Chapter 30 - At the Carnival

2K 68 6
                                    

Naging maayos naman ang pag-uusap nila Tyrone at ng mga magulang nito nang ipagpaalam niya ang anak nilang si Sophie. Nangako siya na hindi siya hahadlang sa plano ni Sophie na ipagpapatuloy ang residency training nito. Mas lalo siyang natuwa nang sabihan na siyang pormal ng mamanhikan sa kanila kasama ang kaniyang mga magulang.

Ganoon nga ang ginawa ni Tyrone, pinapunta nito ang kaniyang mga magulang upang mamanhikan. Naging masaya at maayos naman ang nasabing pamamanhikan. Pagkatapos mamanhikan ay sumama sa Naga si Tyrone sa paghatid ng kaniyang mga magulang, at may kailangan rin siyang importanteng aasikasuhing bagay doon. Bago pa siya umalis ay sinamahan nito si Sophie sa oathtaking ceremony nila.

Habang wala si Tyrone, naisipan nitong mag-shopping mag-isa sa mall. Nang malungkot ito tinawagan niya si Cheska para magpasama. Umupo muna ito sa isang coffee shop at nagkape.

"Hello Che? Are you busy? Kita tayo dito sa MOA."

"May pupuntahan kasi kami sis nila Daddy. Nagpapasama din sila sa akin kasi uuwi na sila sa Naga bukas. Kung gusto mo tomorrow na lang? Kahit saan sis, libre ako."

"Ok. Akala ko naka-uwi na sila. Sige. Tom na lang. Bye." Pinutol na niya ang tawag.

Pagkatapos niyang mamili ng kaunting damit at sapatos ay naisipan na niyang umuwi. Nang pauwi na siya ay nakasalubong naman niya si Marvin.

"Look who's here? Hello Marvin. Long time no see," masayang bati ni Sophie.

"Hello Dra. Sophie. Congratulations pala for passing the board exam. I'm so happy for you!" masiglang bati naman ni Marvin.

Maaliwalas ang mukha ni Marvin. Pagkatapos ng insidente sa bahay nila Sophie ay ngayon na lamang niya ito muling nakita.

Hinila ni Sophie ito sa tabi para hindi sila makaharang sa daan. "Thank you Vin. Namiss kita," pabirong sabi ni Sophie.

Agad napangiti si Marvin. "Talaga lang, ha? Congrats also for your upcoming wedding with Tyrone! Di ko akalain na naging kayo ni Tyrone, but you deserve each other naman. Mukha namang mabait 'yon."

"Thanks ulit Vin. Paano mo nalaman ang balita?"

"Napanood ko minsan sa tv sa isang talkshow. Reunion ata ng team ng mga dating miyembro nila sa basketball league. Binibiro siya na ikakasal na daw siya sa isang duktora." Napa-ah si Sophie. "Kaya pala parang pamilyar sa akin si Tyrone. Basketball star pala siya dati," ani Marvin.

"Napanood mo pala yon?" Naroon kasi siya sa audience.

"Nakita nga kita, nais-spot-tan ka ng camera. Sinabi rin sa akin ni Wacky na ikakasal na nga kayo, noong minsang pinasyalan ko si Dra. Reyes. Ah, umalis na pala ako sa Tri-S."

"Hindi ko alam yan. Bakit naman? Lumipat ka ba sa mas malaking company?"

"Naku hindi! At wala 'tong kinalaman sa nangyari sa atin doon sa bahay niyo. Ang tutuo niyan, 'yong tita namin na matandang dalaga nagkasakit. Chinese din yon, mayaman at may iba't-ibang negosyo. Nakipagbati sa amin bago siya namatay. Yung mga properties niya at negosyo ay pinaghati-hati niya sa amin. Yung iba sa ampon niya. Tapos yung iba sa dalawa pa niyang kapatid. Malaki 'yong napunta sa nanay kong share."

"Tingnan mo nga naman ang buhay. Dati namumroblema ka kung saan mo kukunin yong panggastos niyo ng pamilya mo, ngayon, mayaman ka na?"

"Di naman. Kailangan ko pa rin kumayod. Si Rona, 'yong kapatid ko, siyang nagma-manage ng bakery, sa akin naman yung hardware. Kahati namin yung pinsan din namin. Di nga namin akalain na mamanahan niya kami. Kasi akala namin noon pinagmamalupitan niya kami ng pamilua ko. 'Yon pala gusto lang niya kaming turuan mag-banat ng buto."

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon