Chapter 4 - Broken Hearts

3.7K 93 8
                                    

PASADO ala una na ng hapon nang magising si Sophie pagkatapos umuwing lasing ng gabing iyon. Agad siyang nagpakuha ng makakain dahil sa humahapdi na ang sikmura nito. Nagpasabay na rin siya ng gamot para sa sakit ng ulo.

Pilit niyang inaalala kung anong nangyari sa kanila ni Cheska noong lumabas sila pero wala siyang matandaan sa nangyari. Ang alam lang niya ay uminom siya ng todo. Hindi rin niya maalala kung paano siya nakauwi sa bahay nila.

Mayamaya pa ay kumatok ang ina. Pinagbuksan niya ito. Nang makapasok ang ina ay umupo ito sa gilid ng kama habang si Luisa ay nakatayo sa harapan niya.

"Anong oras ka bang nakauwi kagabi at pasado ala una na ay di ka pa diyan bumaba?" tanong ni Luisa. Nakabihis ito ng panglakad.

"Alas dose na ata? Aalis ka?" Hinihilot-hilot nito ang kaniyang sentido habang siya ay nakayuko. Iniiwasan ang tingin ng ina.

"Kararating ko lang." Pinagmamasdan nito si Sophie habang iniikot-ikot ang ulo. "Siguro nagpakalasing ka na naman?" galit na sambit ng ina. Hindi na umimik si Sophie. "Wala ka bang pasok sa school?"

"Wala po Ma. Deliberation na namin ngayon."

"Dapat nandoon ka pa rin!" Tiningnan nito ang anak. "May hangover ka, ano? Hay naku Sophie, how many times do I have to remind you that you shouldn't get too drunk. I am not prohibiting you from drinking, but you should know by now how to limit yourself. Delikado sa babae ang lasing. Kaya maraming nari-rape na babae. Di ka titigil kapag di ka nadisgrasya. Nasaan na ba yang Tata Dolfo mo? Kinutsaba mo na naman?"

Kahit naririndi na si Sophie ay di ito nagpakita ng pagka-inis. Alam niyang tama ang kaniyang ina.

Tumayo ito at kinuha ang suklay sa tukador. Naupo ito at nagsuklay. "Ma, please don't blame him. Gusto ko lang mag-enjoy. Alam mo naman ang hirap na pinagdadaanan naming mga med students." Patingin-tingin ito ng salamani habang nagsusuklay.

"Marami ka pang dadaanang hirap. Hindi lang iyan."

"Kaya nga po Ma. Nilulubos-lubos ko na." Binaba na nito ang suklay.

"O siya! Kumain ka na. And please clean-up. Amoy suka ka." Pumunta na si Luisa sa may pintuan. "Aalis ulit ako. O, baka naman pag-alis ko, umalis ka din?"

Umiling si Sophie. "I'll stay here po, don't worry. Bye Ma. Ingat" Tumayo ito at hinabol ang ina sa may pintuan at saka hinalikan ang ina sa pisngi. "Love you Ma!" Lumabas na si Luisa.

Nang maiwan na siya, naisipan nitong tawagan si Cheska habang naka-upo sa ibabaw ng kama. Inamoy-amoy muna niya ang sarili at napakulobot ang ilong nito.

Nang matanggap sa kabilang linya ni Cheska ang phone

"Hello sis! Where are you?" tanong ni Sophie.

"Sa school. Delibireation ngayon, remember?"

"Oo naman. Anong balita?" Nahiga itong muli.

"On going pa rin. Balitaan na lang kita mamaya pag natapos na."

"Sige. Good luck sa result!"

"Same to you! Pupunta ako diyan!" pahabol ni Cheska.

"K! Later alligator!" saka pinutol na nila ang linya.

Mga ilang minuto pa ay dumating na ang pagkain niya hatid ng kasambahay. Pagkatapos kumain ay saka siya naligo.

Dahil tinatamad at walang magawa, sumagip na naman sa kanyang isipan si Stephen. Kahit na anong pilit niyang alisin sa isipinan ang dating nobyo ay hindi niya ito magawa. Hanggang sa tuluyan na naman itong umiyak habang nakasubsob ang mukha sa unan.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now