CHAPTER SEVEN

2.3K 66 4
                                    


NAKISIKSIK siya sa mga tao upang malapitan at mabati si Miles. Natanaw na niya ito at nagmamadali siyang lumakad patungo rito dala ang regalo niya. Caricatures iyon nilang dalawa ng binata. Ginawa iyon ni Crisanto na isang mahusayna artist. Ipinakuwadro niya.

"Mi—" Ang akma niyang pagsigaw at pagtawag dito'y nahinto sa lalamunan niya nang mula sa grupo ng mga estudyante ay lumitaw si Arlyn at niyakap agad si Miles.

Napigil na rin pati ang paghakbang niya. Binabalot ng panibugho ang buong pagkatao niya. Kasama na ang inis kay Arlyn. Hindi niya gustong lumapit subalit nangako siya kay Miles na naroroon siya upang batiin ito. Ipinagpatuloy niya ang paglapit. Natanawan siya ng binata at agad na humiwalay kay Arlyn.

"Congratulations, Miles," aniya at tumingkayad at hinagkan sa pisngi ang kababata. She closed her eyes dreamily nang malanghap ang aftershave nito. Her kiss took longer than necessary.

Tumikhim si Miles. "Hey, ano iyang kilik mo?"

Sapat upang bumalik sa sarili si Nadia. Tinapunan niya ng tingin si Arlyn na nakasunod. Walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa kanila.

"P-para sa iyo." Iniabot niya ang kuwadro at tinanggap naman ng binata.

"Ang laki naman," nakatawang sabi nito at niyuko ang kuwadro. "Let me guess, isang painting ang regalo mo sa akin. Painting ng isang magandang view..."

"Ang cheap mo, huh?" Inirapan niya ito.

Ngumisi si Miles at hindi nakapag-hintay at tinanggalan ng balot ang kuwadro. "Wow!" bulalas nito. Nadia saw that he was really pleased. "Ako ba ito?"

"Mas guwapo iyan," she teased. Hindi pinansin ang nakasimangot na si Arlyn sa likod.

Natawa nang malakas si Miles. "Why, this is exactly how you look like, Nadia!" wika nito and she made a face. "Thank you, sweetheart. I'll treasure this." Nilingon nito si Arlyn na agad ngumiti. "Sumabay ka na sa amin ni Arlyn. Idadaan ka na namin sa bahay ninyo."

"Oo nga naman, Nadia," nakangiting segunda ni Arlyn at kumapit sa braso ng binata. "Iisang subdivision naman ang inuuwian natin."

She almost rolled her eyes at the hypocrisy. "May pupuntahan pa ako, eh. May usapan kami ni Crisanto na magkikitangayon pagkatapos ng commencement exercise..."

Nagsalubong ang mga kilay ni Miles. "Pagabi na. Alam ba ng Tita Carina na maglalakwatsa ka?"

"Sandali lang naman kami. O, sige na..." At bago pa makapagsalita uli si Miles ay nagmadali siyang tumalikod.

THREE months na si Miles sa Maynila at nakakuha na ng review class. Natanggap din itong apprentice sa isang airline company sa Parañaque habang naghihintay ng board exam. Dahilan iyon upang sa loob ng sumunod na mga buwan ay hindi ito dumadalaw man lang sa San Ignacio.

Kalahating taon na ito sa Maynila nang pag-uwi nito isang gabi galing sa trabaho'y datnan si Nadia sa bahay ng tiyahin.

"Nadia!" bulalas ni Miles nang sa pagpasok pa lang niya sa may pinto ng kabahayan ay nakatayo roon ang dalagita.

"Hello, Miles."

Agad na gumuhit ang isang ngiti sa mga labi nito. "Oh, I'm so glad to see you..." Hinapit nito si Nadia at niyakap. Ang pag-ahon ng kasabikan sa dibdib nito was almost unbelievable.

Pagkatapos ay pinakawalan nito ang kababata at inakay sa may labas ng bahay. Sa kinalalagyan ng covered swing at naupo sila roon.

"Sino ang kasama mo?"

"Si Mommy pero umalis na. Susunduin na lang ako. Kanina pa kami rito. Ang layo naman pala ng pinapasukan mo mula rito..."

Hindi pinansin ni Miles ang huling sinabi niya. "Dito ka rin ba mag-aaral ng kolehiyo?" Sa hindi malamang dahilan ay nakadama ng excitement ang binata sa hinuhang iyon.

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Where stories live. Discover now