CHAPTER TWENTY

6.6K 165 18
                                    

PAGKATAPOS niyang iwanan ang resignation niya sa hotel ay sa studio siya nagtuloy. Alas-una pasado na at malamang tapos na ang meeting nito. Kanina pa niya ito pilit na tinatawagan subalit iisa ang sinasabi ng voice prompt: The number you dialed is out of coverage area or has turned his unit off...

Pagkatapos niyang bayaran ang taxi ay tuloy-tuloy siya sa gate. Kilala na siya ng guwardiya at alam nito kung sino ang kailangan niya sa loob kaya agad siyang
pinapasok.

Mahabang lakarin mula sa parking lot patungo sa main entrance. Nagmamadali ang mga hakbang niya nang bigla'y mapahinto siya. Natanaw niya si Elliana sa parking lot. Marahil ay patungo sa pinagparadahan ng sasakyan nito.

Huli na para umiwas dahil nakita na siya nito. Kung nagkaroon ng masamang epekto sa kalusugan ng ina ang ginawa nitong pagtungo sa bahay ni Joe ay hindi niya ito patatawarin.

Subalit nakabuti pa ang ginawa nito dahil nalaman ng mommy niya ang katotohanan at nagawa siyang unawain. Sapat na iyon upang patawarin.niya ito at kalimutan ang lahat.
Sa isang banda, nilutas ni Elliana ang suliranin nila ni Joe bagaman hindi sa magandang paraan.

"Well... well... well. Look who's here?" anito
at humakbang palapit sa kanya. "Where were you this morning? Sabi ng mommy mo ay tulog ka pa..." Umangat ang isang kilay nito at sinuyod siya ng nagdududang tingin. Gumuhit ang poot sa mga mata nito.

Hindi niya maiwasang mag-igting ang mga bagang sa mapanghamak nitong pagsuyod ng tingin sa kanya pero pinairal niya ang pagpipigil sa sarili.

"Have you seen Joe, Elliana? Kailangan ko siyang makausap."

Tumalim ang mga mata nito. "Bakit, Guada? Ano na namang problema ang gusto mong ipapasan sa balikat ng kasintahan ko? Hindi pa ba sapat sa iyo ang ginawa mong pagsisinungaling? Kasinungalingang
ginawan ko na ng paraan kaninang umaga. Dapat ay magpasalamat ka sa akin."

"Na hindi mo dapat ginawa," she said, holding on to her temper. "May sakit si Mommy, Elliana at-"

"She took it well, Guada," patuloy nito. "Naisip na namin ni Joe na gawa-gawa mo lamang ang tungkol sa sakit ng nanay mo para lang patagalin pa ang pagkukunwari mo. Eksperto ka diyan, 'di ba?"

"Please, hindi ko gustong makipagkagalit sa iyo. I just want to talk to him."

"No!" she said vehemently, ang composure nito
na nakikita ng lahat ay unti-unting humulagpos at sa paningin niya'y nakita niya ang totoong Elliana. "Kung inaakala mong madadala mo naman sa drama mo si Joe, then you're wrong, Guada. Now, get out of this compound! Get out!"

"Elliana, whether you like it or not, I am going to see-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil inabot siya ni Elliana at pataboy na itulak sa direksiyon ng gate.

"Umalis ka na rito, Guada! Hindi ka kailangan ni
Joe!"

Tinabig niya nang malakas ang kamay nito na nakahawak sa braso niya at umatras ng isang hakbang.

Lalo nitong ikinagalit ang ginawa niyang pagtabig sa kamay nito. Nanlisik ang mga matang humakbang si Elliana palapit sa kanya at muli siyang pataboy na itinulak nito.

Sa pagkakataong iyon ay nawalan siya ng
panimbang at napahandusay siya sa baldosa sa pagkagulat niya. At hustong may isang sasakyang lumalabas sa parking space at umaatras.

Dahil nakahandusay siya ay hindi siya agad nakita ng driver.
Nanlaki ang mga mata ni Guada sa sindak dahil nasa harapan na niya ang likuran ng umaatras na sasakyan. Nagpilit siyang makatayo at paikang sinikap na makaiwas. Nawala naman siya sa linya ng aatrasan ng sasakyan subalit hindi siya tuluyang nakaiwas dahil nahagip ng bumper ng Expedition ang kaliwang bahagi ng katawan niya at muli siyang tumilapon sa baldosa.

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon