Chapter 16 - Last Day

2.1K 63 3
                                    

Pagdating na pagdating ni Dra Reyes, ay agad pinatawag niya si Sophie sa kanyang opisina. Tuwing Thursday at Friday ay hapon lang ito pumapasok.

Mayamaya ay pumaaok na si Sophie sa opisina ng duktor.

"Ms. Barranda, I think this is your last day here. How was your experience? Did you learn something?"

"Yes, Doc. I had a great time here. Boring po noong una, pero noong bandang katapusan ay naging exciting naman. Maraming salamat po sa mga natutunan ko sa inyo! Your staff are great! Nakasundo ko po kagad," ani Sophie.

"Last day mo na pala dito. Alam mo na ang tradisyon natin pag last day?"

"Huwag kayong magalala Doc, nagpa-cater po ako."

"Naku, binibiro lang kita. Hahaha! Pero kung totohanin, eh di wow! Hahaha!" Sa loob ng isang linggo, ngayon lang niya narinig humalakhak ang head ng Rehab.

"Doc talaga! Tumatawa pala kayo!"

"Pasensiya ka na, marami lang akong iniisip. Problema sa pamilya,tapos problema pa dito. Ano bang oras ang pakain mo? Aalis kasi ako bandang four?"

"Mamayang alas tres naman yung pakain ko."

"I see. Ok. Well, I do hope that you will consider being a Physiatrist because we need a lot of Physiatrists."

"I'll think about it, Doc! Gusto po kasi ni Mama Internal Medicine."

"Mother's knows best! Sige na. Tutal, wala naman tayong pasyente ngayon. Jamming ka muna diyan sa mga PT natin. Mamimiss ka sigurado nila lalung-lalo na ni ano?" Natawa ito.

"Ni ano po, doc?"

"Never mind! Baka magalit sa akin kapag binuking ko. Naririnig ko na madalas kang pag-usapan ng mga boys dito." Ngumiti ito ng may malisya.

Nang tatayo na siya saka naman may pumasok, si Marvin.

"Good afternoon po doc!" Nang makita niya si Sophie na nakatayo, nginitian niya ito. "Hi Miss Sophie!" Ngumiti naman si Sophie.

"O Marvin. Ang pinaka-guwapong med rep. Kilala mo pala si Sophie? Anak yan ng may-ari ng Tri-S Pharmaceuticals? Tamang-tama, may pakain siya, last day niya ngayon dito."

"Talaga? Hindi ko po alam na anak pala siya..." Tumingin ito kay Sophie. "... ng Tri-S."

Hindi na kumibo si Sophie. "Doc, labas na po muna ako." Pagdaan niya, ngingitian sana niya si Marlon, pero nakayuko si Marlon.

Pasado alas-tres na nang dumating ang catering. Nagkainan sila at nagbiruan. Mayamaya pa ay may announcement si Dra. Reyes.

"Dumaan dito si Marvin yung med rep. Iniimbitahan niya tayo, I mean kayo mag mountain climbing sponsored by Triple-S Pharma, which is by the way owned by the Barranda family." Nagtinginan ang mga tao kay Sophie.

"May silent millionaire pala tayo?" sabi ni Wacky.

"Hindi naman. Maliit lang yun na kumpanya," nahihiya niyang sagot.

"Saan ba Doc?" tanong ni Tyrone.

"Sa Mt. Pulag," sagot ng duktor. "Sama ka ba, ha Tyrone?"

"Sasama yan! Siyempre sasama si Doc Sophie!" sabi ni Wacky. Naghiyawan ang mga staff.

Napangiti si Sophie. "Hoy, wag nga kayong ganyan. Mamaya may magalit sa akin," ani Sophie.

"Walang magagalit sa iyo. Matagal na yang bakante!" hiyaw ng isang PT intern na lalaki.

"Sasama ka ba?" tanong ni Tyrone. Nanahimik ang mga tao. Hinihintay ang sagot ni Sophie.

"Sige! Try ko lang. Hindi ko sure." Nagkatinginan ang dalawa, na pareho naman nilang binawi kagad.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Onde histórias criam vida. Descubra agora