Prologue:

50.6K 1.1K 49
                                    


Expect typographical errors and grammatical errors.

This chapters contains vulgar words, harrasment and killing scene. Please be advised. Thank you.

********************

      TAKOT....

Yan ang sobrang naramdaman ko. Araw araw naman akong binabalot ng takot, pero kakaiba ang ngayon. Sinubukan kong takasan ang takot na ito, pero lalo lamang akong kinakain nito.

"Okay, this doll number 3 was sold by Mr. Amagichi!" Napatakip ako sa aking tainga, kasabay nang pagtulo ng mga luha ko.

Ako na ang susunod. Ako na. Hindi pa ba sapat ang pahirap nila sa'kin sa loob ng sampung taon? Bakit kailangang ipahantong pa nila ako sa ganito?

"Remove her clothes now." Lumuluhang nag angat ako ng tingin sa nagsalita. "You're next, be kind, okay?"

Binuksan nila ang kulungan kung saan ako nakalagay. Kumapit naman ako sa bakal nang hilahin ako ng isang lalaki.

"Ayoko po.." Umiling ako dito. "Parang awa niyo na, ayoko po."

Wala akong nagawa nang pwersahan akong hilahin palabas. Pinatayo nila ako at tinanggal ang suot kong bathrobe. Napayakap na lamang ako sa sarili ko dahil tanging isang itim na lingerie na lamang ang natitira sa aking kasuotan.

"Okay, this is our next item." Mas lalong lumakas ang iyak ko nang kaladkarin na ako paakyat sa stage.

Tumambad sa'kin ang iba't ibang kalalakihan na may iba't ibang lahi. Ang mga mata nito ay nakatingin sa halos hubad kong katawan

"She's Mafel Villarico, a fresh and hot virgin woman." Nag umpisang manginig ang katawan ko nang mag ingay ang mga tao. "Start the bid now."

"One million!" Nagtaas ang isang indiano.

"Two million!" Isang Amerikano naman ang nagsalita.

"Five million!"

"Twenty million!" Nagtungo sa harapan ang isang matandang chinese na may malawak na ngisi. "Twenty million, I want her mine."

"Okay, this doll was so–"

"One billion!" Lahat ay napalingon sa nagsalita.

May isang lalaking matangkad na naglalakad palapit sa'min. Hindi ko makita ang itsura nito dahil madilim. Ngunit nang makita ko ang mukha nito ay halos matanggal ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.

Ang mala-tsokolate niyang mata na walang emosyon ay sa'kin nakatuon. May hawak din itong baril kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan.

"M-mister Gallego." Bumakas ang takot sa mukha ng matandang chinese.

"I'm glad that you're still remember me, Mr. Ying." Huminto ang lalaking may nakakatakot na awra sa harapan niya. "I'm here make you pay."

Bago pa makapagsalita ang chinese na lalaki ay agad na siyang binaril nitong lalaki sa ulo. Nanginginig na napaupo ako sa sahig habang nakatingin sa bangkay ng chinese.

Mas lalo akong nangining nang lingunin ako nung lalaki. "She's sold at me."

"Y-yes, Mr. Gallego."

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Where stories live. Discover now