CHAPTER EIGHT

2.4K 65 5
                                    


"BAKIT hindi mo na lang dalhin sa talyer iyang scooter mo, Nadia?" si Carina sa anak nang makita nitong isa-isang tinatanggal ng dalaga ang mga piyesa ng scooter.

"Mommy, kaya ko ito. Bakit ko pa dadalhin sa talyer?" Tuloy siya sapagkakalikot sa sasakyan.

"Sabi ng Yaya Mameng mo'y walang gumamit niyan sa nakalipas na apat na taon. Baka puro kalawang nang lahat ang mga turnilyo niyan at pati makina."

"Kaya nga nilalangisan ko," aniya. Ang buong pansin ay nasa makina ng scooter. "Dati ko namang ginagawa ito noon, Mom. At saka umaandar naman, pupugak-pugak nga lang."

"Siya, ikaw na nga ang bahala," iiling-iling na sabi ni Carina. "Narito naman kasi ang Daddy mo maghapon kahapon ay hindi mo pinagawa iyan."

Hindi na sinagot ni Nadia ang ina na bumalik sa loob ng bahay. Ipinagpatuloy ang ginagawa. Kinse minutos na marahil siyang nakatalungko sa harap ng scooter niya at tahimik na gumagawa. Then deep and resonant voice shattered the silence.

"Wala ka pa ring ipinagbago. Pati trabaho ng lalaki'y gusto mo pa ring gawin."

"Miles!" bulalas niya nang malingunan ang binatang nakasandal sa posteng kahoy ng picket fence nila.

Nakangiting humakbang palapit si Miles.

"O baka naman nagtitipid ka lang. Sasagutin ko na ang pampatalyer mo..."

Hindi agad siya makasagot. Napatayo nang wala sa loob. Ito ang ikalawang araw mula nang mag-usap sila sa party ng mga magulang. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Kani-kanina lang ay nag-iisip siya kung sa paanong paraan niya muling malalapitan si Miles.

At heto sa harap niya ang binata. Bagong paligo. Mamasa-masa pa ang buhok. Mangasul-ngasul ang mukha sanhi ng bagong ahit. He was gorgeous. How could Arlyn left him for another man?

"May trabaho ka ba?" tumaas ang kilay niya sa pabirong tanong. "Para sagutin mo ang pagpapatalyer ko?"

Ngumisi si Miles. "Hindi ba kasama sa naitsismis sa iyo ng Mama na nag-indefinite leave ako a month ago?"

"Kaya nga alam kong wala kang trabaho." She couldn't hide her smile.

"I'm newly employed, sweetheart. Yesterday ay ipinadala ko na ang resignation ko through the net." Humahakbang ito palapit habang nagsasalita. "Chief engineer sa textile mills. Inalok ni Tito Rigo sa akin ang trabaho matapos ipasa ni Papa ang resumé ko. Nag-retired na nga pala ang Papa."

"But Tito Arnel's still young. Mas matanda pa nga ang Daddy, ah."

"Bawal sa mill ang magkamag-anak, kahit pa sabihing doon na tumanda ang Papa at magkaibigang matalik sila ni Tito Rigo. Nagbigay-daan ang Papa sa akin kaysa nga naman bumalik na naman ako ng Maynila gayong may trabaho naman dito. Isa pa'y mas gusto niyang mag-business."

"Ow?" she showed some interest. Hindi pa sila gaanong nagkakausap ng Tita Zeny niya. Beside, Miles' talking. Gusto niyang isiping iyon ang unang araw na lumabas ito mula nang tumalikod si Arlyn sa kasal nila.

"Hindi mo siguro alam na iyong lupa namin sa sangandaan sa boundary ng Trinidad at San Ignacio ay pinatayuan ng Papa ng gasolinahan, franchiser, alam mo na. Apat na buwan pa lang mula nang mag-resign ang Papa sa mill but the site construction started earlier. Ang nakuhang pera at kaunting ipon at ang pinagbilhan ngilang ektaryang lupa ay ginamit sa pagpapatayo ng gasolinahan. Bago lang pero mabilis ang pick-up. Lumalakas. Iyon ang pinagkakaabalahan ng Papa. I'll assist him kapag off ako sa mill."

Ngumiti siya. "Why, I'm glad, Emilio Sta. Romana. Malilibre ako sa gasolina..."

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Miles. Inabot ang mukha niya at pinahid ng kamay ang grasa sa pisngi ng dalaga.

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon