Chapter 22 - Sinong Hopeless?

1.9K 59 4
                                    

Pagkatapos ng mahabang tayuan sa Operating Room at nakakapagod na duty ay nakauwi na rin si Sophie. Pagpasok niya sa bahay nila ay nakita niya ang kaniyang dalawang kapatid na nag-uusap.

Tumabi muna ito sa dalawa "Ate, napabisita ka?" tanong ni Sophie kay Suzzie.

"I'm here because first of all, I heard about what happened to Shirley. Gigil na gigil talaga ako ng malaman ko kay Mama. Hindi tayo puwedeng makialam kasi away mag-asawa yan, but abuse of women? Ibang usapan na yan, mga sis!"

"Ate Suzzie, ayoko munang mag-file ng case," ani Shirley.

"Tama si Ate Suzzie, Shirley, dapat maturuan yang asawa mo ng leksiyon," ani Sophie.

"Huwag na nga nating pag-usapan ang asawa ko. Ako ng bahala diyan. Nagsisisi na nga daw siya."

"Hay naku, naniwala ka naman kagad."Dismayong sabi ni Sophie. "Ano yung second?"

"Eh di si Papa!" sabi ng dalawang kapatid niya.

"Ay oo ng pala. I forgot. Where is he now?"

"Andoon sa taas kasama si Mama at saka yung PT niya." sagot ni Suzzie

"Really? Sinong PT niya?" Biglang sumigla si Sophie

"I forgot his name," sabi ni Shirley.

"Tyrone ba?" tanong ni Sophie. Tumango ang dalawa. "Saan sila?"

"Sa gym!" sabi ni Suzzie.

Tumayo na ito. "Ok. Akyat muna ako!" Nagmamadaling tumakbo si Sophie paakyat.

"Kalurky! Excited" sabi ni Shirley.

"Do you smell what I smell?" tanong ni Suzzie.

"I smell romance!" sabay ulit na sinabi ng dalawang magkapatid.

Pagka-akyat niya, dali-daling binuksan ni Sophie ang pinto ng gym nila. Pagkapasok niya ay tapos na pala ang therapy session ni Tony. Naabutan niya na ang Mama na niya ang minamasahe at hinihila-hila ang balikat nito ni Tyrone. Tahimik siyang pumasok at pinanonood ang mga suwabeng galaw nito habang sarap na sarap naman ang kanyang ina.

Mayamaya ay nakita siya ng ina. Humarap si Tyrone para tingnan siya. Nakasuot pa si Sophie ng scrub dahil hindi na ito nakapagbihis sa sobrang pagod. Samantalang si Tyrone ay naka maong pants at tight na plain colored blue t-shirt.

"Ang galing pala nitong si Tyrone. Siya ba yung naging therapist mo noon?"

"Ha? Opo Ma, magaling po siya," sagot ni Sophie.

"Sabi ko sa kanya, yung pinsan mong si Jimmy na PT din sa US, ang yaman na. Aba, nag-apply pala ito sa US. Visa na lang ang hinihintay niya."

Ngumiti si Sophie pero biglang nakaramdam siya ng lungkot. "Aalis ka na pala. Kung sabagay, masyadong maliit ang kita niyo rito."

"Ayoko sana pero kailangan ko rin. Walang masyadong future ang PT dito."

"I agree with you," sabi ni Luisa.

Hinanap ni Sophie ang kanyang ama. " Si Papa?"

"Ayun!" Tinuro ni Luisa si Tony na nakahiga sa isang bed sa gilid ng gym. "Nasarapan ata, ayan nakatulog."

"May dala kasi akong portable ultrasound saka electrical stimulator, yung TENS para sa pain Tapos nag manual traction din ako, hinila ko lang yung dalawang hita niya, at saka binigyan ko ng exercise, McKenzie exercise," paliwanag ni Tyrone.

"Nabuhat mo yung dalawang hita no'n?" Tumango naman si Tyrone. "No doubt naman na magaling ka," wika ni Sophie

"Hindi naman. Napagaaralan din naman ang lahat kung gusto mo," sabi ni Tyrone na may ibang nais ipakahulugan.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Where stories live. Discover now