CHAPTER SEVENTEEN - Last Part

6K 143 34
                                    


KASALUKUYAN niyang itinatali ang sash ng bathrobe niya nang lumabas mula sa banyo ang asawa.

Nakatapis na ito ng tuwalya at kumikislap ang mga matang sinusundan ng tingin ang bawat gawin niya. She reached for a clean underwear at isinuot. Nanatiling nakamasid si Miles na gusto na niyang sumigaw sa pagkailang at tensiyon.

Nilingon niya ito. "Gusto mo bang sumabay sa akin sa pagbaba sa hotel?"

"No. I'd rather stay here all day..."

"S-sure. You can rest here. Sa embassy ako tutuloy and I'll be out the whole day." Inabot niya ang jeans sa cabinet. Doon humakbang si Miles patungo sa kanya at kinuha mula sa kanya ang jeans at ibinalik sa pinagkunan niya.

"I'll stay here all day, all right. Pero kasama ka. We never had a proper honeymoon, had we?" Hinapit siya nito. Katatapos lang ng mainit na pagniniig subalit nang madikit ang katawan niya sa katawan nito'y muling bumangon ang pagnanasa.

"Miles, w-what are you talking about?" Nalilitong tumingala siya sa nanunudyong mga mata ng asawa. "May appointment ako sa travel agent ko."

Huminga nang malalim si Miles. Pinakawalan siya at lumakad patungo sa kama at inilatag ang katawan doon sa pahalang na paraan.

"Once long ago, there was this little girl that I cared about. She was full of mischief." Tinapunan siya nito ng tingin. "Then came Arlyn, that little girl's exact opposite. Arlyn was a novelty mula sa haragan at pilyang kababata ko. Arlyn was shy, demure and a crying baby, or so I thought.

"She aroused my protective instinct because the little girl I loved was naughty and brat." Nang muling sumulyap sa kanya si Miles ay naroon ang lungkot sa mga mata nito.

Hindi malaman ni Nadia kung ano ang mararamdaman. Pero nanatili siyang hindi nagsasalita.

"I feel like a hero sa tuwing naipag-tatanggol ko si Arlyn mula sa pang-iinis mo at sa ibang mga kabataang lalaking gustong mambastos sa kanya. Pero gusto kong patayin si Josh nang hindi sinasadyang nasuntok ka. And was so jealous with him nang makita ko siya sa bahay ninyo at kausap ka." He smiled at the memory.

"Habang lumalaki tayo'y inilalayo mo ang sarili sa akin... sa amin. At lalong napapalapit sa akin si Arlyn na lagi na lang nakasandig sa akin. Na para bang kapag wala ako'y hindi niya alam ang gagawin niya. While you, my cheating heart, can take care of yourself that I didn't think you need me. You rejected every concern I had for you then..."

"N-nagseselos ako kay Arlyn..." she said softly.

"I realized that now," ani Miles na bahagyang tumango. Nagpatuloy ito. "Nang sabihin sa akin ni Arlyn ang problema niya sa kanyang stepfather, lalo kong nadama na kailangan niya ang tulong at kalinga ko. Then you left..."

Nag-angat ng tingin si Nadia at sinalubong ang mga titig ng asawa pero hindi kumibo.

"Believe it or not, sweetheart, nasaktan ako. May malaking bahagi ng pagkatao ko ang tila nawala na hindi kayang punan ni Arlyn o kahit ng sinumang babae. Hindi ko kayang tukuyin kung ano iyon noon. And all those years, too, ilang beses kong inaanalisa ang damdamin ko nang hagkan kita nang magpaalam ka..."

Nag-angat ng ulo si Nadia and met her husband's eyes. A certain heat ran through her body at the memory.

"I—I haven't forgotten that, too..."

Miles smiled tenderly. "Let's talk about that later. Patapusin mo ako tungkol sa amin ni Arlyn. Magkasintahan kami but I never proposed marriage to her. Hindi rin siya bumabanggit ng tungkol doon. Bagaman nagtataka ako, that made me feel secured. And never once na nagselos ako sa mga lalaking manliligaw niya na minsa'y inaabutan ko sa boarding house. Strange, pero sa kaibuturan ng puso ko'y alam kong hindi siya ang babaing gusto kong pakasalan."

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon