CHAPTER EIGHTEEN

3.3K 73 0
                                    

MALAYO pa si Guada ay napuna na niya na
inaabangan ni Joe ang pagbabalik niya. Nang matanaw siya ay napatayo ito sa kinauupuan.

"Hey, what took you so long?" tanong nito. "Halos beinte minutos kang nawala. Sabi ni Elliana ay wala ka sa ladies' room."

Isang matalim na sulyap ang palihim niyang
ipinukol kay Elliana na hindi kakikitaan ng emosyon ang mukha. Ibinalik niya kay Joe ang tingin at malambing itong nginitian kasabay ng pagkawit ng braso niya sa braso nito.

"Missed me already, sweetheart?" she told him if only to spite Elliana. At hindi naman siya nabigo dahil nahuli niya ang paniningkit ng mga mata nito.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," anito.
"Saan ka ba galing?"

"Tumawag ako sa bahay, Joe. Nakausap ko si
Mommy at nabanggit na nahihilo raw siya. Kailangan kong umuwi."

"Kung ganoon ay kailangan nating umuwi at-"

"No," putol niya sa sinasabi nito. "Tiniyak ni
Mommy na walang dapat ipag-alala sa kanya. Ako ang may gustong umuwi dahil wala naman siyang kasama. Please, enjoy your evening with Elliana. I can manage. Natitiyak kong maraming taxi sa labas."

"Guada-"

"She's not a young girl anymore, Joe," paalala ni Elliana. "Besides, kung sinabi niyang walang dapat ipag-alala sa mommy niya, di walang dapat ipag-alala."

"Elliana's right, Joe. I can take care of myself."

"Sasamahan kita sa labas," ani Joe sa tinig na 'di mababali. Sinulyapan ni Guada si Elliana. Subalit sa singsing nito sa daliri ito nakatingin at sinipat-sipat. Alam niyang iniinggit siya.

"YOU DON'T have to go, Guada," ani Joe nang nasa lobby na sila. "Iyon ay kung wala naman talagang dapat na ipag-alala kay Tita Constancia."

"Uuwi na si Mommy bukas ng gabi, Joe. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa atin..."

Huminto ito sa paglakad at nag-aalangang tinitigan siya, bago, "Do you have to tell her the truth now? Kasasabi mo lang na masama ang pakiramdam ng mommy mo.'

She sighed. "Ayokong maging hadlang sa
kaligayahan ninyo ni Elliana, Joe. Ipinangako ko sa iyo iyan. So the sooner I'll tell my mother the truth, the better for you."

"Yeah, I know. But I hope not anytime soon,
Guada. Mas mapapanatag ako kung titiyakin mong nasa mabuting kalagayan si Tita Constancia."

Hindi siya kumibo at ipinagpatuloy ang paglakad palabas ng hotel. Hindi niya matiyak kung ano ang iisipin matapos marinig ang sinabi ni Elliana sa kanya.

Pero mas gusto niyang paniwalaang totoo sa loob ni Joe ang sinabi nito dahil may pinagsamahan naman sila. Their friendship had even surpassed some marriages. At hindi basta naibubuwag iyon dahil lang nakatagpo
ito ng babaeng gustong pakasalan.

Tinawag ni Joe ang isang taxi na nakapila di-
kalayuan sa hotel at sadyang nag-aabang ng pasahero.

"See you later..." sabi niya at agad na sumakay sa taxi matapos buksan ni Joe ang pinto sa likuran. Sinabi ni Joe sa driver kung saan siya ihahatid at pagkatapos ay isinara ang pinto ng taxi.

Ni hindi pa man nakakalayo nang husto ang taxi mula sa premises ng hotel nang humagulhol ng iyak si Guada. Wala siyang pakialam kung nilingon siya ng driver.

NAGULAT pa ang mommy niya nang dumating siya nang maaga.

"Bakit maaga kang umuwi? Alas-nueve pa lang,nah. Nasaan si Joe?" Sumilip pa ito sa garahe.

"Nauna na akong umuwi, Mommy. Sinusumpong na naman ako ng migraine." Tuloy-tuloy siya sa loob papanhik sa hagdan.

"Kaya ba parang namumugto iyang mga mata mo? Eh, si Joe?" Isinara nitong muli ang pinto.

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon