CHAPTER FOURTEEN

2.7K 81 10
                                    

"IPINA-POSTPONE mo raw ang taping mamaya?" ani Elliana nang nasa private dressing room nito silang dalawa. Nakaupo siya sa sofa at patamad na nakataas ang isang binti sa coffee table.

Nang hindi siya kaagad sumagot ay ikinawit nito ang braso sa leeg niya at hinagkan-hagkan ang tainga niya.
"Sadya mo bang ipina-postpone ang taping para maaga tayong makauwi?"

Sa condo nito ang ibig nitong sabihin. Hindi pa
siya nagpa-postpone ng taping para lang sa tryst nila ni Elliana. He closed his eyes. Itinuon ang konsentrasyon sa ginagawa nito. Gusto niyang maramdaman dito ang igting ng naramdaman niya kanina sa kanilang dalawa ni Guada.

Gusto niyang burahin sa isip ang mga labi ni Guada; ang pag-aatubili nitong gumanti ng halik sa kanya na tila inosente; ang malambot nitong katawan, ang marahang pag-ungol nito nang damhin niya ang dibdib nito...
Bigla siyang nagmulat ng mga mata at inalis ang kamay ni Ellliana na dinadama ang pagkalalaki niya.

"Hey." She frowned at him. Pagkatapos ay inilipat ang mga mata sa bagay na nasa pagitan ng mga binti niya. Then a knowing smile on her lips.

He was fully aroused, na kahit ang kayo ng matigas na maong ay hindi kayang pigilan.
"Honey," lambing nito at hinipan ang tainga niya. "What's wrong?"

"Baka mapasukan tayo, Elliana."

Muling kumunot ang noo nito. "This is my own
private dressing room, Joe. Alam mo iyan." Tumayo ito at ini-lock ang pinto. "There. Natitiyak kong walang basta papasok dito kahit janitor."

Humakbang pabalik sa kanya si Elliana at
tumalungko sa pagitan ng mga binti niya. Tumingala ito sa kanya habang ang kamay ay dumadama. "It's been almost three weeks, Joe. I need you."

Nang akma nitong buksan ang zipper ng pantalon niya at iniwas niya ang mukha ni Elliana. "Please, Elliana. Wala ako sa mood. I am tired. Puyat pa ako."

Paano niya aaminin dito na ang sanhi ng arousal niya ay dahil pilit na sumisiksik sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Guada kaninang umaga?

Matagal siyang tinitigan nito. Pagkatapos ay
tumayo at naupo sa tabi niya. "Kilala kita, Joe, kaya alam kong may problema ka na naman. At natitiyak kong hindi isa sa mga artista mo ang problema dahil lahat kanina ay cooperative. Is it Guada again?"

Nilingon niya ito. His brows furrowed slightly.
"Paanong kahit minsan ay hindi ka nagkamaling tukuyin si Guada sa mga problema ko?"

She sighed. "Kapag ang staff ang may problema ay nagagalit ka, Joe. Ipinakikita mo sa lahat ang pagkakamali. Pero pagdating sa alaga mo, mas tahimik ka at nag-iisip. Most often than not, you won't even share it with me, malibang si Guada mismo ang maglahad ng problema."

"Nasa townhouse si Tita Constancia," he said with a sigh. Muling isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa.

"And?"

"Guada's mother really believed we are married."

Nakakatitig siya sa kisame nang sabihin iyon. Hindi niya napuna ang pagtalim ng mga mata ni Elliana. Nang lingunin niya ito dahil lumipas ang ilang sandaling hindi ito nagsasalita ay pormal at seryoso ito.

"Problemang malaki iyan, Joe. Hindi mo ba sinabi sa kanyang ipagtapat niya sa mother niya ang totoo?"

"Oh, I did. Pero noon mismong umagang patungo ang staff sa Laguna ay dumating sa townhouse si Tita Constancia."

"Then why didn't you tell her? Kung hindi si Guada ay dapat na ikaw..."

Gustong isipin ni Joe na may talim sa tinig nito. Na hindi naman niya masisi. Pero hindi ganoon si Elliana. She was always composed. Kahit na sa ano mang sitwasyon. Ni hindi pa niya ito nakikitang nagagalit.

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon