CHAPTER SIX

2.3K 66 15
                                    


"ANO BA ang nangyayari sa iyo, Nadia?" sita ni Pia sa kanya nang nasa canteen sila. "Ilang araw ka nang wala sa mood? At noong prom, bakit pagkatapos mong makipagsayaw kay Miles ay basta ka na lang nawala. Alam mo bang hinanap ka nganiya sa amin? Ilang beses niya akong tinanong kung nasaan ka. Bakit ba?"

Hinanap siya ni Miles. She smiled to herself bitterly. Inabot ang Cali sa lata at uminom. Noong Sabado ng party ay maaga siyang umuwing mag-isa. Ni hindi siya nagpaalam kahit sa mga barkada at kaibigan. Kahit ang mommy niya'y nagtaka nang maaga siyang umuwi at nag-iisa pa.

She gave the usual trite reason. Masakit ang ulo. Na pinaniwalaan naman ni Carina dahil siya na mismo ang humingi ng paracetamol sa ina. Subalit itinapon lang niya iyon sa toilet bowl nang mapag-isa siya.

She spent the night crying. Kaya naman nang magising siya kinabukasan ng Linggo ay tanghali na. Sanhi upang ang pamamaga ng mga mata niya sa kaiiyak ay maipagkamali ni Carina na oversleeping. Na ipinagpasalamat niya nang lihim.

"Huwag mo akong intindihin, Pia. I am not myself these last few days."

"Oh, well—look who's coming," ani Pia at kinalabit siya kasabay ng pagnguso sa dalawang parehas na pumasok sa canteen.

"Ang love birds. Sila na bang talaga? Sa party ay napuna kong hindi naghihiwalay ang dalawang iyan."

Hindi niya gustong tumingin subalit magtataka si Pia. Lalong higit si Miles kung hindi siya babati. Never mind Arlyn. Wala siyang pakialam sa sasabihin nito.

"Hi, Nadia," si Miles na pinakatitigan siya. "Bakit bigla ka na lang nawala noong Sabado?" sita nito.

Nagkibit siya ng mga balikat at ngumiti. "I got bored."

"Ows? Sabihin mo, baka nag-tantrums ka na naman dahil hindi mo matanggap na kami na ni Miles..." ang panunuya nito'y tinakpan ng malambing na tinig.

Nilinga ni Miles si Arlyn, and in a reprimanding voice: "Ang ipinagtatampo lang ni Nadia ay iyong ipinaglihim natin sa kanya iyon. We are supposed to be friends at hindi dapat na—"

"No big deal, guys," wika niya. "Ano ba ang pinagtatalunan natin. Actually, niyaya ako ni Josh na umalis kami sa party. I got bored so..." Sinadya niyang huwag ituloy ang sinabi. Nagulat din siya sa sariling nabanggit niya ang pangalan ni Josh. Hoping that he didn't escort any girl from high school. She reminded herself to give Josh a call.

"Si Josh!" bulalas ni Miles. "Nakipag-date ka sa palikerong iyon! Without any chaperone? Saan kayo nagpunta? Anong oras ka na nakauwi?" he demanded almost angrily to the surprised of everyone.

"Whoa, Miles!" natatawang itinaas ng dalagita ang mga kamay niya. "Tinalo mo pa si Mommy, ah."

"Siyanga naman, Miles," segunda ni Arlyn. "Pati ba naman iyon ay gusto mong pakialaman. Eh, ano kung nag-date sila ni Joshua? May isip na si Nadia para malaman ang tama at mali."

"Nadia's only fifteen to go on dating unchaperoned, Arlyn. At sa isang lalaking masama ang reputasyon sa mga babae," sagot nito sa kasintahan sa naiiritang tono. "She's like a kid sister to me, you know that. I don't want anything happen to her."

A kid sister. Ang puso niyang durog na'y lalo pa yatang pinakadikdik-dikdik sa salitang iyon.

Tumayo ang dalagita. "Why, thank you, Miles." She was sarcastic. At dahil nasasaktan, she was unstoppable. "I'm a big girl now. Hindi ko kailangan ng big brother. I never had one anyway. If you remember, lagi na lang akong kontrabida. Laging ako ang may diperensiya. You never had once asked kung bakit nagagalit ako. Now I know." Tinapik niya sa balikat si Pia. "Let's go, Pia, time na."

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Onde histórias criam vida. Descubra agora