pinto. Hindi iyon naka-locked. Pinauna siya ni Arlyn na pumasok sa loob.

"B-bakit hindi mo buksan ang ilaw?" ani Nadia matapos ang tatlong hakbang. Pilit na inaaninag sa kadiliman ang loob ng bahay.

"Ayoko ng liwanag, Nadia," wika nito sa kakaibang tinig. "Ayokong makita mula sa labas na narito tayo."

Humakbang si Nadia papasok at nangangapa sa kapirasong liwanag mula sa malayong poste sa kalye. Bahagyang-bahagyang liwanag na hindi naman nagdudulot ng liwanag sa daraanan niya. Hindi na mahalaga sa kanya kung malaman man ng ibang tao na naroroon si Miles. Ang mahalaga'y madala ang asawa sa ospital.

Gusto niyang makita ang dingding dahil baka-sakaling naroon ang switch ng ilaw. Nang mapatid niya ang isang silya at napadukwang siya sa baldosa.

"Oh, god!" she groaned. Tumama ang balakang niya sa kung anong kanto. "Buksan mo ang ilaw, for heaven's sake!" Lamesa marahil ang nahawakan niya at kumapit doon upang tumayo. "Nasaan si Miles, Arlyn?"

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Where stories live. Discover now