CHAPTER SIXTEEN

3.9K 76 2
                                    


HINDI na bumalik sa apartment si Nadia. Ipinahakot na niya sa kanila ang mga gamit. Anyway, iyon naman talaga ang balak niya matapos silang mag-usap ni Miles kung hindi nangyari ang pagtatangka ni Arlyn.

At apat na araw na mula nang mangyari iyon subalit hindi pa rin nagpapakita si Miles sa kanya. Sinubukan niyang tawagan ito sa bahay ng mga biyenan subalit wala ito roon. Ang laging sinasabi ni Mrs. Sta. Romana ay may inaasikasong mahalagang bagay si Miles. Na huwag siyang mag-alala at darating ang asawa.

Nalaman din niyang dinala si Arlyn sa ospital sa Trinidad. At ayon pa kay Mrs. Sta. Romana'y malamang na ilipat sa psychiatric ward sa National Hospital for Mental Health si Arlyn sa susunod na linggo.

At walang balita ang mga ito kung nasaan ang mga magulang ng babae. Sabi ng biyenan niyang babae ay mahigit isang linggo nang walang tao sa bahay ng mga Peralta bago pa man mangyari ang pagtatangka ni Arlyn na patayin siya.

Gusto niyang mahabag sa kababata. Hindi niya maunawaan kung ano ang dahilan ng ipinagkaganoon nito. Dahil ba sa nagpakasal sila ni Miles? That must be the reason. Mula pa noong mga bata pa sila'y mahina na si Arlyn. At tanging kay Miles ito nakadepende. Na ipinagtataka niya nang labis dahil ito mismo ang nagtalusira sa sana'y kasal nila ni Miles.

At naguguluhan ang isip niya dahil may mga magulang ito. Mga magulang na hindi malaman kung nasaan at ni walang alam sa nangyayari sa anak nila.

ON THE fifth day na wala siyang narinig kay Miles, she packed her bags.

"Are you sure you want to do this, Nadia?" nanlulumong sabi ni Carina matapos marinig mula sa anak ang dahilan kung bakit napakasal sila ni Miles at ang nabuong pasya nito. "Baka naman maisasalba pa ang pagsasama ninyo ngayong wala na si Arlyn."

"No, Mom. Natitiyak kong lalong hindi matitiis ni Miles si Arlyn ngayon," malungkot niyang sabi. "Hindi lang pati si Arlyn ang dahilan. Walang pagmamahal sa akin si Miles. Idagdag pa ang galit niya sa mga panlolokong ginawa ko. Mula sa pagpikot sa kanya at sa pagpapaniwala sa kanyang buntis ako. At ito dapat ang pagpapasyahan namin ni Miles bago nangyari ang pagtatangka ni Arlyn."

"Pero bakit hindi mo hintayin ang asawa mo at mag-usap kayo nang maayos?"

"It is less painful this way, Mommy." She took a deep breath upang pigilin ang pagnanais na umiyak. Niyuko ang mga gamit at inilagay sa maleta. "Sa hotel na muna ako tutuloy habang inaayos ng travel agency ang visa ko patungong New Zealand. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa Daddy. He will understand."

"Sasamahan kita sa Maynila, hija."

"Mom, I'll be fine. Huwag kayong mag-alala," assurance niya sa ina. "Magpapagod lang kayo dahil pagkakuha ko ng visa ko'y tutuloy na agad ako sa airport. At mag-isa na lang kayong uuwi rito. Huwag na, Mom. Kayo na lang ang bahalang makipag-usap sa mga biyenan ko at magpaliwanag. Maiintindihan ako ng Mama Zeny."

Pahikbing tumango si Carina. "Tawagan mo ako pagdating mo sa Maynila, hija, para maalis ang pangamba ko..." Hinagkan nito sa pisngi ang anak. "I could hate Miles for this."

"Don't, Mommy. Walang kasalanan si Miles. Kami ng Mama Zeny ang may pakana ng lahat. Dinaya namin siya."

IKALIMANG araw niya sa hotel. Ayon sa travel agency niya'y sa araw na iyon lalabas ang visa niya para sa New Zealand. Pagkagaling niya sa embassy ay tutuloy siya sa lahat ng shopping malls sa araw na iyon. Hindi niya gustong magmukmok sa hotel. At least, dalawang araw na lang at aalis na siya.

Kalalabas lang niya sa banyo nang mag-ring ang phone sa silid niya. Sinagot niya iyon habang nagpupunas ng basang buhok.

"Ma'am, papanhik na po iyong ahente ng travel agency ninyo," Ang clerk sa front desk. "Ang sabi ko po'y hintayin na kayo pero wala hong sumasagot sa telepono kaya nagpilit na siyang—"

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Onde histórias criam vida. Descubra agora