CHAPTER TWO

3.5K 85 9
                                    

ANO NA naman kaya ang "maliit na pabor"
tinutukoy nito?

Kung ano-anong posibilidad ang naglalaro sa isip niya. Sino na naman kaya ang isusumbong nitong nanghipo ng bum nito sa MRT? Guada had one of those bums men could not resist. Natural at hindi produkto ng alinmang derma clinic. But then, hindi naman naka-categorize sa maliit na pabor iyon, 'di ba? O kahit sa
maliit na problema.

Isa pa, sa maraming pagkakataon ay pinagtatawanan lang ni Guada ang ilang lalaking nagsisikap manantsing dito sa MRT. Huwag lang daw ba iyong talagang obvious na binabastos ito. Ano raw ba ang magagawa
nito kung irresistible sa boys ang gorgeous buttocks nito?

Alin na lang na hindi na naman ito nakatanggi sa mga charity na paborito siyang lapitan at ngayon ay manghihiram sa kanya ng pera?

Oh, well, kung pera lang ang problema nito,
napakadali para sa kanyang solusyunan iyon. Actually, hindi naman kailangang manghiram ng pera sa kanya si Guada dahil may sinasabi naman sa buhay ang magulang nito at nag-iisa itong anak.

Pero sa maraming pagkakataon ay sa kanya ito
lumalapit kapag nagigipit. Nahihiyang manghingi sa ina. Kung sa bagay ay ipinagkakapuri niya ang ugali nitong iyon. Guada was trying to be independent. Na
siyang dapat.

Tinitigan niya ito nang husto. At isang bagay na napagtanto niya ay ang pagiging agitated nito. And there was also that guilty look on her face. Halos hindi nito gustong salubungin ang mga mata niya. Hindi ito mag-aanyo nang ganoon, kahit pa mahusay itong artista, kung maliit at walang kuwentang bagay ang hihingin nito.

Joe's stomach tightened a notch. He hoped she swasn't pregnant by her latest cheesy boyfriend.

Hell! Not that! Anything but that!

Nagsisimulang makaramdam siya ng kakaiba sa biglang naisip na iyon. Bukod sa sakit na gumuhit sa dibdib niya ay naroroon pa ang matinding pag-aalala sa sasabihin ng mommy nito sa kanya.

Most often than not, kahit humihingi ito ng pabor sa kanya, Guada was defiant and rebellious. Na para bang obligasyon niyang tulungan ito sa ayaw at sa gusto niya. At sa pagkakataong iyon ay hindi ito mapakali
sa kinatatayuan. ang sisisihin at malamang sa hindi ay aakusahan siyang pinabayaan niya ito na para bang kinse anyos pa lang ito.
Goodness, Guada's not a child anymore. She was four months short of his twenty-third birthday.

Napahugot siya ng malalim na hininga. "Ano na
namang kalokohan ang ginawa mo, ha, Guadalupe?"

When she didn't speak at once, Joe glared at the woman he'd adored and hated for the past fifteen or so years.

He was twelve years old when his father had been forced to retire from the army because of health reason. Ang nakuhang retirement pay ng papang niya ay ibinili ng mga magulang niya ng lupain sa hometown ng mother niya, ang San Ignacio, at pinatamnan iyon ng mga punong mangga at kalamansi. A few months later, his family moved to San Ignacio.

Hindi niya gusto ang ideyang malilipat sila sa
San Ignacio. Buong buhay niya ay sa Maynila sila naninirahan. His older brother Manuel was nineteen years old and Jonathan was seventeen. Maaaring hindi rin gusto ng mga kapatid ang ginawang paglipat ng pamilya nila sa San Ignacio subalit ang konsolasyon ng mga ito ay sa Maynila pa rin mag-aaral ang mga kapatid niya at uuwi lamang tuwing semestral break.

While he had just graduated from elementary. High school would be in one of the schools nearby. Naghihimagsik ang loob niya subalit hindi niya makuhang isatinig. He had all his friends in his old school. Kahit ang crush niya ay hindi na niya makikita.

Minsan sa isa sa mga pag-iikot niya sa lupaing
binili ng mga magulang ay nagulat pa siya nang may sumutsot. Nagpalinga-linga siya pero walang tao sa paligid.

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeWhere stories live. Discover now