Chapter 31 - Stephen Da Who?

3.1K 73 4
                                    

Agad silang sumakay sa sasakyan ni Marvin nang makita ni Sophie sila Beverly at Stephen. Halatang kinakabahan ang dalaga at hindi mapakaali kahit na nga naka-upo na ito sa sasakyan.

"What's the rush? Kala ko pa naman sasakay pa tayo sa ferris wheel. Kung kelan naman may lakas na ako ng loob sumakay kasama ka, saka ka naman bigla-biglang nagmadaling umalis. Sino ba kasing nakita mo at bigla kang namutla?" tanong ni Marvin. Hindi niya kilala si Stephen kaya hindi niya alam kung sino ang tinakbuhan nila.

"Wala! Wala 'yon! Isang kinaiinisang tao! Akala ko patay na buhay pa pala! Nakakainis! Grrr!" Nagdadadabog ito sa kanyang upuan.

Kahit si Marvin ay di mapakali sa kaniyang pagmamaneho. "Sino ba talaga 'yon? Gusto mo balikan natin?" Panay ang sulyap nito kay Sophie na parang nag-aalala.

"Hindi na!" yamot na sagot ni Sophie. Nang may madaanan silang bar sa daan, "Paki hinto mo nga muna ng sasakyan mo."

"Saan? Dito sa bar?"

"Diyan nga! Magpapalamig lang ako!"

Dahil sa nakikita ni Marvin na mainit ang ulo ng dalaga ay pinagbigyan niya na lang ito. Kakabukas pa lang ng restro-bar at kaunti palang ang tao. Pumasok ang dalawa at dumiretso sila sa may bar counter. Umupo ang dalawa sa bakanteng silya.

"Isang lady's drink nga. Yung malakas sumipa!" aburidong sabi ni Sophie sa bar tender. Sumunod naman ang bar tender at pinaghanda ng kanyang inumin.

"Rhum lang sa akin," ani Marvin.

Makalipas ang sandali ay naibigay na ang inumin ng dalawa. Isang Margarita na nakalagay sa cocktail glass ang para kay Sophie na may asin ang paligid ng baso at may garnished ng isang slice ng lemon at kay Marvin naman ay ang rhum na in-order nito.

"Enjoy your drinks, Ma'am, Sir!" ani ng bar tender.

"Thanks!" ani Marvin.

Si Sophie naman ay agad uminom. Napapikit pa ito ng maramdaman ang unang guhit sa lalamunan niya. Tahimik lang muna siya habang si Marvin pasipsip-sipsip lang ito at tinititigan si Sophie.

Sa pangalawang baso ay nagsimula na itong magdadaldal.

"Uminom tayo kasi tagumpay na tayo sa buhay. Duktor na ako and very soon magkakapamilya na rin ako sa wakas. Ikaw naman nagma-manage ka ng sarili mong negosyo. Let's toast to that!" Nag-toast sila.

Naubos na ni Sophie ang pangalawag baso pero si Marvin ay hindi pa nauubos ang una niyang baso.

"Bar ten-der, i-sa pa nga. Pa-sensi-ya ka na sa ka-sama ko mahinang um-inom 'to. Hoy Mar-vin, inom ka pa. Pa-ra ka na-mang hin-di nag-eenjoy," pauta-utal na sabi ni Sophie

"Tama na yan Sophie. May tama ka na."

"Ano ka ba? Hin-di pa...hin-di pa ako la-sing kasi nara-ram-daman ko pa ang sa-kit. Ba-kit na-sasa-ktan pa ako? I-big sa-bihin kul-ang pa sa inom. Isa pa nga, please!"

Mayamaya ay dumating na ang pangatlong baso at si Marvin naman ay kumuha na ng kaniyang pangalawang baso.

Uminom si Sophie at halos mga lahati ang baso. "Ak-ala ko ok na a-ko pe-ro ba-kit ganoon Mar-vin?!" Yinuyugyog-yugyog nito si Marvin sa braso.

"Sino bang nakita mo? Tell me?" kunot noong tanong ni Marvin.

"Si...si Stephen! " Tumungga ito ng alak aat halos maubos na ang kalahating tira . "T'saka yung...yung mang-aa-gaw na bal-yenang si Beve-rly na 'yon! Na-kita ko si-la. Hin-di ko matang-gap na nagka-balikan sila." Uminom pa ulit hanggang naubos na ang laman. Nagsenyas ito ng isa pa. Nagpatuloy ito sa pagkukuwento.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now