CHAPTER FOUR

3K 82 4
                                    

"PLEASE, huwag ka namang magalit sa akin, Joe," anito sa tinig na kahit ang bakal ay matutunaw. "I really need your help."
Sa isang iglap ay naramdaman niyang lumambot ang puso niya rito. Kung hindi niya kayang tulungan ang kababata, sino ang tutulong dito? Besides, didn't he promise her that he would always be there for her?

Nagpakawala siya ng mahabang hininga. This
incorrigible creature surely knew his weakness. It was so nice having her arms around his waist, pero nagmamadali siya at kailangang alamin na niya ang suliranin nito nang magawan niya ng paraan. Kung hindi man sa sandaling iyon ay pag-iisipan niya habang patungo siya sa studio.

"All right, sweetheart," he said, inalis ang mga
braso nito mula sa pagkakayakap sa kanya. Bagaman naroon ang pagnanais na manatili ang mga iyon doon habang-panahon. He mentally shook his head of the ridiculousness. "Sabihin mo sa akin kung ano ang problema at titingnan ko kung may magagawa akong tulong."

"Promise you'll help me, Joe."

Sa pagkakataong iyon ay napangiti siya. Ang alaala ng kanilang kabataan ay biglang gumitaw sa isip niya. Tuwina'y hinihiling sa kanya ni. Guada na mangako sa tuwing may hihingin itong pabor. At matagal nang panahon iyon mula nang marinig niya ang ganoon dito.

"Sweetheart, kahit hindi ako mangako ay alam
mong tutulungan kita."

"Basta. Promise me."

"Okay. Promise," he conceded. Alam nitong wala pa siyang ipinangako rito na hindi niya tinupad. One shouldn't make promises if one couldn't keep it. Iyan ang mahigpit niyang pinaniniwalaan sa buhay. Importante ang palabra de honor para sa kanya. Doon
nasusukat ang pagkatao ng isa.

"Tungkol ito kay Mommy," anito na umaliwalas
ang mukha nang marinig ang sinabi niya.

Bigla ang pag-ahon ng concern sa dibdib niya.
Kailan ba sila nagkausap ni Tiyo Fidel at itanong ang kalagayan ng mommy ni Guada? That was the day Guada left for Trinidad. At isang linggo nang mahigit iyon. Baka may nangyaring hindi mabuti. Pero tiyak malalaman niya iyon mula kay Tiyo Fidel at kay Guada
mismo habang nasa Trinidad pa ito.

Ang mommy ni Guada ay para na rin niyang
pangalawang ina. Mula nang mamatay ang asawa nito ay mag-isa na lang naninirahan sa malaking bahay nito sa Trinidad si Tita Constancia niya kasama ang mga katulong at si Tiyo Fidel na mas malimit sa coffee farm kaysa sa bahay.

And seven months ago, Guada's mother had been diagnosed with angina pectoris.

"Ano ang problema ni Tita Constancia, Guada?
Lumalala ba ang sakit niya sa puso?"

"Mommy's coping with her weak heart, Joe. Hindi ko siya gustong dulutan ng sama ng loob sa puntong ito."

Kumunot ang noo niya. "Kung gayon ay ano ang problema mo sa Tita Constancia?"

Umiwas ito ng tingin. "Hindi ko pa nababanggit sa iyo na hindi gusto ni Mommy na bumalik pa ako rito sa Maynila. Paiba-iba rin lang daw naman ako ng trabaho." She sighed deeply. "But I love my job this time, Joe."

That, he would probably believe. For almost three months now, manager ng isang antique shop sa isang five-star hotel si Guada. Alam niyang mahilig ito sa mga antique mula sa maliit na bagay hanggang sa malaki. At nakapanghihinayang na kung kailan pa ito
nagtino sa trabaho ay saka pa ito pauuwiin ng ina.

Gayunma'y nakahinga siya nang maluwag.
Totoong kaunting pabor lang ang hinihiling nito sa kanya. Malamang na gusto lang ni Guada na pakiusapan niya ang mommy nito na payagan itong manatili sa Maynila.

"Okay, stop worrying. Kakausapin ko si Tita
Constancia. Ipapaliwanag kong maayos naman ang trabaho mo sa hotel at hayaan ka na muna niya roon. Pero sa sandaling mag-resign ka na naman, it's off my hands, sweetheart."

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeWhere stories live. Discover now