Chapter 7 - Anger Management

2.8K 84 5
                                    

HINDI na nakayanan pang itago ni Sophie ang nararamdaman niyang sakit habang nasa harapan siya ng kaniyang mga magulang at kapatid kung kaya't umakyat na ito.

Pagpasok niya sa kuwarto dirediretso siya sa study table at binuksan niya ang laptop at tiningnan niya ang kanyang Facebook. Pumasok siya sa timeline ni Stephen at naghanap ng isang close-up picture. Nagprint siya ng isang larawan na kaniyang pinagkasya sa isang short-size na coupon bond. Pagkatapos, hinanap niya si Beverly sa friend list ni Stephen. Nakita niya iyon. Bagamat naka-private ang account ni Beverly, ay may nakita siyang whole body picture na nakasuot ng uniform na pang nars. May katabi itong isang Amerikanang nars. In-edit niya at tinanggal niya ang katabing nars. Nang matanggal na niya ito, saka niya na rin ito ipinirinta. Kinuha niya ito pati na rin ang litrato ni Stephen.

Dali-dali siyang lumabas ng silid at pumunta sa kanilang gym, malapit lang ito sa kaniyang kuwarto. Maaliwalas ang kanilang gym at maraming mga kagamitan pang-exercise dahil magmula sa mga magulang at kapatid, sila ay maiingat sa katawan, lalung-lalo na ang ina nito na kahit na nga may edad na ay bata pa rin ang hitsura nito kumpara sa mga kasing edad niya.

Pinuntahan niya ang punching bag na nakasabit sa isang gilid. May dala-dala din siyang scotch tape kaya idinikit niya ang litrato ni Beverly sa punching bag. Habang dinidikit niya ito ay gigil na gigil naman siya.

"Bagay ka dito dahil para ka kasing punching bag diyan sa lapad mo!" Nang maidikit na niya, pinagmasdan niya ito. "Kung tutuuusin mas malaki ka pa sa punching bag ni Papa. Ang lapad mo!" sigaw niya sa litrato ni Beverly.

Kinuha niya ang isang pares ng gloves at sinuot niya ito. Pumesto siya na parang isang boksingero. Bumuwelo siya at nagbanat-banat. Huminga rin siya ng malalim.

Hinanda na niya ang unang suntok gamit ang kanang kamao. Nagpakawala siya ng isa at itinama niya ito sa mukha ni Beverly. "O, ano masakit? Papalag ka? Sige? Hindi ako natatakot sa iyo!" Sa sobrang galit ay pinagmumura niya ito. "Hindi ka lang hayop, Hudas ka pa!"

Hinanda niya ang kaliwa naman at ipinatama ulit sa mukha. "Yan ang bagay sa iyo, mang-aagaw. Ang tanda-tanda mo na at ang taba-taba mo pa, may gana ka pang mang-agaw. Feeling mo siguro kagandahan ka at sexy. Ilusyunada!" sigaw niyang muli.

Pagkatapos nito ay sunud-sunod na niya itong pinagsususuntok. Tinadyakan din niya magkabilaan ang katawan ni Beverly. Suntok at sipa ang inabot ng kawawang litrato ni Beverly hanggang sa magkapunit-punit ito.

Hiningal siya sa pagod at sa inis. Napa-upo ito sa sahig at tinitingnan ang wasak-wasak na papel. Ang iba ay nakadikit pa sa bag, ang iba naman ay nagkalat na sa sahig.

Pinagtatawanan niya ito. "Pasalamat ka at picture lang yan. Tinawag mo akong haliparot pero mas harot ka pa nga sa akin! Ilang beses mong hinalikan sa harapan ko si Stephen? Kung hinalikan ko man siya sa harapan mo, 'e akin naman siya. Di katulad mo, mang-aagaw!"

Sa sobrang poot na nararamdaman niya kahit natatawa siya ay sabay din ang pagtangis nito. Tumayo ulit ito kahit nanghihina pa. Sinuntok-suntok niya ulit ang punching bag hanggang sa napaakap ito habang mahinang sinusuntok ang bag. "I hate you! I really hate you!" Kumapit ito sa bag at humaguhol ng malakas.

Nang makapahinga ng ilang minuto, nagtanggal na siya ng gloves at kinuha naman niya ang larawan ni Stephen. Idinikit niya sa dart board ito. Habang dinidikit niya, panay ang tulo ng kaniyang mga luha.

Kumuha siya ng maraming dart. Dumistansiya siya ng mga ilang pulgada. Hindi siya magaling sa dart, at sa kanilang tatlo si Suzzie ang magaling dito. Madalas din silang maglarong magkakapatid.

Dahil pagod sa pag-suntok, ang kaniyang kanang kamay ay nanginginig habang pinupuntirya ang board kung saan nakadikit ang litrato ni Stephen. Nag-aalangan din itong tamaan si Stephen. Nang maalaala niya ang kataksilan ni Stephen ay namutawi na naman ang poot nito at saka itinira ang dart sa board. Tinamaan ang kaliwang pisngi ni Stephen.

"Sorry hon! Ikaw kasi. Kulang pa nga 'yan. Ako nga sa puso mo sinaksak!"

Pumesto ulit ito sa nakaharap na dart board. Tinira niya ulit ito ng tatlong sunod-sunod. Una, tumama sa noo, sunod sa kabilang pisngi, at sa baba ang panghuli.

Naglagay ulit siya ng tatlong dart sa tabi at kinuha niya ang isa. Pinupuntirya niya ang ilong ni Stephen kung saan nakapuwesto ang bullseye. Pagtira niya, sa kanang mata ito tumama.

"Bulag ka kasi kaya ayan. Tingnan mo ng nangyari sa atin. Mas pinili mo pa yung aleng 'yon! Why Stephen? Why are you doing this to me. Why are you making my life miserable."

Tinira niya ulit ang isa at tinamaan na ang isang butas ng ilong ni Stephen. Titira pa sana siya pero sa nakitang tama ni Stephen ay parang naawa na ito. Lumapit ito at tinanggal isa-isa ang dart. "Mahal na mahal kita Stephen. Kala ko ba ayaw mo akong nasasaktan. Sabihin mo lang Stephen na mahal mo pa ako. Patatawarin kaagad kita. Bumalik ka lang sa akin. Please Stephen. Come back to me. I love you so much."

Tinanggal niya ang larawan at hinalik-halikan ito. Nang maalala niya ulit ang huling dalaw nito sa kanya ay nainis naman siya. Pinagpupupunit niya ang larawan at nagsisigaw na naman ito. "I hate you Stephen. I really hate both of you!"

Habang umiiyak siya ay may naramdaman siyang isang kamay sa kaniyang kanang balikat. Hindi niya napansin na nasa likod lang pala niya ang kanyang ina. Kitang-kita naman ng ina ang lahat nang ginawa ni Sophie.

"It's going to be fine, Sophie. As long as I'm here, I'll protect you. Let go for now," marahang salita ni Luisa.

Humarap si Sophie sa kanyang ina. Pinunasan naman ng kamay ni Luisa ang mga mata ng kaniyang anak. "Hirap na hirap na po ako, Ma." Napayakap si Sophie nang masabi niya ito, at parang gumaan at kumalma ang loob niya. Tumigil na rin siya sa pag-iyak lalo na nang maramdaman niya ang higpit nang yakap ng kaniyang ina at ang pang-uugoy nito sa kanya.

"We love you Sophie, and we will always be at your side! God will not allow this to you if you can't bear it, so have faith. He always have his reasons." Habang sinasabi niya ito ay damang-dama niya ang paghihinagpis ng kaniyang anak sa pinagdaraanang hirap nito.

-----
Author's Note:

Paano niyo ba inilalabas ang galit sa inyong kapuwa? At paano ninyo ito mako-control? Share naman sa comment box para malaman ni Sophie. Thanks!

Vote please, if you like this! :)

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Onde histórias criam vida. Descubra agora