CHAPTER TWELVE

2.7K 65 11
                                    


NAGPALIT lang ng bihisan si Miles at lumabas na rin ito ng silid nila. Sinundan niya ang asawa.

"S-saan ka pupunta?" tanong niya rito.

Hindi ito kumibo. Tuloy ito sa pagbaba sa cottage hanggang makarating sa sasakyan. Pahabol na sumunod si Nadia.

"Saan ka pupunta? Iiwan mo akong mag-isa dito?" May bahagyang takot sa tinig niya at nilinga ang buong resort na tila gubat sa dami ng mga puno at halaman. Ni hindi makita ang kalangitan sa nagtataasang puno. At dahil hindi naman bakasyon ay iilan lang marahil ang guests sa Hidden Valley.

Sumakay sa kotse si Miles at ipinasok ang susi sa ignition. "Kung matapang kang linlangin ako, matapang ka rin dapat sa mga sirkumstansiyang sanhi ng ginawa mo, Nadia," singhal nito sa kanya at ini-start ang sasakyan.

"A-asawa mo na ako, Miles," pahabol niya.

"Oh, yes, sweetheart," sinabi nito ang endearment sa paraang kasuklam-suklam. "Oh, my mother liked you so much. You are almost her daughter. And you are now. Sa pamamagitan ng panlilinlang ninyo ni Mama!"

She winced. Hindi magawang ipag-tanggol ang sarili mula sa paratang dahil iyon ang totoo.

Napapailing si Miles kasabay ng pagtiim ng mga bagang. "We've been friends, Nadia. Ano na nga ang tawag doon? We've known each other since forever," he twisted one corner of his lips as he mocked her. "At hindi pumasok sa isip ko minsan man na magagawa mo akong lokohin." Pinatakbo na nito ang sasakyan.

She bit her lip painfully. Ang bitterness sa tinig nito ang higit niyang ininda na gusto niyang humagulhol ng iyak kaysa sa galit nito.

Naiwan siyang nag-iisa sa estrang-herong lugar na iyon. Hinintay niyang magbalik si Miles. Ngunit mag-uumaga na ay wala pa rin ito. Hindi siya halos nakatulog sa takot. Kinabukasan na ng tanghali bumalik ang asawa na hindi rin naman siya kinausap at natulog lang.

Tatlong araw silang nanatili sa resort. Ngunit sa loob ng panahong iyon ay mapalad nang kausapin siya ni Miles. Kung wala ito sa pool ay lumalabas ng resort. Kung hindi man ay inuubos nito ang maghapon sa pagtulog.

At lahat ng ikinikilos ng asawa'y walang magawa si Nadia kundi ang lihim na umiyak. Nakadama ng habag sa sarili.

NANG bumalik sila sa San Ignacio ay wala ang Mommy at Daddy niya sa bahay nila. Alam niyang iyon ang araw ng alis ng ama patungong New Zealand at inihatid ito ng ina sa airport. Gusto sana niya ay sa bahay nila sila tumira pansamantala ni Miles. Ngunit ayaw nito. Umupa ito ng apartment na malayo sa subdivision at halos nasa kabilang bahagi na ng San Ignacio.

"Bakit hindi na lang kayo sa bahay?" ani Zeny sa kanya nang dalawin sila nito. Siya lang ang narooon at nagliligpit ng mga gamit.

"Ito ang gusto ni Miles, Mama," aniya.

"Ang laki ng bahay, nag-iisa lang ako roon kapag nasa gasolinahan ang Papa mo. At ang Mommy mo, nag-iisa na rin lang. Bakit hindi kayo doon tumira. Napakalayo naman nitong kinuha ninyong apartment."

"S-sinusunod ko lang ang gusto ng asawa ko," sagot niya na pawisan na sa paglilinis ng bahay. Mga bagay na hindi niya natutunang gawin noong dalaga siya.

"Magpapadala ako rito ng katulong para may makakatulong ka." Nagbuntong-hiningang inikot nito ang paningin sa dalawang palapag na apartment.

DALAWA ang silid sa apartment at wari'y inaasahan na niya ang gagawin ng asawa. Sa kabilang silid ito tumutuloy sa halip na sa kuwartong nakalaan para sa kanila. Hindi siya kinakausap nito at mas madalas itong wala.

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Where stories live. Discover now