Chapter 5 - Cheska Sulsolera

3.7K 100 10
                                    

HINYAAN muna ni Cheska sa pag-iyak ang kaibigan, ngunit habang tumatagal lalo namang humahagulhol si Sophie habang yakap-yakap niya ito..

"Tahan na sis. Baka magkasakit ka na niyan sa puso?" Inuguy-ugoy pa niya ang kaibigan.

"Paano na ako, ngayon wala na siya?"

"Marami pa naman diyang iba. Hindi lang naman si Stephen ang lalaki dito sa mundo. Marami pa. According to statistics nga, mas marami pa ang lalaki sa babae. Did you know that? Tayo nga dapat ang makarami, hindi sila." Inayos niya ang pagkaka-upo nila at pinaharap si Sophie sa kanya. "I'm here naman for you. Mas madalas nga tayong magkasama. Sa akin pa nga madalas mag-selos si Stephen, di ba? I will never leave you, sis."

"Pero iba si Stephen, Che. Wala na ata siyang katulad!"

"Of course! Wala nga siyang katulad pero bakit mo ipagpipilitan ang sarili mo sa kanya kung di naman niya kayang pahalagahan ang pagmamahal mo? He doesn't deserve you. And you deserve someone better."

"I really love him. Parang hindi ko kayang magmahal pa ng iba."

"That line is so gasgas na, sis! How many times na yang ginamit sa mga movie? Huwag ka ngang gaya-gaya, ibahin mo naman yang line mo. Gayahin mo si Katy Perri." Bumuwelo ito at bumirit, "And who do you think you are, Running 'round leaving scars, Collecting your jar of hearts, And tearing love apart, You're gonna catch a cold, From the ice inside your soul, So don't come back for me, Who do you think...," pinutol niya ito at huminga ng malalim para maka-buwelo saka bumirit ng, "...you are?" Pumiyok ito sa bandang dulo.

Natawa naman si Sophie. "Gaga ka talaga. Eh si Christina Perri ang kumanta niyan!"

"Si Christina ba? Kala ko kay Katy Perri yan. Gotcha!" Sabay na tumawa ang mag-kaibigan. " Buti naman at natawa ka." Sumiryoso ulit si Cheska. "Kelan pa ba kayo nag-hiwalay?"

Biglang nanumbalik ang lungkot sa mukha ni Sophie. "Mag-iisang buwan na."

"Ibig mong sabihin isang buwan mo na akong pinaglilihiman? Why Sophie? Akala ko pa naman ako ang iyong trusted friend? Nakakainis ka, sis! " birong patampo ni Cheska. "Siguro meron ka na ring bagong sis, 'no?"

"Kala ko kasi makakayanan ko maging strong. Magsaya-sayahan. Yung parang walang nangyari. ''Tsaka, kala ko magkakaayos pa kami."

"Alam mo ba ang mga taong ganyan ang madalas mag-suicide. Remember sa Psychia?" Bigla niyang naalaala yung nakita niyang band-aid sa pulso nito noon. "Nag-laslas ka 'no!?" pasigaw nitong tanong.

"Shh! Baka may makarinig sa iyo!" saway ni Sophie. "Hopeless ako that time. I feel so alone. Buti na lang nag-miss call ka ta nag-text ."

Nanlaki ang mga mata ni Cheska. "Oh my guddah! Don't you ever do that again because that is a very bad thing to do. Ayaw ni Lord niyan! Don't kill yourself just because of that worthless man!"

Tumango-tango si Sophie. "Nag-promise na ako kay God na hindi na iyon mauulit. Hinding-hindi na ako magpapatalo sa Beverly na iyon!" Napatakip ito ng bibig dahil nasambit ang pangalan ni Beverly.

"You mean to say, me third party? Sino girl? Wala naman akong nalamang kinalolokohang chika babe yang bf mo."

"Ex! Not even worthy to mention!"

"Kilala ko ba siya?" Umiling si Sophie. "Nakita ko na ba ?" Tumango ito. "Sis, sabihin mo na sa akin. Para pag nakita ko siya sasabunutan ko kesehodang ako ay edukada."

Tiningnan ni Sophie si Cheska. Ayaw niya na sanang ikuwento ang pangyayari pero pagkausap niya ang kaibigan, hindi niya mapigilan hindi magkuwento. "Sige na nga!" Napangiti si Cheska. "Remember nung birthday ni Dra. Rose Castillo?" Tumango si Cheska. "Me tinawag siyang girl from the audience, yung sabi niyang nurse na dati niyang kasamahan. Siya 'yon!"

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now