Chapter 25 - His Story

1.8K 75 5
                                    

Lumapit pa ng konti si Sophie para mas makita niya ng malapitan ang scrapbook na hawak ni Lola Abet.

"Si Marry Jane ang gumawa ng scrapbook na ito. Niregalo nilang dalawa ni Tyrone ito sa akin noong 60th birtday ko." Napa-ah si Sophie.

Sinimulan ni Lola Abet buksan sa pinakasimulang pahina ang scrapbook. Nakita ni Sophie na ang unang litrato ay ang lola at lolo ni Tyrone. Naka black and white pa ang litrato nila. Makikita ang laki ng agwat ng dalawa. Matangkad at guwapo ang lolo ni Tyrone. Namana nito ang mapupungay na mga mata at ang katangusan ng kanyang ilong.

"Hindi pa kami kasal dito." Binuklat niya ulit. "Heto naman noong kasal namin at ito naman buntis na ako sa tatay ni Tyrone. Trenta anyos na ako nang manganak sa tatay ni Tyrone."

"Ilang taon po ang agwat niyo ng asawa niyo po?" tanong ni Sophie.

"Fourteen years ang age gap namin."ani Lola Abet. Bigla tuloy niyang naisip sila Stephen at Beverly. "Pero, naging masaya ang pagsasama namin. Hindi man lang niya ako sinaktan o binigyan man lang ng sakit ng ulo." Napatango si Sophie.

Bukod sa mga litrato may mga sulat at cards na nakadikit dito kaya ang kapal ng scrapbook. Sa sumunod na page ay ang mga litrato ng mga anak ni Lola Abet. Isang lalaki at dalawang babae ang mga anak nito. Panganay ang tatay ni Tyrone.

Pagkatapos ang funeral ng asawa nito. Tapos ang wedding picture ng mga magulang ni Tyrone. Hanggang sa baby picture ni Tyrone. Apat silang magkakapatid, tatlong babae at pangalawa si Tyrone.

"Ang cute pala ni Tyrone noong bata pa siya. Chubby pala siya noon at ang itim niya po talaga."

"May pagka-bombay kasi ang nanay niya."

"Kaya po pala," ani Sophie.

Sunod ay ang mga litrato ni Tyrone simula noong kinder hanggang mag-college na ito.

Napansin niya na may mga larawan ng isang babaeng maganda at maputi. Halos kaedadan niya ito ngunit mas matangkad ito sa kanya dahil nakikita niya sa litrato na hanggang tenga ni Tyrone ang babae samantalang siya ay hanggang balikat lang.

Ngayon lang din nakita ni Sophie na basketball player din pala noon si Tyrone simula noong high school hanggang college. Miyembro din pala siya ng PBL at naging MVP pa ito sa school nila.

"Alam mo ba na ang kumuha ng mga litrato ni Tyrone ay ang kanyang matalik na kaibigang si Mary Jane. Mag-kaibigan sila since.naging mag-kaklase sila ng high school dito sa Manila. Pero noong malapit na silang magtapos ng college, nagkahiwalay sila."

"Bakit po sila nagkahiwalay?" takang tanong ni Sophie.

"Nang magka-boyfriend si Mary Jane, ayaw na ayaw ni Tyrone doon lalo na nang sinasaktan na ang kaibigan niya. Mahal na mahal pa rin ni Mary Jane ang boyfriend nito sa kabila nang pananakit ng lalaki. Hindi na ito matiis ni Tyrone hanggang sa nagtapat na siya ng kanyang nararamdaman. Simula noon, lumayo na ito ito sa kanya, at nabalitaan na lang namin na nag-asawa na ito kelan lang ng isang Amerikano."

"Grabe din po pala ang pinagdaanan ng apo niyo."

"Kaya simula noon naging mailap na siya sa mga babae at hindi na ulit nanligaw. Na-trauma ang apo ko. Naniniwala ako na may darating ding babaeng magmamahal sa kanya. Tulad ng lolo niya." Humikab ang matanda. "Alas sais na pala."

"Inaantok na po ba kayo? Maaga pa po?"

"Napagod lang ata ako. Kami lang dalawa ng apo ko ang nagluto. Nagustuhan mo ba yung niluto kong pansit?"

"Ang sarap po noon, para nga pong espesyal ang pansit na yon. Iyon po ang pinakamasarap na pansit na natikman ko," boladas ni Sophie.

"Bolera ka pa lang bata ka." Natawa ang matanda.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon