Chapter 32 - Past is Past

1.1K 55 14
                                    

Sa sobrang bilis nang pagmamaneho ni Tyrone ay mas maaga nitong narating ang Maynila at ang lugar nang pinagdalhan ni Marvin kay Sophie. Pumarada kaagad ito sa paradahan ng inn. Tahimik at madillim-dilim pa ang lugar, kakaunti pa lang din ang mga tao sa paligid. Agad itong bumaba sa kotse at mabigat ang mga paa sa paghakbang habang hinahanap si Marvin. Nakakunot ang noo, tikim ang bagang, at animoy may hawak na bato ang kanang kamay nito.

"Nasaan kang hayop kang Marvin ka? Magpakita ka! Harapin mo ako, lalaki sa lalaki!" galit na bubulong-bulong ito.

"Nasa likod mo lang ako," marahang sagot naman ni Marvin. Napapagitnaan sila ng dalawang natataas na kotse.

Agad napalingon si Tyrone, at pinanlisikan pa nito si Marvin ng mga mata. Parang ngang batong ipinukol ni Tyrone ang kamao sa panga ni Marvin. Sa bilis at lakas nito ay napatumba nga sa semento si Marvin. Agad pang kinubabawan ito ni Tyrone saka kinuwelyuhan, at nagpakawala pang muli ng ilan pang suntok. Hindi na nagawang makaganti ni Marvin.

"Lumaban ka! Sa akin mo ipakita ang pagkalalaki mo!" sabi ni Tyrone at aktong mananapak pa ito.

"Wa-walang nangyari sa amin ni... ni Sophie. Maniwala ka!" paputol-putol at mangiyak-ngiyak na sabat ni Marvin na pilit sinasangga ang kamao ni Tyrone. Dumudugo na rin ang labi nito at namumula ang pisngi dahil sa mga tama.

Sa narinig ni Tyrone ay dahan-dahang ibinababa nito ang kamao. "Anong ibig mong sabihing walang nangyari sa inyo?"

"Hayaan mo muna akong magpaliwanag," pagmamakaawa ni Marvin. Unti-unti namang lumuwag ang kapit ni Tyrone sa kuwelyo nito. Pagkabitiw ni Tyrone ay napaupo na ang dalawa sa semento. Parehas hinihingal ang dalawa.

Huminga muna nang malalim si Marvin at dumura dahil sa mga namuong dugo sa bibig nito. Hinayaan naman ito ni Tyrone at nanatiling tahimik.

"Nagkita kami kahapon ni Sophie sa mall nang hindi sinasadya. Ihahatid ko na siyang pauwi nang may nadaanan kaming carnival at pumasok kami doon. Ang saya-saya namin noong una. Nang may nakita kaming kambal na babae, bigla na lang siyang nagyayang umuwi. Nakita raw niya 'yong taong kinaiinisan niya kaya bigla na lang niya akong hinilang pauwi. Paglabas namin may nadaanan naman kaming bar. Niyaya niya ako dahil gusto raw niya magpalamig. Uminom siya at nagpakalasing. Pinigilan ko siya, pero ayaw niyang paawat. Hanggang sa sinabi niya 'yong ex niya at 'yong babaeng nang-agaw dito ang nakita niyang magkasama. Hindi ko naman kilala ang mga 'yon." Napailing si Marvin. "Kaya pala ganoon na lang ang reaksiyon niya. Galit na galit raw siya sa dalawang 'yon. At hindi niya 'matanggap na magkasama sila." Huminto muna itong sandali at napadurang muli.

"Ano pa? Ano pang ginawa ninyo?" aburidong tanong ni Tyrone.

"Lalaki lang ako Tyrone at maganda si Sophie! Kahit sinong lalaki ang nasa kalagayan ko hindi makakapagpigil lalo na kung may gusto rin, kaya dinala ko siya dito. Nakainom din ako." Sabay himas nito sa panga. "Matagal ko na siyang kursunada, kaso tinanggihan niya ako. Kung dinemonyo man ako, I'm sorry. Pero noong akmang gagawin ko na 'yong gusto ko sa kaniya, bigla na lang niyang tinawag si Stephen. Mahal na mahal pa rin daw niya ito. Matagal na silang wala, pero 'yon pa rin ang mahal niya! Anak ng...Ikakasal na siya pero 'yon pa rin ang iniisip niya."

Napailing si Tyrone. Pakiwari nito ay sinusulsulan ito ni Marvin. "Ngayon naman sinisiraan mo si Sophie dahil hindi ka niya gusto at para hindi ko ituloy ang kasal namin." Napaismid pa si Tyrone. "At kahit na totoo man 'yang sinasabi mo, hindi mo pa rin 'yon dapat ginawa dahil itinuring ka niyang kaibigan! Pero, hayop ka pala!"

"Hindi kita pipiliting maniwala, basta ang na-realize ko, hindi ko siya puwedeng angkinin. But I swear, walang nangyari sa amin," mariing sambit ni Marvin. Tumayo na ito."Ikaw na ang bahala sa kaniya. Unawain mo na lang siyang maigi. She needs you now more than ever." Tumalikod na si Marvin, "Good luck sa wedding niyo!" Saka ito pumunta ng sasakyan hanggang sa umalis na ito.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon