Chapter 9 - Time to Move On

2.9K 67 5
                                    

NAGSIMULA na ang bakasyon nila Sophie. Si Cheska ay umuwi na sa kaniyang probinsiya sa Naga City. Samantalang si Sophie ay naghahanda papunta ng Iloilo.

Bandang hapon may natanggap siyang text galing kay Stephen. Agad niya naman itong binasa. Hindi niya maitatangging hinintay niya ito pagkatapos ng kanilang matinding komprontasyon.

"Congrats Sophie! You made it! I'm so proud of you!"

Napangiti si Sophie. Ibang ligaya ang naramdaman niya. Kaya sinagot niya ito. "Thanks!"

"Can I see you?" tanong ni Stephen.

Napatayo ito sa kinauupuan niya sa sofa. Masayang-masaya siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot. Kung magdadahilan ba siya na hindi siya puwede.

Nagmamadali siya sa pag-type "Where?" Napa oh no siya nang mapindot niya ang send button. "Baliw ka talaga Sophie! Makikipagkita ka pa sa ungas na 'yon?" anito.

"Sa park sa QC Circle. I'll wait for you there," sagot ni Stephen sa text.

"Ok."

BANDANG alas singko na nang dumating si Sophie sa park. Nakasuot siya ng floral dress na above the knee dahil summer naman. Maaliwalas ang mukha niya. Nakita niya kaagad si Stephen na nakatayo sa may isang puno. Naka puting t-shirt naman ito na may nakasulat na SRY, naka kaki pants, at suot din niya ang red baseball cap na may burda ng dalawang letrang "S", na regalo ni Sophie. Hinalikan siya ni Stephen sa pisngi nang makita siya nito. Ginantihan lang niya ito ng ngiti.

Hindi katulad ng huli nilang pagkikita, medyo maayos ito at maaliwalas din si Stephen bagamat meron pa rin itong balbas. Payat pa rin siya at malalim at nangingitim ang mga mata. Muli, naaawa siya sa hitsura nito.

"Anong drama mo na naman ngayon?" pasungit niyang tanong ngunit nakangiting bahagya.

Inabutan siya rin nito ng mga mapupulang rosas. "Aminin mo man o hindi, yan ang minahal mo sa akin." Ang pagiging romantiko ni Stephen ang isa sa minahal ng dalaga. "I still need your forgiveness. I know this is not enough!"

"If I forgive you, will you forgive yourself?"

Napabuntong-hininga ang binata. "I will in time. Hinahanap ko pa rin ang sarili ko. Alam ko naman na nasasaktan kita dahil sa mga ginawa ko sa'yo. I want you to be happy, and for that, I cannot make you happy. Hindi ko nga mapasaya ang saarili ko. I tried, but I just can't."

"Bakit Stephen? Palayain mo na ang sarili mo. Iniwan ka na niya. Kung mahal ka niya ipinaglaban ka niya sana. Alam niya bang nangyayari sa iyo? Hindi ba siya naaawa. Kaya nga kita pinakawaalan kahit masakit sa akin para lang maging maasaya ka."

"It wasn't her fault, not even you. Salamat Sophie sa ginawa mo para sa akin pero kasalanan ko ang lahat." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. "I wasn't man enough for you. Ayoko nang masaktan ka pa. Akala ko dahil busy ka at strong ang personality mo, makakakayanan mo kung," bigla napatigil si Stephen, "...kung mawala man ako," alanganing sabi ni Stephen saka niya binitawan ang kamay.

"Kung alam mo lang Stephen kung gaano kasakit ang pinagdadaanan ko nang pinakawalan kita. Hindi ko masabi sa pamilya ko, at sa friends natin na wala na tayo dahil umaasa ako na hanggang sa dulo tayong dalawa pa rin." Halatang pigil sa pag-iyak ang dalaga.

"Kaya nga ako nagdurusa ngayon. You know what? I was there at the airport the day she left. Pipigilan ko na sana siya pero naduwag na naman ako. I'm so weak Sophie." Hindi na napigilan ni Stephen at bumuhos na ang kanyang emosyun. Napayuko ito habang humahagulhol ng pigil.

Sa nakita ni Sophie ay biglang napawi ang galit nito sa lalaki. Hindi niya akalain na ganoon ang dinaranas nitong hirap hindi lang sa pag-alis ni Beverly kundi maging sa dahil sa kunsensiyang nararamdaman ni Sephen sa sakit na idinulot nito sa kaniya. Nilapitan niya ito at yinakap habang nakayuko at umiiyak.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz