CHAPTER FIVE

2.9K 82 6
                                    

"THE ADVANTAGE of Adobe," sagot nito at
bagaman nakikita ni Joe ang guilt sa mga mata nito ay nahihimigan niya sa tinig ni Guada ang pagmamalaki na naisip nito ang ideyang iyon.

"Adobe?" he parroted.

"May mga picture naman tayong magkasama. Ang sabi ko'y simpleng kasalan lang ang ginawa natin, sa huwes, at... biglaan dahil... dahil..."

"What?" he barked, then cursed himself silently.

It seemed his vocabulary had been reduced to one word what.

"Dahil may... nangyari sa atin at-"

"Oh, god, I'll be damned." Natutop niya ang
noo. Nakapa niya ang pawis na biglang nagsulputan. Pakiramdam niya'y papanawan siya ng ulirat.

He could not believe her. Wouldn't believe her. This was another of her stupid tricks. Or maybe she wasn't here at all and he was still sleeping. He would soon wake up at the sound of his alarm clock. Then he pinched his nose and squeezed his eyes shut tighter, willing himself to wake up from whatever bizarre dream he had tumbled into.

Pero sa kasamaang-palad, habang lumilipas
ang mga sandali, ang inaasam niyang panaginip o bangungot ay unti-unting lumilinaw tulad sa tubig sa batis na isang katotohanan.

"At..." patuloy nito, "may ipinadalang antigong
bedsheet si Mommy sa atin. Regalo raw niya. Kay Lola pa raw iyon. Noong bagong kasal sila ni Daddy ay iyon din ang regalo ni Lola sa kanila. Ingatan ko raw."

Shit. Parang commercial sa television.
Mariin siyang napapikit at inihilamos ang palad
sa mukha. Fury that she would perpetrate this fiasco without even consulting him had his blood bubbling with heated anger along his veins. Naturalmente, inisip nitong hindi rin niya malalaman ang tungkol dito.

He opened his eyes and stared at her. She'd probably thought her poor mother would safely pass away before her outrageous lies came to light. Isinatinig niya rito ang nasa isip.

"Huwag kang mag-isip nang ganyan, Joe. Hindi ko inisip na kamamatayan ni Mommy ang sinabi kong iyon." There was a genuine hurt in her voice. "Ni sa bangungot ay hindi ko gustong isiping mawawala si Mommy." She controlled a sob. Pain crossed her eyes.

At hindi pakunwari iyon. He had seen that kind
of pain in her eyes when her father died. He had been there for her. Sabi nito, kung wala siya roon ay baka hindi nito nakayanan ang pagkamatay ng ama nito.

She was his daddy's girl. At hindi makuha ng mommy niya na konsolahin siya dahil ito man ay nabigla rin at namimighati nang husto sa pagkamatay ng asawa.

Other times, lalambot ang loob niya sa nakitang pait sa anyo nito. Then his eyes widened. "At si Mamang? Naisip mo ba na posibleng makarating kay Mamang ang kasinungalingan mong ito?"

Muli ay gumuhit ang guilt sa mukha nito.

"Hindi ko matiyak kung bakit ko nasabi iyon. Ang tanging konsolasyon ko ay wala rito sa Pilipinas si Tita Selma."

"It's typically you, Guada," he said furiously,
kasabay ng pagkakahinga nang maluwag na wala sa Pilipinas ang mamang niya. At mananatiling nasa America nang isang buwan. "Sa tuwina'y hindi ka nag-iisip sa maaring maging bunga at konsekwensiya ng mga ginagawa mo. Wala kang iniintindi kundi ang
sarili mo!"

"Joe, please..." Puno ng pagpapakumbaba ang
tinig nito. "Isang linggo lang naman si Mommy rito."

"Forget it, Guada! Sa pagkakataong ito'y hindi
ko sasakyan ang kalokohan mo," he said, his face stony, his voice cold. "Not this time. Hindi ako makapaniwalang nagawa mong magsinungaling sa mommy mo nang ganoon."

"Joe, listen to me!"

Marahas niyang hinarap ang kababata. "No, you listen." His finger pointing at her chest. "You're almost twenty-three and yet you act like a fifteen-year-old. Grow up, Guadalupe!"

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeWhere stories live. Discover now