Chapter 20 - Team Tyrone vs. Team Marvin

2.1K 71 4
                                    

Nagsimula nang maglakad pa akyat ang mga campers sa Mt.Pulag. Bago nila marating ang tuktok o ang tinatawag na Summit ay kailangan muna nilang marating ang Camp 2. Para marating ang Camp 2 ay kailangan pa nilang maglakbay ng apat pa na oras. Kaya bandang alas onse ay umalis na sila.

Dahil laging nakabuntot si Marvin kina Sophie at Cheska nakaisip ng plano si Wacky para magkaroon ng pagkakataong magkasama si Sophie at Tyrone. Nasa unahan lang nila Tyrone sila Sophie.

" Ihave a plan. Watch me!" sabi ni Wacky kay Tyrone.

"Ha?" takang-taka siTyrone. Wala siyang alam sa plano ni Wacky.

Nang maabutan niya sila Sophie, tumabi ito kay Marvin. Isinaklay nito ang braso niya sa balikat ni Marvin na nagpabigat sa binata.

"Hello Wacky! Hanep ng getup natin, ah? Pang Mt. Everst!" ani Cheska

"Ikaw din nga, pang Himalayan Alps!" biro ni Wacky.

"Di ah! Pang Mt. Apo lang ang getup namin!" banat ni Sophie. Natawa naman sila.

"Ang tahimik naman ni Sir Marvin. Siguro napapagod ka na." tirada ni Wacky kay Marvin.

"Tigilan mo nga ako Wacky. Ako naman ang pinagtri-tripan mo," banat ni Marvin.

"Ito naman hindi na mabiro." Tinusok ni Wacky si Marvin sa tagiliran pero mabilis na tinabig ni Marvin ang kamay ni Wacky.

"Lokong bakla 'to. Akong pinagti-tripan," bulong ni Marvin.

"May binubulong ka, Vin?" tanong ni Wacky.

"Ang saya ng trip natin, sabi ko!" sagot naman ni Marvin.

Patuloy silanm sa paglalakad at nakadikit pa rin si Wacky kay Marvin. "Isang oras na tayo Marvin, di pa ba tayo magpapahinga?" tanong ni Wacky.

"Ano ka ba? Kakapahinga pa lang natin kanina," sabat ni Cheska.

"Kung pahinto-hinto tayo, anong oras tayo makakarating?" sarkastikong tanong ni Marvin. "Mamaya niyan naiwan pa tayo."

Habang lalong binibigatan ni Wacky ang braso nito na nakapatong kay Marvin ay kinikindatan niya si Cheska. Noong una, hindi ito maintindihan ni Cheska hanggang sa nginunguso niya si Sophie at Tyrone.

"Basta ako gusto ko ng makarating sa Camp 2 kagad para makapagpahinga. Galing pa kasi ako sa duty." sabi ni Sophie.

"Kawawa ka naman buti nakasama pa kayo ni Cheska, di ba sir Marvin?"

"Matitiis ko ba naman kayo?" sagot ni Sophie.

"O, see? Hindi ako matitiis ni Miss Sophie!" ani Marvin.

"Hoy! Huwag kang feeling close!" Tinulak niya ito at kamuntik na itong matumba. "Ay sorry Marvin."

"Dahan-dahan naman Wacky," pabirong sabi ni Cheska.

"I'm fine!" sabi ni Marvin. "Wacks, bakit mo iniwan ang grupo mo?"

"Bakit, bawal bang sabayan si Miss Sophie."

Nahalata na ni Marvin si Wacky kaya "Hindi naman!" sabay tinisod niya ito habang hindi iro nakatingin sa daan..

Ang hindi alam ni Marvin ay nakakapit pa si Wacky sa backpack niya, kaya ng matumba siya ay patagilid ito at nahila niya si Marvin.

"Ay, yay, yay!" Natumba silang dalawa ni Marvin, at nadaganan si Wacky.

Agad nagtakbuhan ang mga PT interns na kanyang kakutsaba. Kinumpulan nila si Wacky at pilit iniipit si Marvin. Kunwari tinutulungan nilang tumayo, pero iniipit lang nila ito. Tutulong sana si Sophie pero pinapauna na siya ni Cheska. Hanggang sa dumating si Tyrone.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon