Chapter 18

24.8K 618 2
                                    

MAFEL

  MAHIRAP nga masyado ang pinagbubuntis ko. Para lang akong paralisadong taong laging nakaratay sa kama dahil kaunting galaw ko ay nahihilo na ako at sumasakit ang ulo ko. Hindi na naman sumasakit ang puson ko, na lubos kong ipinagpapasalamat kay Lord.

"You're not feeling well, again?" Naupo sa tabi ko, si Isaiah. "Sabi nang Doctor mo normal lang ang pagkahilo mo. But I think, it's not."

"Normal nga lang daw ito, sabi sa internet." tugon ko. "Siguro mawawala rin ito."

"I'm so worried, about you." bakas na bakas ang pag aalala sa mukha nito.

"Kaya ko naman, Isaiah. Kaya ko, para kay baby."

Napahinga ito nang malalim bago dumausdos pababa, hanggang sa magpantay ang mukha niya at tiyan ko.

"Hey, wag ka namang pasaway kay Mommy. Look, she's tired and she's a little bit struggling. Don't think that I don't want you, okay? I love you, my child." Hinalikan nito ang tiyan ko. "Can't wait to finally meet you."

Napangiti na lang ako at inabot ang buhok ni Isaiah. Hinaplos ko ang buhok niya, habang hinahaplos niya ang tiyan ko.

Nahinto lang kami sa ganoong senaryo nang may kumatok ng tatlong beses. Bumukas ito at iniluwal si fifth...ata.

"King, we'll go now." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"Saan kayo pupunta?" Binalingan ko nang tingin si Isaiah, na nakatayo na.

"I forgot to tell." Inayos nito ang damit niya at humarap sa'kin. "Pupunta kaming underground, may aayusin lang ako. I'll be back, after I finish those things."

Tumango lang ako.

"May gusto ka bang pasalubong?" malambing na tanong nito.

Napaisip ako. "Gusto ko ng durian, at saka balot na walang kiti."

"Durian.." tumango tango ito. "Uhmm, what is balot?"

"Search mona lang," tamad kong sagot. Bigla akong nakaramdam ng antok kaya nawala ako sa mood. "Basta balot ah? Pero walang kiti."

"Okay." Yumukod ito at hinalikan ako sa labi. "I love you."

"I love you, Isaiah."

Ngumiti ito sa'kin bago lumabas. Sumunod naman sa kaniya si fifth. Tuluyan naman akong pumikit, hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Nang magising ako ay katanghaliang tapat na. Nakaramdam ako ng gutom kaya agad akong bumangon. Nakaramdam ako ng hilo pero kaya ko naman.

Lumabas ako ng kuwarto at nadatnan ko ang isang babaeng naghahanda ng pagkain ko. Sa tingin ko ay ito sa staff ng hotel.

"Hello.." Napatingin ito sa'kin nang magsalita ako. "Yan na ba yung pagkain ko?"

Ngumiti ito. "Yes, Ma'am."

Tumango ako at lumapit doon. "Sige, salamat."

Tango lang isinagot nito at tumalikod. Pero bago pa siya tuluyang makalabas ay napatigil ito dahil sa aking sinabi.

"Pakisabi sa manager niyo, maraming salamat. At mag iingat sana kayo palagi."

Hindi na ito kumibo at nagmamadali na lamang lumabas. Napatingin naman ako sa mga pagkaing hinanda sa'kin.

Bumalik ako sa kuwarto namin ni Isaiah at kinuha ang cellphone na ipinahiram niya sa'kin. Dinial ko ang number ni Pink na sa third floor ang kuwarto.

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Where stories live. Discover now