CHAPTER SIXTEEN

2.8K 74 4
                                    

MULA sa ibaba ay tumingala si Joe sa itaas. "Guada, we are going to be late. Hurry up!" he yelled.

Bumukas s ang pinto sa itaas at lumabas si Guada. "Coming!" she yelled back.

"Bakit ba kayong mga babae ay kay tagal-"

Joe stopped in midsentence. Ang mga mata niya ay nakasunod I ng tingin kay Guada habang bumababa ito ng hagdan.

The sight of her took his breath away.
Hindi niya napigilan ang mapatitig dito nang
matagal sa suot nito. A sleeveless coral, figure-hugging silk dress, with a low, single fold cowl neckline, na bahagyang nagpapasilip sa V ng dibdib nito.

He dragged his eyes away from Guada's small but well-defined breasts to travel slowly downwards, past the expanse of bare tanned thighs, past slender knees and beautifully shaped calves to her sensually clad feet.

Guada was sexy. Yet he had never seen her this
sexier. Dahil mas malimit niya itong nakikitang naka-jeans at T-shirt o di kaya ay blouse and capri pants. Kung nakadamit man ay ang uniporme nito sa antique shop sa hotel.

"Aalis na ba tayo or kailangan mo pa ng ilang
sandali para titigan ako?" she teased and made a quarter turn, half turn, at saka umikot pabalik sa kanya.

"You are gorgeous, sweetheart." His eyes sparkled in admiration.

"You don't look bad yourself, Joe." Hinagod
siya nito ng tingin sa suot niyang long-sleeved mint polo shirt, dark wool pants, and black leather shoes. "Bibihira kitang makitang nakapormal nang ganyan, ah."

"Quite uncomfortable, lalo na itong necktie."
Inikot niya ang necktie para lumuwag nang bahagya. "Pakiramdam ko ay salesman ako."

She chuckled. "Believe me, you look great."
Then she frowned at him. "Kung bakit naman kasi nagpagupit ka ng buhok."

Kahit hindi isatinig ay nahuhulaan ni Joe ang laman ng isip ni Guada sa anyo pa lang nito. Gusto nito ang dati niyang buhok. She referred to it as the "Bon Jovi hair." Bagay sa kanya, lalong bagay para sa isang batam-batang direktor, idinagdag pa nito. He was only
twenty-nine at bagay raw sa kanya angnshaggy hair na hindi naman kahabaan.

"Bakit ka nagpagupit?" she couldn't help asking.

"For a change." Sinabayan niya iyon ng kibit ng
mga balikat. Oh, well, Elliana had asked him to have a new haircut. Tatlong taon lang daw ang tanda nito sa kanya pero sa ayos ng buhok ni Joe ay mukhang sampung taon ang pagitan nilang dalawa.

Joe indulged Elliana. Buhok lang naman iyon at hindi niya gustong magtalo sila. Matagal na siya nitong kinukulit na magpagupit ng maiksi.
At hindi niya magawang aminin kay Guada ang
bagay na iyon. Lalo lang lalawak ang disgusto nito sa girlfriend niya.

Nilingon niya ang mommy ni Guada na nasa kusina at naghahanda ng hapunan para sa sarili. "Tutuloy na kami, T-Mommy," paalam niya.

"Bye, Mom."

"Enjoy the night, children," sagot ni Constancia
na kumaway.

"TELL me, Joe, ano ba'ng okasyon?" tanong niya nang nasa sasakyan na sila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito sinasabi kung ano'ng okasyon at niyaya siya nitong sa labas sila kakain. Sinabi nito na may reservation ito sa isang hotel para sa dinner ngayong gabi na ipina-reserve nito noon mismong gabing umuwi ito na nilalagnat.

Well, that had been three days ago. And she, too, had called in sick, para lang maalagaan si Joe. Kahapon lang ito pumasok sa trabaho. At ang nakalipas na dalawang araw na masama ang pakiramdam nito ay ikinasisiya niya nang labis dahil naaalagaan niya ito.

A large daily dose of vitamin C and fresh fruit and vegetable juice every now and then, na siya mismo ang gumagawa, ay sapat upang hindi na tumaas pa ang lagnat ni Joe at naawat ang nakaambang trangkaso.

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeWhere stories live. Discover now