CHAPTER SEVENTEEN

2.9K 73 6
                                    

SA PANINGIN ni Guada ay tila ba lumiit ang
napakalaking bulwagang kinaroroonan nila. At unti-unting nagdidilim ang buong paligid. Humugot siya ng malalim na hininga. Sinikap niyang magpakatatag sa kabila ng labis na kabiguang nadarama,

Gusto niyang maiyak sa sakit na biglang humiwa sa puso niya. Tuluyan nang mawawala si Joe sa kanya. Tuluyan nang gumuho ang lahat ng mga pangarap niya para sa kanilang dalawa. Subalit hindi niya gustong mapahiya sa harap nito kaya lihim niyang kinurot ang kaliwang braso niya upang pigilan ang luhang nag-aambang tumulo mula sa mga mata niya.

She put up a bright smile. "Look, I am not mad. I am happy for you that finally you've found someone. At natutuwa rin ako na kahit ako ang pinakaperhuwisyo mong best friend ay gusto mo pa rin akong makasama sa mga sandaling ganito. I would surely want to witness the beginning of the one of the happiest days of your life."

Lumapad ang ngiti niya. And silently congratulated herself na nai-deliver niya ang litanya niya sa paraan na gusto niyang makita ni Joe.

"I wish you all the best, my friend."

Hindi niya alam kung bakit tila may bahid ng
lungkot ang ngiting pinakawalan ni Joe. Naiisip din ba nito na hindi na katulad ng dati ang samahan nila sa sandaling magpakasal ito kay Elliana?

"Thank you, sweetheart."

Nakaplaster na ang ngiti sa mga labi niya. Ang
totoo'y wala na siyang maisip na sasabihin pa.
Si Joe ay panay naman ang sulyap sa wristwatch nito. "She's fifteen minutes late already."

"Siguro'y na-traffic." Hindi niya alam kung bakit kailangang pangatwiranan niya ang pagkaatraso ni Elliana. Gayong sa likuran ng isip niya ay umaasam siyang lagnatin na bigla. O sana'y dapuan siya ng kung anumang sakit sa mismong pagkakataong iyon upang may dahilan siyang umuwi na nang sa gayon ay wala na siya roon pagdating ni Elliana. Mahilo o sumakit kaya ang tiyan.

But none of those happened. And she couldn't
pretend. It would be too obvious. Besides, may
hangganan ang husay niya sa pag-arte.

Mayamaya ay napalitan ang kaninang awitin.
Isang babaeng crooner ang umakyat sa entablado. Nagsimulang tumugtog ang quartet. Isang lumang awitin ni Elvis Presley ang pumailanlang sa paligid.

Maybe I didn't love you... all the time that I could have...

Hindi alam ni Guada kung sinadyang awitin iyon para sa kanya. Ang bawat liriko ng awiting iyon ay ang mismong nilalaman ng puso niya na gusto niyang iparating kay Joe sa mga sandaling iyon.

Tell me that your sweet love hasn't die...

Pinagmasdan niya si Joe na nakangiting nilingon ang umaawit. Hinawakan niya ang braso nito. Lumingon ito sa kanya. Nagtatanong ang mga mata.

Crazy and foolish it may seem. But she suddenly realized she had to tell him.

Ipinaglaban niya ito mga nakarelasyon nito sa nakalipas na mga taon ng buhay niya sa paraang alam niya. She couldn't just let him
go without him knowing that she loved him not as a friend but as a woman to man. Kahit magmukha pa siyang katawa-tawa sa paningin nito. O kaawa-awa.

Well, magiging kaawa-awa lang siya kung
magpapaawa siya. But she would let him know her feelings for him with grace and dignity. Mayroon man o walang magagawa ang pagtatapat niya. At least, she wouldn't keep wondering all her life what would have happened if she had told Joe that she loved him.

Sandaling huminto sa pagpintig ang puso niya.
Nakatitig sa kanya si Joe, half-smiling, habang
naghihintay ng sasabihin niya.

Bumuka ang bibig niya. "Joe..."

"Hi, honey. Am I late?"

GUADA almost groaned aloud at the familiar voice. Lihim siyang napabuga ng hininga sa pagkadismaya.

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon