Chapter 8 - Sa Kabila ng Pangarap

2.7K 81 6
                                    

DUMATING na nga ang araw ng graduation nila Sophie na ipinagdaos sa loob ng Sofitel. Makikita sa lobby ang kasiyahan ng bawat magtatapos habang naghahanda sa kanilang gagawing procession, suot ang kani-kanilang toga. Kasama nilang maglalakad ang kanilang mga magulang o guardian. Sila ang naging dahilan kung bakit nakapagtapos ang mga mag-aaral na ito ng kursong Medicine, ang isa sa pinakamahirap na kurso sa kolehiyo.

Maging si Sophie ay masayang-masaya lalo pa at siya ang may pinakamataas na markang nakuha. Masaya siya dahil naroon ang kanyang Mama at Papa na panay naman ang pasasalamat sa mga kakilala nila sa medical fields dahil sa kaliwa't kanang pagbati sa natamong parangal ng kanilang anak.

Nang magkita na sila ng kaniyang matalik na kaibigang si Cheska ay naglululundag sa tuwa ang dalawa. "We made it, sis! Congrats to our cum laude! And soon to be Dr. Sophie Barranda!" maligayang bati ni Cheska

"Salamat Che! And congrats din sa iyo, soon to be Dr. Cheska Gomez!" Nagtawanan ang dalawa.

"Sorry girls if I burst your buble, but you can call yourself a doctor only until you made it to the boards. That can only happen until you finished your internship," sabi ni Luisa sa magkaibigan.

"Ma, don't be so kj! Hahaha!" sabat ni Sophie.

Karamihan sa magsisipagtapos ay may kani-kaniyang camera at kani-kaniya rin silang kuha ng litrato. Nakisabayan na rin si Sophie sa pagpapa-litrato sa mga iba pa niyang kaklase.

"Let's have our photos na! Tita Luisa at Tito Tony, come join with us?" pagyayaya ni Cheska.

"A minute!" sabi ni Tony habang may kausap sa cellphone. Pagkatapos ay tumakbo na ito sa tabi ng asawa. Kasabay rin nila sa pagpapa-litrato ang ama at step mother ni Cheska. Nakailang shots din sila.

Mayamaya ay ipinaghahanda na sila sa kanilang prosesyon. Nasa unahan si Sophie at ang iba pang may mga awards. Sila ang uupo sa harapan. sa unahan sa may gilid din mauupo ang mga magulang ng may mga awards. Kasabay nila sa prosesyon ang kanilang magulang o guardian. Humihiwalay lang ang mga magulang pag dating sa upuan na nasa kabilang tabi. Maluha-luha si Luisa ng mga sandaling iyon. Binibiro-biro naman siya ng kanyang asawang si Tony.

Nang kinalaunan ay tinawag na ang mga may awards kabilang na si Cheska. Pinakahuling tinawag ay si Sophie bilang Cum laude ng kanilang batch. Nang tawagin na si Sophie ay nagpalakpakan ang lahat sa kaniya at naghihiyawan naman ang iba niyang makukulit na mga kalalakihang kaklase. Bukod sa matalino at masipag sa pag-aaral, isa rin siya sa mga magagandang babae ng kanilang batch, kaya nga may sumisigaw ng "I love you, Sophie!" bagamat alam niya na ito'y katuwaan lamang. Sumama sa pag-akyat si Luisa at siya ang nagsabit ng gintong medalya.

Mayamaya pa ay tinawag ulit siya para sa kaniyang graduation speech. Umakyat si Sophie sa entablado nang walang bahid ng anumang kabang makikita. Ganoon ang kompiyansa nito sa kaniyang sarili, na kanya ring namana sa kanyang ina. Nanahimik ang nasa audience, sabik na marinig ang sasabihing talumpati.

Paglapit niya sa podium ay inilapag niya ang pinagsulatan niyang talumpati. Isinulat kamay niya ito at dalawang gabi niya rin itong pinagpuyatan. Naisip niya na gamitin ang salitang Filipino dahil sa kaniyang pagtangkilik sa sariling wika.

Habang nagsasalita siya sa umpisa, si Luisa naman ay kinakabahan kaya't hinawakan ng asawa ang mga kamay nito.

Sa kaniyang talumpati, isinalaysay niya ang hirap na dinanas nila sa pag-aaral. Nariyang nasigawan sila ng kanilang terror professor at insultuhin sa harapan ng buong klase kapag walang silang maisagot. Kapag may exam naman nariyan ang magkopyahan, kodigo, leakage sa test at kung anu-ano pang kalokohan na inamin niya na minsan napasali rin siya, hindi lang naman siya nahuli. Nagtawanan ang mga nakarinig nito, parte lamang ito ng buhay estudiyante. Nabanggit din niya ang pamatay na practical exam, demonstrations, pati case presentations and reportings na kanilang pinagsusunugan ng kilay, gabi-gabi.

Nasabi rin niya ang hirap na dinanas nila sa pagdyu-duty sa iba't ibang ospital bilang isang medical clerk. Lagi silang inuutusan ng mga duktor, kahit ng mga nars. Kailangan pa raw niyang maging mabait sa mga nars. "Kaya humanda sa amin yang mga nars na 'yan dahil sila naman ang aalilain namin kapag naging ganap na duktor na kami!" biro niya na pinagtawanan muli.

Nagpasalamat ulit siya sa kanilang mga propesor at sa mga duktor na naging mentor niya sa kaniyang naging hospital experience.

Nabanggit din niya ang kaniyang matalik na kaibigan na lagi niyang kasama hindi lang sa pag-aaral kundi pati sa labas ng kaniyang buhay estudyante. Nabanggit din niya na hahanap-hanapin niya ang mga dating kasamahan ngayong magkakani-kaniyang landas na sila dahil sa lawak na sakop ng medisina. Pinasalamatan din niya ang kaniyang mga magulang at maging ang mga tao sa likod ng kanilang tagumpay.

Naging emosyonal din siya sa kanyang talumpati. "Hindi po madali ang pag-aaral ng pagiging duktor. Napakalaking sakripisyo ang pinagdaanan namin. Minsan gusto na rin naming bumigay. Marami po sa amin ay hindi na nakapagpatuloy dahil sa hirap ng mga subjects, at sa napakalaking gastos na kailangan din naming pagbayaran sa aming mga magulang. Heto nga at kami na lang ang natitira sa dami naming sumubok na maabot ang aming pinapangarap na propesyon. Nakakalungkot lang isipin ang kawalan namin ng oras at panahon sa aming mga minamahal sa buhay, ngunit alang-alang sa medisina, mas binigyang pansin namin ito kahit na ang kapalit ay ang pagkawala ng aming pansariling kaligayahan." Dito, tumulo ang luha ni Sophie at muli nag-palakpakan din ang kaniyang mga kaklase.

Sa bandang huli ay tinapos niya ang kaniyang talumpati ng masaya at nagpalakpakan ang mga tao. May ibang napatayo pa.

Pagkatapos ng seremonya, bago sila magkani-kaniyang lakad ay nagpakuha muna sila ng litrato kasama ang iba pang malalapit niyang kaibigan.

Sa di inaasahan, may umagaw ng pansin sa kaniya. Isang kaklase niyang babae na nasa kaniyang unahan ang nakita niyang hinagkan sa labi ng kasintahan nito. Naghiyawan ang mga kaklase nila. Naalaala niya si Stephen, kung kasama lang niya sana ito, malamang hinalikan din sana siya noon. Ganoon si Stephen, wala siyang paki-alam sa sasabihin ng mga tao pag dating sa kanuyang minamahal.

"Hoy sis! Tara na! Hinihintay ka na ng parents mo!" hiyaw ni Cheska sa napatulalang si Sophie.

"Sige. Saan pala kayo pupunta ng parents mo?" tanong niya kay Cheska.

"Wala pa. Hahanap na lang kami ng restro ni Daddy! Kayo?"

"Dito na din sa restro ng hotel!"

"Ok. Enjoy your dinner!" sabi ni Cheska.

"Call na lang?" sabi ni Sophie at naghiwalay na sila.

Lingid sa kaalaman ni Sophie ay naroon si Stephen sa lobby. Mula sa di kalayuan at sa mga nagsisiksikang mga tao ay palihim na nakatanaw ito sa kaniya. Masaya naman niyang pinagmamasdan ang babaeng minsan ay kaniya ring minahal.

---

Author's Note

Credit for the video goes to the original creator. Salamat sa pagpa-gamit. God bless to all the medicine students and clerks/interns. Ayos talaga ang duty ng mga nars kapag may kasamang mga klerk. :)

If you like this part, please vote or comment.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon