CHAPTER THREE

3.2K 90 14
                                    

"OH, HI, Elliana," nakangiting kaway ni Guada rito na para bang magkaibigan ang dalawa.
Kung sa bagay ay hindi naman magkaaway ang dalawang babae. Ilang beses na ring nagpanagpo ang mga ito. Kalimitan ay sa coffee shop sa istasyon ng TV.

And all the times, Guadalupe was in trouble and had needed Joe's help. At tuwina'y walang reserbasyon si Guada sa pagsasabi ng mga problemang kinasasangkutan nito kay Joe kahit kaharap si Elliana.

Saka pa lang napalingon sa sofa si Elliana.
Bahagyang umangat ang kilay nito nang makita si Guada roon. Agad nitong ibinalik ang tingin kay Joe.

"Problem again, honey?" Patungkol kay Guada
ang sarcasm sa tinig ni Elliana.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Joe na sinabayan ng iling.

"Well, what else is new?" patuyang sabi ni Elliana. Pagkatapos ay dismayadong nilingon si Guada sa paraang tila ito bata na may ginawa na namang kalokohan sa paaralan at kailangan ang magulang para iharap sa teacher kinabukasan.

"Hindi ko alam kung paano mo natatagalan ang ganitong sistema, Joe," anito. Pagkatapos ay agad na dinugtungan. "I'd better leave."

"You don't have to go, Elliana, honey..."

She waved a perfectly manicured fingers. "Don't worry about me. Sa studio ako tutuloy. Doon na rin ako magpapalit ng damit at magsa-shower. Sandaling oras na lang at morning show ko na." Lumakad si Elliana patungo sa kanya at mapusok siyang hinagkan sa mga labi. Pagkatapos ay kumawala at lumakad patungo sa pinto. "I'll see you..."

Nahagilap ng paningin ni Joe ang pag-ikot ng mga mata ni Guada. Kinawayan ito ni Elliana at tuluyan nang lumabas at naiwan sa buong sala ang pabango nito.

Matapos isara ang pinto ay pinukol niya ng nag-aakusang tingin si Guada; gustong ipahiwatig na dahil dito ay wala sa oras na umalis si Elliana. Deadpan. Guada refused to meet his eyes and pretended to check her nails.

Nagtungo si Joe patungo sa kusina at binuksan ang ref at kumuha ng lata ng beer. Binuksan iyon at ininom.

"Sorry about that," Guada said from the living
room, sounding truly repentant. But Joe knew better "Hindi ko inaasahang may kasama ka. Kung alam ko lang ay hindi na sana ako nagtuloy pa rito..."

"Mas gusto kong dito ka nagtuloy, sweetheart.
Kaysa kung saan-saan mo maisip na magpunta," he said, meaning it, sa kabila ng frustration sa pagkaudlot ng sana'y pagniniig nila ni Elliana.

Iniisip pa lang niyang nag-taxi si Guada patungo sa townhouse niya sa dis-oras ng gabi ay nag-aalala na siya. Maraming masamang tao sa mundo. May ilang taxi drivers na hindi mapagkakatiwalaan.

Hawak ang canned beer, sumandal sa counter ng lababo si Joe. "Bakit hindi ka na lang umuwi sa atin, Guada? Natitiyak kong hindi alam ng mommy mo ang mga pinaggagagawa mo rito sa Maynila."

Napabangon ito at tumayo. Nagsalubong ang mga kilay at namaywang. "Ibig bang sabihin niyang tono mong iyan ay itataboy mo ako rito sa townhouse mo, Joselito?"

Took another swig at his beer. Then he sighed
deeply. "Alam mong hindi iyan ang gusto kong sabihin. You can stay here. I am just worried about-"

"Your girlfriend?" agap nito. Sumimangot. "Di
sabihin mong pansamantala lang naman. Dalawa naman ang silid sa itaas, ah. Pangatlo ang servant's quarter." Tinapunan nito ng sulyap ang maliit na silid sa ibaba na ginawa na niyang stockroom. "Kung gusto mo, diyan na lang ako sa servant's quarter muna. Kahit
mainit at puno ng mga basura mo!"

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeWhere stories live. Discover now