Chapter 14 - Lady in Red

2.4K 64 4
                                    

Sa mga sumunod na araw ay unti-unting nakagaanagan ng loob ni Sophie ang mga kasamahan niya sa Rehabilitation Department dahil magaang ang atmosphere doon. Hindi katulad sa ibang department na hirap siyang pakisamahan ang ibang staff.

Ang hindi niya masyadong nagustuhan sa departamentong ito ay walang masyadong pasyente at kulang sa aksiyon o excitement. Mabuti na lang at kahit paano ay kasundo na niya si Tyrone. Maliban kay Tyrone, nawiwili rin siya sa isa pang PTstaff, si Joaquin Magpayo. Isa siyang binabae ngunit maypagka modesto ito. Matangkad na may pagka-maton. Kulot ang buhok na lampas tenga at lagi niyang tinatali ng bun style. Kaya niyang magsalita ng boses lalaki pero kaya niyang bumirit ala Sarah Geronimo.

Kapag dumarating ito sa Rehab ay kumakanta ito ng pagkalakas-lakas ng mga piling linya sa isang musical play. Nagpa-part time rin ito bilang artista sa teatro at isa rin siya cast sa musical na Miss Saigon sa Pilipinas.

Pagkapasok sa pintuan, humirit na ito ng kantang This is The Hour na isang duet. "No one must ever see. This thing you're showing me. Your bastard fouls our name..."Huminto siya at nagboses babae. "My baby's not to blame, for what I've done."

Bigla siyang pinutol ni Tyrone. "Ano ka ba naman Wacky? Hinaan mo nga yang boses mo at baka magalit na naman sa atin ang Radiology. Lagi ka na lang nirereklamo ng chief ng RT."

"Di naman nakabubulabog ang boses ko. Ganito talaga sa theater. Dapat talaga malakas ang boses mo," palusot ni Wacky

"Hospita ito at hindi teatro! And why are you late again? Nagrereklamo na sa iyo ang HR!"

"Alas dos na kasi ng umaga natapos yung rehersal namin. Nauna na nga ako." Napatingin siya sa itaas ng pinto kung saan nakalagay ang wall clock. Nakita niyang mag-aalas nueve na pala. Mayamaya ay pumasok si Sophie at nginuso niya si Tyrone na lumingon ito.

"What?" tanong ni Tyrone. Paglingon niya ay napatulala din siya. Nakaporma kasi si Sophie. Naka red terno slack ito at pleated blouse na v neck at short sleeves. Para hindi naman masyadong madugo ay ginamitan niya ng white sandals na high heels at white hobo bag. Taliwas ito sa nakasanayan niyang suot na maiigsi at daring. Ganoon pa man, napakaganda pa rin niya lalo na at bagong rebond at naka dye ng brown ang mahaba niyang hair na lampas shoulder.

Nakayuko si Sophie pagpasok sa pinto dahil may binabasa sa kanyang cellphone kaya naman halos di maalis ni Tyrone ang tingin sa dilag. Nang matapos mag-text ni Sophie ay inangat nito ang mukha. Mas lalong nabighani si Tyrone dahil sa simpleng make-up nito. Light lang pero ang ginamit nitong lipstick ay matingkad na pula na lalong na emphasize ang mahabang korte ng labi nito. Mapagkakamalan mong artista ang pumasok at hindi isang medical intern.

Kahit si Wacky ay natulala din. Nilapitan nito si Tyrone at siniko ito. "Sir, huwag mo masyadong titigan baka matunaw," bulong niya kay Tyrone.

"Hello guys! Ikaw ba Wacky yung kumakanta kanina? Rinig na rinig yung boses mo sa labas. Ano bang kanta 'yon parang narinig ko na kasi?"

"Part ko 'yon sa Miss Saigon. I'm playing the role of Thuy, yung bethroted kay Kim."

"Talaga? Kasali ka sa Miss Saigon? 'Yon ba yung tsinugi ni Kim?"

"Siya nga!" sagot ni Wacky.

"Maniwala ako?"

"O sige bibigyan kita ng ticket kung gusto mo?"

"Di joke lang, kaw naman," bawi ni Sophie.

"Magaling yang singer si Wacky?"sabi ni Tyrone. "Sabi ko na sa iyo, nakakabulabog ka. Ang sakit nga sa tainga."

"Nakakabulabog na! Sige na! Si duktora pala hindi?" Sabay kindat ni Wacky.

"Bakit naman ako nadamay diyan?"

"Ay naku duktora? Kung ganyan lagi ang suot mo, papapakin tayo ng mga pasyente lalo na kung nagsuot ka pa ng mini," sagot ni Wacky "Kung ganyan ka lagi, baka makalimutan ko ang pagiging pusong babae ko."

"Eto ba?" Tinuro niya ang kanyang damit. "Di ba, every Thursday, meron kaming conference sa taas? Kaya, we can wear our best. May dress code kasi, bawal ang daring, Alam niya naman na conservative dito. Sa ibang hospital, walang bawal-bawal. Pagandahan at papogihan ang peg. Do you like it, Wacky?"

"Bakit ako ang tinatanong mo? Sir? You like it daw?" tanong ni Wacky kay Tyrone.

"Tigilan mo nga ako, Wacky." Bigla itong namula lalo na ng tumingin si Sophie sa kanya. Nataranta tuloy ang binata. "Umakyat ka na sa taas at hinihintay ka na ng pasyente mo. Hoy, huwag mong maniakin yung mga pasyente mo do'n. May asawa na ang isa." saway na biro ni Tyrone.

"Hindi ako ganoon sir. Baka maniwala si duktora! Makaakyat na nga."

"Wait Wacky! Sabay na ako sa iyo," sabi ni Sophie. "Si Dra. Reyes?"

"Hapon pa siya papasok," sabi ni Tyrone.

Nginitian niya si Tyrone na labas ang pantay-pantay nito at mapuputing ngipin. "Ganoon ba? Tara na Wacky!"

"Le'ts go, sago!" Kinuha ni Wacky ang kamay ni Sophie at lumakad silang magkasiko habang may hawak naman itong portable machinesa kabilang kamay.

Habang papalakad sila papuntang pinto ay lumingon si Wacky. Nakita niyang nakatingin pa rin si Tyrone kay Sophie. Napa-uhm lang si Wacky samantalang umiling-iling naman si Tyrone.

Alas singko na rin ng matapos ang conference nila Sophie kaya naisipan na niyang umuwi na. Nasa may hallway na siya ng makita siya ni Marvin. Hinabol siya nito.

"Hi Sophie! Pauwi ka na ba?"

"Marvin?" Tumigil siya sa paglakad at hinarap si Marvin. "Bakit mo naman ako iniwan sa may emergency?" tanong ni Sophie.

"Sorry ha. Kasi nag text yung isang duktor na client ko. Aalis na daw siya kaya iniwan na kita. Sabi naman kasi nung duktor na nag-asikaso sa iyo, ok ka naman daw saka ma nars naman doon. Bakit?"

"Anong bakit ka diyan? Paano ako makakapag-pasalamat." Tinapi niya si Marvin sa braso. Tuloy, nabitawan ni Marvin ang hawak niyang portfolio. Nang dadamputin niya ay nakita niya sa malapitan ang maganda at mapuputing paa na naka pedicure na red ang mga kuko.

"Ang lakas mo namang mamalo. Parang hampas ng lalaki."

"Malakas ba?" Hahampasin pa sana siya ni Sophie kaya sinangga niya ito.

"Uwi ka na ba?"

"Uwi na pero maaga pa kaya labas muna tayo."

"Talaga? Wow! Ang ganda ng ka-date ko! Sana lang walang magselos!"

"Hoy, hindi ito date! Thank you ko lang sa pag-tulong mo sa akin."

Ngumiti ng todo si Marvin. "Tara! Naghihintay na ang limo ko!"

Hindi maitatago ang kasiyahan ni Marvin pero si Sophie naman ay napilitan lang. Para sa kanya, regalo lang niya ito kay Marvin dahil sa nangyari sa kanila sa elevator.

Pinuntahan nila sa parking lot ang isang beige na Toyota Vios na isang company car nila Sophie. Binuksan ni Marvin ang pinto para pasakayin si Sophie. Habang sa di kalayuan ay nasa loob naman ng kotse sila Tyrone at Wacky at nakatanaw sa kanila.

"Di ba si Marvin 'yon? 'Yong med rep na lagi nasa atin? Boyfriend kaya siya ni Sophie?"

"Eh ano naman?" sabi ni Tyrone.

"Uy, bitter! Merong nagseselos dito. Hahaha!"

Nakisabay na lang si Tyrone sa halakhak ni Wacky. "Hindi 'no!"

Natahimik si Wacky. "Ron, usapang lalaki. Kung ikaw ang boyfriend ni Sophie, papakawalan mo ba siya?"

"What kind of question is that? Tarantado lang ang gagawa noon! Teka Wacky, bakla ka ba o nagbabakla-baklaan ka."

Nag-boses lalaki ito. "Hindi ako bakla! Baklang-bakla! Tara na nga nang maihatid na kita sa inyo!" Sinasabay lang ni Wacky ang kaibigang si Tyrone sa pag-uwi.

--

Author's Note

Maganda na ba ang kuwento? Please vote or comment para malaman ko. Thanks for reading. Have a great day! :)

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Kde žijí příběhy. Začni objevovat