Chapter 15 - Ang Guwapong Becky

2.3K 68 1
                                    

PAGKATAPOS mag-lunch ni Sophie ay naisipan munang dumaan nito sa Rehab. Naabutan niya na abalang-abala ang mga staff at halos lahat ay may kaniya-kaniyang mga pasyente. Si Tyrone naman sa oras na iyon ay nasa taas, kaya hinanap na lang niya si Wacky. Nakita niya si Wacky sa Hydrotherapy Room, sa may Whirlpool kung saan may inaasikasong isang matandang babaeng pasyente na may Diabetes. May mga sugat ang mga paa nito.

"O, Duktora, tapos na ba ang conference?" tanong ni Wacky habang pinaandar ang whirlpool machine. (Isa itong tanke na may lamang tubig kung saan umiikot ang tubig habang naka-lublub ang binti ng pasyente.)

Lumapit si Sophie kay Wacky at nginitian ang pasyente. "Hellop po Ma'am," bati ni Sophie sa pasyete."Hindi pa, break time muna kami," sagot niya kay Wacky. Sumilip ito sa loob ng tanke. "Busy kayo ngayon 'no? Kung kailan naman wala ako, saka naman kayo na busy?" Si Wacky naman ay immaalalayan ang pasyente na nakaupo sa isang high chair at nakalaylay ang mga binti nito sa tanke na may umiikot na tubig.

"Ganoon? Ibig sabihin, ang saya pag nandito ka kasi wala kaming pasyente?" Nakataas ang kilay ni Wacky.

"Hindi naman po sa ganoon. Mas maganda nga kung toxic kaysa naman naglalaro lang tayo!"

"Kunwari ka pa. Buti pa tulungan mo akong mag-debride kay Mommy. Ano Mommy, gusto mo si Duktora ang maglinis ng sugat mo?" ani Wacky sa pasyente niya.

"Nakakahiya naman kay Doc, ang ganda pa naman niya at ang porma. Baka madumihan lang siya?" sagot nang nakangiting pasyente.

"Hindi po, sanay po yan sa mga ganyan, di ba Doc?" Bigla siyang kinurot ni Sophie sa braso. "Aray! Bakit mo 'ko kinurot?" bulong nito kay Sophie.

"Sira ka ba, hindi ako p'wede," bulong din ni Sophie.

"Ay naku Doc mabuti pa mag suot ka na ng guantes," pang-aasar ni Wacky.

Dahil maingay ang ikot ng tubig sa tanke ay hindi naman naririnig ng pasyente ang biruan ng dalawa.

Mayamaya ay may pumasok na isang staff.

"Wacky, pinapatawag ka ni Dr. Cortes sa office ni Dra. Reyes. Nandiyan kasi si Mrs. Miranda, 'yong nanay ng pasyente mo kahapon. Ako na muna ang bahala kay Mommy." Lumapit na ang PT sa pasyente.

"Sino yon?" tanong ni Sophie.

"Yong tinanggalan namin ng femoral cast ni Sir Tyrone kahapon. Tapos, sa akin pina-handle."
Biglang kinabahan si Wacky dahil bihirang pumunta ang duktor na ito maliban na lang kung may emergency. "Thanks Jane," sabi nito sa kanyang co-PT. "Tara Doc!" Yaya nito kay Sophie. "Mommy, si Jane na po munang bahala sa inyo." Tumango ang pasyente.

Paglabas nila pumasok sila sa office ni Dra. Reyes. Pag wala si Dra. Reyes ay pinapagamit nito ang office kay Tyrone. Nakita nila ang isang nanay na nasa mahigit kuwarenta, at si Dr. Cortes. Sa hitsura palang ay mukhang galit na galit ito habang naka-upo sa upuan.

Nang makitang papasok si Wacky. "Yan! Yan nga ang PT ng anak ko!" Bagamat galit na galit ay nagtitimpi pa si Mrs. Miranda.

"Doc, ano pong problema?" tanong ni Wacky? Si Sophie naman ay nasa likod nito.

Hindi na nakapagpigil ang ale. Tumayo ito at dinuro-duro si Wacky. "Hoy Mister, huwag ka nang magmaang-maangan pa! Hinipuan mo ang anak ko sa binti. Nagkukunwari ka lang na bakla pero ang tutuo nagbabaklaan ka lang para 'yong mga babaeng pasyente mo, ma-maniac mo! Napaka-walang hiya mo! Masahol ka pa sa hayop!" Kahit nasa loob sila ng opisina at sarado ito ay naririnig ang boses ng ale sa buong Rehab.

Sa pagkabigla ni Wacky, hindi ito nakapagsalita kaagad.

"Tutuo ba 'to Joaquin?" tanong ni Dr. Cortes na isang Orthopedic Surgeon.

"Hindi po tutuo yan! Tatlong taon na po ako dito Doc, pero ni minsan wala pa pong nangyari sa aking insidenteng ganito! Wala pa po akong ginawang anomalya dito."

"Anong gusto mong palabasin, na gawa-gawa lang ng anak ko 'yon. Hayop ka talaga!" Hahampasin sana nito si Wacky sa ulo ng mamahaling bag pero sinangga ito ni Sophie ng kaniyang braso. "Umalis ka nga diyang babae ka! H'wag ka nga ditong makialam kung ayaw mong madamay!" bulyaw nito kay Sophie

"Misis, huwag po kayong mag-iskandalo dito! Mga professional po ang mga tao dito. Hindi nila iyon basta-basta magagawa!" pagtatangol ni Sophie.

Lalong nagalit si Mrs. Miranda. "Ibang klase ka rin ano? Imbes na kampihan mo ang kapuwa mo babae, e dito ka pa sa bakla kumakampi. Saan ka ba nakakita ng Christian hospital na tumatanggap ng mga bakla! Kaya pala ayaw ng bumalik dito ng anak ko kasi minaniac ng manyakis na yan!" Halos mangiyak-ngiyak na ang ale sa galit kay Wacky.

"Huwag po nating husgahan ang mga katulad nila. Hindi po porke ganyan ang pagkatao niya huhusgahan na natin kagad siya ng masama. Ang hospital pong ito ay hindi nangdi-discriminate base sa gender kundi base po sa kakayanan ng mga nagtatrabaho dito," mahinahong tugon ni Tyrone na kararating pa lang. Lumapit ito sa ale. "Mrs. Miranda, kung mayroon po kayong reklamo sa sinuman sa amin, mayroon po kaming Complaint Desk sa may Information Area. Mag file po kayo ng written complaint at ipapatawag po kami ng opisina para paghaharap-harapin tayo sa HR Department. Magsasagawa rin kami ng imbestigasyon, at kung mapatunayan, maari naming suspendihin o tanggalin dito ang inyong nirereklamo. Huwag po kayo ditong mag-iskandalo dahil nabubulabog niyo po ang iba naming pasyente." Habang nagpapaliwanag si Tyrone ay hindi nito napansin na titig na titig si Sophie sa kaniya.

"Fine! Makakarating ito sa Admin ninyo. At sisiguraduhin ko na matatanggal ang baklang maniac na iyan! Kadiri talaga kayo!" Dinuro ulit nito si Wacky at saka umalis habang tumatagaktak ang takong ng sapatos . Nagtatatalak pa rim ang bibig nito kahit nasa labas na.

"Doc Cortes, wala po talaga akong ginawang ganoon. Saka alam niyo naman din 'yon!" ani Wacky.

"I'm sorry Wacky, but I believe you. Just make an Incident Report about this at bahala na sa iyo ang Committee on Ethics. If you are innocent, then there's nothing to fear. Only God can sees our hearts. Pagpasensiyahan mo na lang muna ang panlalait noon. O sige na, back to work." Tumingin ito kay Sophie. "Miss Barranda, anong ginagawa mo dito, di ba dapat nasa conference ka?"

Napangiti si Sophie"Ha, a, e? Break time pa naman po , Doc."

"Akyat na," sabi ng duktor at umalis na ito.

Naiwan ang tatlo. "Nadamay ka pa tuloy Sophie sa gulo," sabi ni Wacky. "Salamat sa pagtatangol mo." Tumingin din ito kay Tyrone, "Salamat din Sir Tyrone!"

Tumango lang si Tyrone. "Bilang Chief, sagot ko kayo under the rule of Respondeat Superior. Siya maiwan ko muna kayong dalawa. Mayroon din akong kakausaping intern na pasaway din. Tomorrow, submit your IR to me," paalaa ni Tyrone saka umalis na ito.

Naiwan sila ni Sophie. Doon inilabas ni Wacky ang kanina pang itinatagong sama ng loob.

"Bakit ganoon Sophie? Dahil ba sa ganito ang pagkatao ko, masama na kagad ako? Alam ng Diyos na wala akong ginawang masama sa pasyente ko. Saka di naman 'yon kagandahan. Ang hita noon ang laki. Halos pagdalawahin ang hita mo." Natawa si Sophie. "Never pang nangyari ito. Bakit, mukha ba akong maniac?"

"Sa tingin ko, naman hindi mo 'yon magagawa. Mabait ka nga, hindi ka lang nila kilala. Tama yong sinabi ni Dr. Cortes. Kung malinis ang kunsensiya mo, bakit ka matatakot? Lalabas din naman ang katotohanan. Siguro, na-type-an ka lang ng pasyente mong 'yon? Guwapo ka naman kasi tapos nainis siguro sa iyo dahil hindi mo siya type. Kaya, kung ako sa'yo hayaan mo na muna 'yon."

"Malamang! Anong magagawa ko, kung parehas kaming may bahay-bata?"

"Wow! Kailan pa na-imbento ang Uterine Transplant? 'Kaw talaga Wacky! Hahaha!"

Napahinto sandali si Wacky. "At dahil diyan, Aldabyu na!"

"Ma-Alden kita, Sis!" biro ni Sophie. Nagyapusan ang dalawa.

Habang nagtatawanan at nagbibiruan sila Sophie at Wacky ay nakikita sila sa window glass ni Tyrone, na naaaliw naman sa panonood ng pagtawa ni Sophie.

___

Author's Note:

Ang part na ito ay para sa beki kong Yaya, si Yaya J-ay.


Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now