CHAPTER SEVEN

2.7K 75 2
                                    

PAKASALAN.

Umulit ang salitang iyon sa isip niya nang
maraming beses. Bumagsak ang tingin niya sa sahig.

Nasasaktan siya. At hindi niya gustong makita ni Joe sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman. Until that one long ago night, ngayon na lamang muli siya nakaramdam na tila ba tinutusuk-tusok ng isang libong karayom ang puso niya. Wala siyang history ng asthma pero tila ba bigla'y hirap siyang huminga. Parang may nakadagang isang kabang bigas sa dibdib niya.

Hindi niya alam kung ano ang mas masakit: Ang bagay na nagawang ipagsinungaling ni Joe sa tagal ng panahong magkasintahan ito at si Elliana; o na talagang tototohanin nito ang babaeng iyon at pakakasalan?

Naninikip ang dibdib niya. Sa pakiwari niya
ay bubulagta siya sa sahig anumang sandali. Hindi kailanman nagawang saktan ni Joe ang damdamin niya nang deretsahan.

Kung may ginawa man ito noon na nakasakit nang husto sa dibdib niya ay hindi nito alam iyon. Hindi nito alam na nasaksihan niya ang kataksilan nito sa mismong gabing sinabi nitong mahal siya nito. But then it must have been because she was foolishly in love with him. Alam naman niyang kapatid lamang talaga ang turing nito sa kanya pero pinaasa niya ang sarili.

Nababahalang nag-angat siya ng mga mata rito. "No, Joe! You can't marry Elliana."
Nag-uunahan sa bibig niya ang mga salita. Nagpa-panic siya. "Hindi siya ang babaeng nararapat sa iyo."

"Really? Paano mo naman nasabing hindi siya ang babae para sa akin?"

"She... she was too stiff... too cold... and... and too perfect." Hindi niya gustong aminin at bigkasin ang huling salita. But she had to. Surely Joe would realize that there was no such thing as perfect woman.

"Stop it, Guada!" His voice held warning. Lalo
pang naningkit ang mga mata.

"But she will only make your life miserable!"

Nanahan na sa mga mata nito ang nagyeyelong tingin sa kanya. "That's a cheap shot, sweetheart. Natatandaan mo kung ano ang sinabi mo sa unang naging girlfriend ko sa SIC, kay Joyce? At pagkatapos ay kay Vicky?"

She blinked. Sinisikap ipasok sa alaala ang sinabi nito. Subalit ayaw gumana ng isip niya. With Elliana horribly occupying her mind, hindi magkahugis ang mga imahe ng mga ex-girlfriends ni Joe noong college days nito,
"Siniraan mo ako kay Joyce. Sinabi mong gay
ako-"

"That's a lie!" she denied vehemently, suddenly
remembering the campus muse. "She assumed that! Dahil sinabi ko lang sa kanya na safe kang kasama nang tanungin niya ako kung bakit nagtitiwala akong sumama sa iyo kahit gabihin tayo!"

"Maybe not in so many words, Guada. But you
deliberately wanted her to believe that I was gay. At kay Vicky, hindi ba totoong sinabi mong girlfriend kita? Naalala mo bang sinampal niya ako sa gitna ng klase?"

"Girl-friend," she emphasized the syllables.
"Totoo naman, 'di ba? It's not my fault if she chosed to misunderstand"

"Shut up, Guadalupe!" singhal nito. "Alam mo ba kung ano ang problema mo? You think you own me. Dahil pinagbibigyan kita sa lahat ng mga kalokohan mo ay iniisip mo nang pag-aari mo ako. Na magagawa mo ang ano mang gusto mo, lalo na pagdating sa akin. Habang nagbibilang ka ng boyfriends, hindi mo gustong magkaroon ako ng relasyon sa iba!"

"T-that's unfair..." she whispered. "I saved you
actually from Vicky. She was a bitch..."

He rose his brow. "It takes one to know one."

A horrified gasp came out of her throat. Akmang sasagutin ang akusasyon nito. But Joe shut the door on her face not so gently. May ilang sandaling nanatili siyang nakatayo roon at nakatitig sa nakasarang pinto.

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeWhere stories live. Discover now