CHAPTER THREE

2.1K 64 1
                                    


PINAHID ni Nadia ang luha sa mga mata. Tumayo at pinagpag ang buhangin mula sa porontong. She walked slowly home. That was a year ago. At magmula nga nang lumipat sina Arlyn sa lugar nila, kung hindi man nabawasan ang atensiyon ni Miles sakanya ay tatlo naman na silang magkakasama—na ipinaghihimutok niya. Malambing si Arlyn kay Miles at masuyo naman ang huli rito.

Iyon ang isa pang ikinaiinis ni Nadia kay Arlyn. Siya, nagkaisip na siyang magkaibigan ang mga magulang niya at ang mga magulang ni Miles subalit hindi niya magawang maglambing sa kababata, sa paraang tulad ng ginagawa ni Arlyn. Nahahalayan siyang tingnan.

May pagkaharagan si Nadia, tomboyish kung kumilos. Samantalang mahinhin at iyakin naman si Arlyn. Kaya madalas niya itong makatuwaan. Subalit karaniwan na ay si Arlyn ang nagpapasimuno ng panunukso at kantiyaw, lalo at hindi kaharap si Miles. At tuwina'y ipinagtatanggol naman ito ng kababata.

Na sa tuwing ginagawa ni Miles ay lalo siyang nagngingitngit. Sanhi upang patulan niya ang minsa'y wala namang kabagay-bagay na pang-iinis ni Arlyn.

Nag-iisang anak lamang si Nadia ng may kayang mga magulang. Ang ama'y isang bigating executive sa isang milk company.At sunod halos lahat ng luho sa mga magulang. Kaya madalas ay kayan-kayanan lamang niya si Arlyn. At tuwina'y kalaban niya si Miles sa bagay na iyon.

"BAKIT naman natiis mong hindi hatian ng baon mo si Arlyn?" sita sa kanya ni Miles nang lumabas siya ng canteen, kasama ang kaeskuwelang si Pia.

Nanlaki ang mga mata ng batang babae. "Iyon ang sabi niya?"

"Hindi niya sinabi," pagtatama ni Miles. "Ang sabi lang niya'y nahihiya siyang maupo sa canteen na softdrinks lang ang iniinom dahil naroon kayo ni Pia na kumakain ng masarap na sandwich at spaghetti."

Nagkatinginan ang magkaibigan. Nagkibit siya ng mga balikat. Walang-silbi na sabihin kay Miles na nagso-solicit lang ng sympathy si Arlyn at na gusto nitong palabasing maramot siya.

Minsan ay ipinagbaon niya ito ng sandwich subalit itinapon lang sa basurahan nang matalikod siya. Nagkataong may nakakitang ibang bata at isinumbong sa kanya. Siya mismo ang nakakita sasandwich na ibinigay niya rito sa loob ng basurahan. She never confronted her. Subalit mula noon, ni alok ay hindi niya gustong gawin.

"Sorry, Mr. Defender of Arlyn Peralta. Hindi namin siya nakita. Let's go, Pia." Padabog niyang hinila ang kaibigan at nilampasan si Miles na hinabol siya at hinawakan sa braso.

"Sweetheart naman..."

"Huwag mo akong ma-sweetheart-sweetheart d'yan, huh!" singhal ng batang babae.

"Ang gusto ko lang namang mangyari ay intindihin mong mahirap lang sina Arlyn. Hindi niya kaya ang magbaon ng tulad ng sa iyo," ang binatilyo na nagkamot ng ulo.

"Sorry na lang siya!" she said bitchily. Nasusuya na siya.

"Don't be such a bitch and a brat, Nadia!" Kitang-kita ang pagkamangha sa mukha ni Miles.

"So I am a brat and a bitch! Ano ang pakialam mo? Ninyo ni Arlyn? Kung naaawa ka sa kanya, bakit di mo suportahan!" At galit niyang tinalikuran si Miles. Masamang-masama ang loob.


"NADIA, dali!" si Pia at hinila siya sa manggas ng uniporme niya. "Awatin mo si Miles at nakikipag-away sa may back gate ng school."

"Bakit?" tanong niya at patakbong sumunod.

Sa labas ng gate sa likod ng high school department ay naroon si Miles at nakikipagsuntukan. Nanlaki ang mga mata ng batang babae. Dalawang kasing-edad at kasing lalaki ni Miles ang kalaban nito.

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Where stories live. Discover now