CHAPTER FOURTEEN

3.2K 58 2
                                    


PINAGMASDAN ni Miles ang asawa. Nakadapa si Nadia sa unan. Her fingers were clutching the pillow sheet tightly. He tried to reach her subalit muling ibinalik ang kamay and uttered an oath.

Napapitlag si Nadia sa pagmumura ng asawa sa kabila ng discomfort ng sariling katawan. She was expecting a tirade any moment now.

Tumayo si Miles, dinampot ang tuwalya sa silya at itinapis sa katawan. Humakbang patungo sa bintana. Nakatiim ang mga bagang habang tinatanaw ang kadiliman sa labas. Pagkuwa'y muling ibinalik kay Nadia ang mga mata.

"I don't know what to make of you, my little cheating wife," wika nito. Nahahati ang sarili sa pagitan ng galit sa asawa at ina dahil sa kasinungalingan ng mga ito; at galit sa sarili dahil hindi nito maiwasang hindi masaktan si Nadia sa pagtatalik na iyon. Siya itong napaglalangan subalit bakit tila nasa kanya ang guilt? And that angered him more.

"So, my virgin wife was pregnant, eh," patuloy ito sa panunuya. "Hindi ko kayang isipin kung paano mo nagawa sa akin ito, Nadia. Arlyn, at least, was honest nang sabihing hindi ako ang ama ng—"

Doon pabalikwas na humarap si Nadia. Walang pakialam kung hubad man siya. Nag-aapoy ang mga mata sa galit.

"Shut up! Shut up!" she hissed. "You bastard. Mula pagkabata'y wala ka nang ginawa kundi ikompara ako kay Arlyn. She was demure... she was shy... she was vulnerable! Nagdadalang-tao siya sa ibang lalaki gayong kayo ang magkasintahan at nakatakdang ikasal?! And you called that honesty? You asshole!"

He was speechless as he stood mesmerized. His wife, in anger, was unaware how beautiful she was, like a raging goddess in all her naked splendor.

Dinampot ni Nadia ang night gown sa sahig at sa kung paano na lang isinuot. Sa galit ay walang pakialam kung nagkapunit-punit man ang ibang bahagi niyon.

Muling humarap sa asawa. "So, I am a cheat, a scheming bitch. Fine, you can go to hell with your precious and honest Arlyn for all I care! I am only sorry now na pumayag ako sa Mama mo sa mga plano niya!" Then she stormed out of the room.

Gustong sundan ni Miles ang asawa subalit pinigil ang sarili. Kahit paano'y may kasalanan pa rin ito. Humakbang siya patungo sa kama at nahiga.

Tonight was another long and sleepless night. He would have to endure the ache in his loins because he wanted his wife even more. Tulad ng pangangailangan niya rito sa nakalipas na maraming gabi.

Subalit kakaiba ang gabing ito sa mga nagdaang gabi. Naangkin niya ang asawa sa kauna-unahang pagkakataon at inuusig siya ng budhi na hindi niya nagawang ibigay rito ang walang katumbas na kasiyahang nadama niya kanina.

NAIPAGPASALAMAT ni Nadia na wala na ang asawa kinabukasang magising siya. She was tired and weak para makipagtalo. At hindi niya gustong makita siya ng asawa na namamaga ang mga mata sa kaiiyak.

Because she'd be damned kung ipakikita niya ritong labis siyang nasasaktan.

"Yaya Mameng, pakitingnan nga po kung sino ang kumakatok," utos niya sa matandang babae. Nasa mesang-kainan siya at nagkakape.

"Nadia, may bisita ka," wika ni Yaya Mameng nang bumalik sa sala.

"Sino—" Napatayo siya. Hindi niya inaasahan ang bisita niya. Mabilis ang hakbang niya patungo sa sala.

"Puwede ka bang makausap?" ani Arlyn sa kanya.

"M-maupo ka." Itinuro niya ang sofa sa katapat ng inuupuan niya.

May ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago nagsimulang magsalita si Arlyn.

"Nagpunta ako rito para linawin ang lahat," simula nito. "Bakit inagaw mo sa akin si Miles, Nadia?" May pagdaramdam sa tinig nito.

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Where stories live. Discover now