CHAPTER TWELVE

2.7K 72 7
                                    

JOE COULDN'T utter a word if his life depended on it. Naroon pa rin ang kaba sa dibdib niya. Bahagya nang dumaan sa pandinig niya ang akusasyon ni Tita Constancia, Guada's mother looked all right now but seconds ago he swore he saw her as if in pain.

Itinatago ba ng mommy ni Guada ang totoong
nararamdaman sa kanila? O namalikmata lang siya?

Kumawala si Guada mula sa pagkakayakap niya. Nabaling dito ang atensiyon niya. His arm almost reached out for her. Parang may nawala sa katawan niya sa paglayo nito. Muli ay itinaboy niya ang naramdaman. He alternately turned confused eyes to both mother and daughter.

"M-mommy," Guada started, her tears unstoppable. "I'm sorry. May... may kasalanan ako sa inyo. Nagsinungaling ako. Please forgive me. It's not Joe's fault. Joe and I weren't really mar-"

Subalit bago matapos ni Guada ang sinasabi ay inagapan iyon ni Joe. "Mommy, hindi ba sinabi sa inyo nitong asawa ko na dalawang araw lang ang meeting ko at kahapon ng gabi ay kailangan kong daluhan ang premiere night ng pelikula ng isa sa mga artista ko sa television? Pagkatapos ay tumakbo pa ako pabalik sa studio para sa taping..."

Bigla ang paglingon ni Guada sa kanya na kung nabali ang leeg nito ay hindi siya mabibigla. He saw the genuine shock on her face.

He wondered what made him say that. He knew he would regret it later. Isiping inakala niyang nasabi na nito sa ina ang tungkol sa pagsisinungaling nito. Now he had blewn the chance for Guada to rectify her lies as he knew she was about to do.

Instead, he had even compounded it. Lalo at ano mang araw ay maaaring umuwi ang mamang niya mula sa America. Hindi lamang si Tita Constancia ang problemang kakaharapin nila kundi pati na rin ang mamang niya.

But what about Elliana?

And he had even thought of proposing to her.
Paano siya ngayon makakapag-propose sa girlfriend niya gayong pinalawak at pinahaba pa niya ang pagkukunwaring mag-asawa sila ni Guada?

Pero hindi niya kayang tingnan ang totoong
pamimighati sa mukha ng kaibigan. Maaaring nakahilig si Guada sa drama, pero ang nakita niya sa mukha nito kani-kanina lang ay totoo. Not even Elliana with her best actress for television awards could have portrayed such agony.

He had never seen her like this. And it was breaking his heart. Besides, baka nga hindi kayanin ng puso ng mommy ni Guada ang ipagtatapat nito. Paano kung sa mga sandaling iyon ay totoong may dinaramdam si Tita
Constancia at pilit lang na hindi ipinapakita?

Tumaas ang kamay niya patungo kay Guada at
hinapit niya ito pabalik sa kanya. Umabot sa pandinig niya ang mahinang pagsinghap nito.
"Ano ho ba ang iniiyak nitong asawa ko, Mommy?" Then he planted a soft kiss on her surprised lips.

Nanlaki pang lalo ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya. Her eyelashes were still wet from her tears that he had this urge to kiss them dry.

Kung namangha si Guada sa ginawa niya ay
dobleng pagkamangha ang nararamdaman niya.

The kiss was spontaneous. He hadn't planned it. Kung paanong hindi rin niya pinlanong awatin ito sa pagtatangkang sabihin sa ina ang katotohanan.

What was wrong with him? Had he gone mad?
Umabot na ba sa ganito ang pagnanais niyang
protektahan ang kaibigan?

Lalo nang hindi niya inaasahan ang reaksiyon ng sariling katawan. It was just a simple kiss on her soft and moist lips. But awareness sprang like an electric are from man to woman. He almost drew himself back had it not been for the presence of Constancia.

Worst, he'd felt his member hardening.
Oh, god, this has become a habit, he thought
wearily.

Paano siya nakadarama ng sexual na pagnanasa sa isang matalik na kaibigan at kababata?

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeWhere stories live. Discover now