Chapter 28 - Free As A Bird

1.8K 58 5
                                    

Dumating na ang araw ng board exam nila Sophie. Para suportahan, sinasamahan ni Tyrone si Sophie hanggang sa eskuwelahan kung saan siya naka-assign para sa kaniyang exam. Sa huling araw ng kanilang exam, naisipan ni Sophie na pasyalan ulit si Lola Abet. Gustong-gusto kasi ni Sophie ang mga niluluto nitong pagkain sa tuwing pumupunta siya doon.

Isang Bicolana din pala itong si Lola Abet, galing siya sa probinsiya ng Sorsogon. Ang tatay ni Tyrone ay nakapag-trabaho bilang manager sa factory ng softdrinks sa Naga hanggang nakapag-asawa ito ng taga doon. Doon na rin ipinanganak ang mag-kakapatid na Tyrone at nag-aral ng elementary kung saan naging magkaklase sila Tyrone at Cheska. Si Lola Abet naman ay kasakasama ng tatay ni Tyrone nang mabalo na ito.

Nang magha-high school na siya, na-promote ang ama at inilipat ito sa Manila. Dito naman nag-high school si Tyrone hanggang naging matalik na mag-kaibigan si Tyrone at Mary Jane. Pag dating nang-college ay sa iisang university pumaaok ang dalawa. Sa kagustuhan ng ama, naging isang physical therapist si Tyrone.

Ngayon, ang mga magulang ni Tyrone ay bumalik na sa bayan ng kaniyang ina sa Naga. Mas gusto nila doon dahil tahimik ang lugar nila kumpara sa Manila. Si Lola Abet naman ay sinasamahan lang si Tyrone habang naghihintay sa pag-alis ng apo papuntang US. Isa sa mga pangarap ni Tyrone ang madala ang lola sa America.

Habang nasa bahay nila Tyrone si Sophie tinutulungan nito ang matanda sa pagluluto ng makakain nila. Dahil sa hindi kumakain ng karne ng hayop si Tyrone, natutunan na rin niyang magluto ng veggie meat. Maging ang matanda ay natutunan na ring magluto at kumain ng vegie meat dahil na rin sa pangungumbinse ni Sophie.

Habang naka-upo sa sofa sila Sophie at Tyrone at nag-uusap ang dalawa, natuon ang pansin ni Sophie sa dalawang dilaw na African lovebirds sa hawla malapit sa may pinto. Malulusog ang mga ito at may matitingkad na kulay na pinaghalong pula, dilaw at berde. Habang pinagmamasdan sila ni Sophie ay masayang ang mga itong naghaharutan.

"Hindi ka ba naaawa sa dalawang ibon na yan, love? Kawawa naman kasi nakakulong sila," tanong ni Sophie. Umandar na naman ang pagiging atribida nito.

"Bakit naman? Inaalagaan ko nga. Sagana yan sa pagkain with vitamins pa. Baka mangitlog na rin yan, soon. Bibigyan kita."

"Ayoko. Mas gusto kong makakita ng mga ibon na malayang lumilipad kesa nakakulong. Anong purpose ng pakpak kung hindi naman sila makalilipad?"

"Kapag malaya sila hindi mo sila malalapitan o mahahawakan. Hindi mo mararamdaman ang excitment lalo na kapag sinasalubong ka nilang masaya."

Agad nainis si Sophie. Madali kasi itong mainis kapag kinokontra siya. "Ewan. You're not getting my point. Matulungan na nga si Lola Abet sa kusina. Diyan ka muna. Huwag mo muna kaming istorbohin."

Nang tumayo si Sophie ay bigla itong yinakap ni Tyrone sa likod. "Love, huwag ka ngang mainis. Love ko na kasi yang mga ibon na yan." Ipinihit nito si Sophie at biglang hinalikan sa pisngi ng ilang ulit at nang hahalikan na niya ito sa leeg ay sinangga na ito ni Sophie.

"Ops! Sobra na yan!" saway ni Sophie.

"Sayang, hindi ako naka-score!"

"Score ka diyan? Diyan ka na nga muna!" Umalis na ito patungo sa kusina.

Umakyat si Tyrone at dinala pababa si Maximus. Habang nilalaro niya ito ay dumating si Mary Jane.

Pumasok si Mary Jane sa pintuan. "Hi T!" tawag nito sa kanya. "Can I come in?" Tumango si Tyrone ngunit patuloy lang ito sa paghimas kay Maximus.

Kahit hindi pinapansin ni Tyrone si Mary Jane ay lumapit pa rin ito. "Well hello there, Max! Kumusta na ang champ? Nagte-training ba kayo?"

Tumayo si Tyrone. "Upstair Max!" Umakyat na si Max at humarap ito kay Mary Jane. "What do you want from me, MJ? May kanya-kanya na tayong buhay," ani Tyrone na may bahid ng hinanakit.

"Hindi na ba talaga maibabalik ang friendship natin? Itatapon mo na lang ba 'yon?"

"Nawala ka ng matagal. Ngayon babalik ka? Do you really expect that we could be friends?"

Ang kaninang masigla Mary Jane ay biglang naging malungkot. "You don't know what's going on with me right now. My marriage is on the rocks, T." Bigla itong lumapit kay Tyrone at yumakap. Nagulat si Tyrone at pilit tinatanggal ang braso ni Mary Jane. Lalo namang humihigpit ang kapit nito.

"Patawarin mo na ako please. Ngayon ko lang na-realize na mali pala ako. I want you back. And this time, I want you to be my man!"

Napasigaw ito. "No!! Nilakasan na niya ang pagtulak dito. "It's too late! I'm sorry, MJ." Napabitaw tuloy si Mary Jane.

Sa pagsigaw ni Tyrone narinig ito nila Sophie at Lola Abet. Nasa may kainan sila banda at tahimik na nagmamasid.

"Tyrone please. I need you. Give me a chance. I can prove it to you. Makikipaghiwalay ako sa asawa ko. I know that you love me at hindi iyon mawawala."

"You're wrong about me. Nakawala na ako. sa iyo. Mahal kita noon pero ngayon si Sophie na ang mahal ko." Sinadya niya itong sabihin para saktan si Mary Jane.

Nang marinig ni Mary Jane ang pangalan ni Sophie ay biglang tumaas ang isang kilay nito. "Fine! I thought you still love me but I'm wrong. Kung kaya mong itapon ang mahabang panahong pinagsamahan natin kaya ko rin! Goodbye T!" Pagka-sabi nito ni Mary Jane ay lumabas na siya at halatang galit na galit at pinaharurot pa ang kotse nito.

Lumapit si Sophie kay Tyrone at hinawakan niya ang kamay ng lalaki. "It's really over now for both of you. Alisin mo na ang galit mo sa kanya."

Huminga ng malalim si Tyrone at sabay buntong hininga. "Things have change and it's all because of you." Hinila nito si Sophie. May biglang pumasok sa isip niya. "La, lalabas po muna kami ni Sophie. Sandali lang po at babalik din po kaagad kami!"

"Bilisan niyo lang at maluluto na itong sinasaing ko," sagot ng matanda habang nasa kusina.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ni Sophie habang hinihila ang kamay niya ni Tyrone.

Paglabas nila ng pintuan ay kinuha ni Tyrone ang hawla ng ibon."Meron tayong papakawalan."

"Papakawalan mo na 'tong mga ibon? Sayang naman. Binibiro lang kita kanina," pangiti-ngiting sabi ni Sophie.

"You were right about it. Halika na!" Pag-labas nila, sumakay sila ng tricycle. "Kuya, sa may park."

Dinala nga sila sa park ng tricycle driver. Dahil dumidilim na ay kakaunti na lang ang tao. Isa itong maliit na park kung saan may kaunting palaruan ng mga bata. May mga mangilan-ngilan punong malalago sa paligid. Pumunta sila sa isang puno na walang tao.

Nang bubuksan na ni Tyrone ang hawla, "Sira ka ba sa gagawin mo? Pagkatapos mong alagaan, papakawalan mo? O, dahan-dahan ka, baka tukain ka niya," sabi ni Sophie.

"Kilala na nila ako. Lagi ko tong hinahawakan. Hold this one please. Don't worry, hindi ka niyan tutukain. Basta ganito lang ang hawak mo." Nang makuha niya ang isa ay sinara niya muna ang hawla. Naging mabait naman sa kamay ni Sophie ang ibon. "Wait lang, kukunin ko ang partner mo," sabi nito sa ibon.

Kinuha pa ni Tyrone ang isa pang ibon at tumabi ito kay Sophie.

Hawak na ni Tyrone ang isa pang ibon. "Bago natin sila pakawalan, isipin natin amg mga bagay o pangyayari na ayaw nating pakawalan para maging malaya tayo. These birds represent the two of us. Ang kalayaan nila ay kalayaan natin."

"Paano kung magkahiwalay itong dalawa?"

"Matagal na silang magkasama. Let's trust them. Are you ready?" Tumango si Sophie. "At rhe count of three, one, two, three!" Sabay nilang binitiwan ang ibon.

Habang tinitingnan nila ang paglipad ng dalawang ibon, hinawakan naman ni Tyrone ang kamay ng dalaga "Malaya na tayo, mahal ko," ani Tyrone.

Humugot ng malalim na hininga si Sophie na para bang nanghihinayang sa dalawang ibong pinakawalan nila.

"Di mo ba sila mami-miss?" tanong ng medyo nalulungkot na si Siphie.

"Mami-miss, pero ngayon masaya na sila dahil malaya na nilang maikakaway ang kanilang mga pakpak."

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon