CHAPTER ELEVEN

2.5K 67 5
                                    

YESTERDAY was the worst day ever. Nang makita niyang nakatulog ang mommy niya sa panonood ng pang-umagang talk show sa telebisyon ay kaagad niyang hinalungkat ang mga photo albums nila ni Joe. Gumupit siya ng mga pahina sa bridal magazine.

Iyong simpleng-simple lang at gumamit lang ng puting maiksing damit ang bride. Binuksan niya ang personal computer ni Joe at
ginamit ang Adobe Photoshop. In-scan niya ang mga pictures nila, and voila! Napangyari niyang makagawa at makapag-print ng isang wedding picture nila ni Joe.

Tinanggal niya ang larawan ni Joe sa loob ng
kuwadro na naka-display sa bureau-na kuha noong tanggapin ni Joe ang parangal mula sa pagkakapanalo ng best telenovela na idinerehe nito at itinago iyon sa loob ng drawer. Inihalili niya ang wedding photo na ginawa niya.

Katunayan ay inihanda na niya ang isasagot kung magtatanong ng wedding album ang mommy niya. Still, hindi niya inaasahang kakabahan pa rin siya kanina.

Maging ang buong silid ni Joe ay pinalitan niya
ang ayos kahapon-iyong kahit paano ay tulad
ng kuwarto ng pang mag-asawa. Inilatag niya sa kama ang bedsheet na regalo ng mommy niya sa kasal nila. Ang ilang gamit niyang lihim niyang dala noong umagang tinawagan siya ni Joe sa pagdating ng mommy niya ay ginawan niya ng puwesto sa closet nito.

Ipinatong niya ang frame ng wedding photo nila ni Joe sa bedside table at pagkatapos ay tinitigan iyon. Sa gitna ng pag-aalala ay may init na naglandas sa dibdib niya. Sana nga'y totoong mag-asawa sila ni Joe.

Subalit lahat ng ginagawa niya ay pawang
pandarayang lahat. Sooner or later, iuuwi ni Joe si Elliana sa bahay na ito bilang asawa.
Sinikap niyang indahin ang sakit. Lumabas ng
silid at sinilip ang ina na tulog pa rin. She locked Joe's bedroom at pagkatapos ay nag-iwan ng note sa ina na sasaglit lang siya sa botika.

Sa mall siya nagtungo at bumili roon ng isang
pares ng kurtina para sa dalawang bintana sa silid ni Joe. Alam ng mommy niya na mahilig siya sa floral curtains. Katunayan ay walang bintana sa kanila sa San Ignacio, maliit man o malaki, na walang nakakabit na naggagandahang kurtina. Sadya niyang pinabibili ang ina ng tela at ipinapatahi iyon na ang disenyo ay kuha sa mga imported na magasin.

At magtataka ito kung bakit hubad ang mga bintana sa silid nila. Never mind the windows downstairs. Madali na niyang pangatwiranan iyon. Her mother had respect for marital privacy because she hadn't once entered Joe's bedroom since she arrived.

And last night, Guada was tired and wound up.
Pero hindi niya nakuhang makatulog kaagad. She was sleeping on Joe's bed. On his pillow.

At kahit para siyang tanga ay niyakap niya ang isang unan nito. Nalalanghap niya ang amoy nito sa unan at sa lahat ng bagay sa loob ng silid. If there was any consolation-ay iyon mismong bagay na iyon. Hindi niya iyon magagawa kung naroroon si Joe.

It took her ages to fall asleep. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. Nangunguna roon ay kung sino ang kasama ni Joe sa pagtulog sa nakalipas na dalawang gabi at ngayong gabi?
Pangalawa ay kung ano ang gagawin niya dahil hindi pa niya masimulang sabihin sa mommy niya ang totoo. Katunayan, mas na nagpagod pa siya sa ilang bagay na magpapatunay ng kanilang kasal.

Gaano katagal niya dadayain ang mommy niya? Tama ba itong ginagawa niya? Hindi kaya mas makasasamang higit para sa ina kung pananatilihin niya ang kasinungalingan?

At ngayon ay nagiging magugulatin pa siya. If only Joe had been cooperative, she thought furiously. If only he hadn't fallen in love with that stupid Elliana.

...ang mga ginagawa mo'y kasakiman sa bahagi mo. I have a life, too. Panahon na upang isipin mo naman ang iba at hindi lamang iyang sarili mo. At panahon na rin upang isipin ko naman ang sarili ko at hindi iyong laging puro na lamang ikaw.... came that harried voice na lagi na lamang umuukilkil sa isip niya simula noong mag-away sila ni Joe.

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeWhere stories live. Discover now