CHAPTER TEN

2.6K 67 1
                                    


ALAM ni Joe na wala na sa bahay niya si Guada dahil dalawang beses na siyang sumubok tumawag sa landline niya subalit walang sumasagot. Magkahalong damdamin ang umokupa sa dibdib niya. Una, nakahinga
siya nang maluwag; pangalawa, kasabay ng relief, ay naroon naman ang pag-aalala.

Ano ang gagawin nito upang bawiin sa ina ang
sinabi? How could Guada handle the situation?

Shit. Hindi na niya problema iyon.
Tulad ng sinabi niya rito, gawan nito ng paraan
ang gusot na pinasok. Panahon na para matuto itong maging responsable. May sarili siyang buhay at hindi maaaring nasa tabi siya nito parati. Panahon na para asikasuhin naman niya ang sariling buhay.

All his thoughts were fair, correct, and reasonable. Pero paanong tila hindi sumasang-ayon ang dibdib niya sa isip niya?

Ikinagalak niya ang kaabalahang dulot ng trabaho niya. Sandaling hindi maka-penetrate sa isip niya si Guada. Kailangang tapusin niya ang shooting sa San Rafael sa susunod na veinte-cuatro oras. At pagkatapos niyon ay may out-of-town brainstorming ang production staff niya sa Laguna kung saan may isang eksenang kukunan sa mismong lugar para lang sa dalawang bida sa telenovela niya.

Isang araw lang iyon at kalahati. Kinabukasan
ng tanghali ay bibiyahe na siya pabalik ng Maynila. Kailangan niyang makabalik sa Maynila kaagad upang daluhan ang premiere night ng pelikula ni Elliana. He promised to be her escort. Mabuti na lang at Laguna lang ang shooting at out-of-town meeting nila. The shooting would probably take three hours... five hours tops.

Kinabukasan na ng tanghali natapos ang shooting sa San Rafael. Umuwi siya para lang maligo, magpalit ng damit at kumuha ng ilang gamit para sa out-of-town meeting at shooting nila ng production staff.

Makalipas lamang ang isang oras ay inilalabas na niyang muli ang Nissan pickup niya sa garahe ng unit niya. Agad na binuksan ng security guard ang gate ng compound nang may isang taxi ang pumarada sa mismong harap ng main gate at humarang sa daraanan
niya.

Inisip niyang isa sa mga kapitbahay niya.
Matiyagang hinintay niya ang pagbaba niyon at ang pag-alis ng taxi. He was drumming his fingers on the driving wheel patiently and waited for the passenger to come out. Subalit gayon na lang ang pagkagimbal niya nang bumaba at makilala ang sakay ng taxi.

Si Tita Constancia!

At nang mag-angat ito ng paningin ay nakita siya. Kasabay ng malapad na ngiti ay ang pagkaway nito.

Napilitan siyang iatras ang sasakyan at iparada
iyon nang hindi nakaharang sa gate at pagkatapos ay bumaba at sapilitang sinalubong ang mommy ni Guada.

Oh, god, bakit kailangang magkita silang dalawa? Bakit hindi ito at si Guada muna ang nagpanagpo?

"Bakit hindi ho kayo tumawag at nang masalubong kayo?" ang unang lumabas sa bibig niya kasabay ng pagmano rito at pagkuha ng bagahe nito. "Mabigat itong travelling bag ninyo, Tita-"

"Ano bang 'tita'?" wika nito, nakaplaster na sa
bibig ang ngiti. "Sanayin mo ang sarili mong tawagin ako ng 'mommy,' hijo."

Natigil sa paghakbang si Joe. Tila naestatwang
basta na lang tumayo roon at nakatitig sa nakatatandang babae.

"Nasa itaas ba ang asawa mo? May pupuntahan ka yata," patuloy nito. "Kuu, nakakahapo ang biyahe. Gusto kong magpahinga."

Saka pa lang siya nakakilos. "Ah, eh, tara ho sa
bahay." Hinawakan niya ito sa braso at inakay patungo sa townhouse niya. Naramdaman niya ang panlalamig ng braso nito gayong nagpapawis naman. "Are you all right, Tita? Medyo nanlalamig kayo..."

"Pahinga lang ang kailangan ko. Mahaba rin naman ang biyahe. Lumuwas ako kaninang madaling-araw. 'Asan ba iyang asawa mo? Naku, kayong mga kabataan, oo. Bakit hindi man lang ninyo sinabi sa akin na nagpakasal kayo? Hindi naman ako tututol..."

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeWhere stories live. Discover now