Special Chapter

30.3K 843 44
                                    


    "WHAT a beautiful view," nakangiting mukha agad ni Isaiah ang bumungad sa'kin nang magising ako. "You always amazed me by your beauty, Maf."

"Nambola kana naman," pabirong inirapan ko siya. "Anong oras na ba? Kailangan ko nang ipaghanda ng breakfast yung mga bata–"

"Kumakain na sila," nakangiting sabi nito. "Maaga akong gumising para ipaghanda sila ng makakain."

"Sinong bantay ng mga bata?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Natigilan naman ito. Napasinghap ito at nagmamadaling tumayo. Kumaripas ito nang takbo palabas na ikinailing ko lang.

Tumayo ako sa kama at dumiretso sa banyo. Halos napasimangot ako nang makita ang maraming kiss mark sa aking dibdib. Buti na lang ay wala na sa leeg.

Saglit akong naligo at nagbihis, bago dumiretso sa baba. Napailing na lang ako nang makita ang mga nagkalat na harina at itlog sa leeg na nililinis ni Isaiah, na nakasimangot.

"Mommy, we just wanted to make a pancake." mangiyak ngiyak na lumapit sa'kin si Knife–ang pangalawa sa quintuplets. "Daddy is mad."

"Mommy, sinira ni Daddy yung artwork namin sa sahig." sumbong naman ni Sniper–ang panganay sa quintuplets.

"Mommy, naka-face on the wall kami." sumbong naman ni Chamber–ang bunso.

"Mommy, Daddy is a monster." sabi ni Pistol–ang pangatlo.

"Mommy, punish Daddy too." sabi naman ni Omega.

Natawa na lamang ako at napahilot sa sintido ko. Magpapaawa na naman sila para hindi sila maparusahan ng Daddy nila. Grabe, sobrang kulit ng lima na 'to, kung anong trip ng isa, trip din ng lahat.

"Don't use that tactic against your Mom," sita sa kanila ni Isaiah. "Face on the wall, boys."

Mangiyak ngiyak namang tumingin sa'kin yung lima, si Knife naman ay tuluyan nang tumulo ang luha.

"Mommy, ayaw face on the wall. Nakakangawit yun," iyak nito. "We just wanted to make pancakes po eh. Masama ba yun?"

"Hindi masama ang paggawa ng pancakes, ang masama ay ang pagsasayang niyo ng harina at itlog." Huminga nang malalim si Isaiah. "Boys, it's hard for me to punish y'all, but I need to do it. Hindi naman pwedeng lagi ko kayong pagbibigyan. That's not nice, dapat matuto kayo sa pagkakamali niyo."

"Tama ang Daddy niyo." Pinunasan ko ang luha ni Knife. "Ang daming nagugutom na bata, kaya maling mali ang ginawa niyo."

Nakangusong tumango lamang ang mga ito at humarap sa pader. Napangiti naman ako at tinulungan si Isaiah na maglinis nang kalat ng mga bata.

Pagkatapos naming maglinis ay naupo na kami sa hapag. Napatingin ako sa plato ng mga bata na malinis pa. Mukhang mas inuna muna ang kalokohan, bago kumain.

"Boys, kain na." Nilingon ko ang mga ito. "Tama na ang punishment."

Nagmamadali naman ang mga itong naupo sa kaniya kaniyang upuan. Tumayo si Isaiah at nilagyan ng kanin at ulam ang plato ng mga bata.

"Uulitin niyo pa ang ginawa niyo?" Umiling ang mga ito. "Good. Always listen to us, okay? And always learn from your mistakes."

"Opo!" sabay sabay nilang sagot na ikinangiti ko.

Nagsimula na kaming kumain. Normal kaming nag-kwentuhan, na parang wala lang yung nangyari kanina.

"Kailan ang kuhanan ng card?" tanong ko sa limang bata.

Sa edad na five ay grade one na sila. Manang mana sila sa Ama nila, ang tatalino. Kawangis din nila ang Ama nila, pero si Chamber at Knife ay mas kawangis ko.

"Sa monday po," sagot ni Sniper. "Daddy, I think my medal ulit kami. Lagi kasi kami pong active sa school."

Ngumiti sa kanila si Isaiah. "That's good to her. Pero kahit wala kayong medal, proud na proud pa rin kami ni Mommy niyo, sa inyo. Don't pressure yourself too much, okay? Okay na sa'min yung ibinigay niyo yung best niyo."

"Yes po." sagot nila.

Sa lumipas na mga taon, hindi nagbago si Isaiah sa'kin–sa mga bata. Pinatunayan niya talagang magiging mabuti siyang asawa at Ama.

Kung dati ay baril at mga armas ang hawak niya. Ngayon ay panlinis, panluto, panghugas ng plato at mga basurang itatapon. Hindi pa rin naman nagbago ang titulo niyang Mafia King, pero kahit ganoon lagi kaming safe. Natapos na kasi nang tuluyan ang sigalot nila ng Rebel Mafia.

Nang matapos kaming kumain, ay si Isaiah ang nagligpit at naghugas ng plato. Nagpresinta ako, pero tumanggi ito.

"It's my duty." Yan naman lagi ang sagot niya, sa'kin.

"Sige, puntahan ko lang yung mga bata." Hinalikan ko siya sa labi, bago magtungo sa sala kung nasaan ang mga bata.

Natagpuan ko ang mga itong nanonood ng telebisyon. Magkakatabi ito sa sofa at naaayon sa bilang nila ang pagkakaupo.

"Mommy, upo ka po." Tinapik ni Snipe ang tabi niya.

Lumapit naman ako at umupo sa tabi niya. Nakinood na rin ako nang pinanonood nilang 'Jack Frost'. Paboritong paborito nila ang palabas na yun, sa bagay maganda naman talaga.

Ilang sandali lang ay dumating si Isaiah na may bitbit na isang galloon ng ice cream. Dala rin niya ang tumbler na malaki ng mga bata.

"Thank you po, Daddy."

Bumaba ang mga bata sa sofa at sa carpet umupo. Nakalapag sa gitna yung ice cream. Kumakain sila non habang nanonood.

Nagkatinginan naman kami, ni Isaiah at parehong natawa. Wala talagang hindi pinagkakasunduan ang mga bata.

"Daddy, gusto kong white rin yung hair ko." Lumingot sa'min si Knife. "Look po, ang cool ni Jack Frost."

"Paglaki mo, pwede mo siyang kulayan ng white." tugon dito ni Isaiah, na ikinatango lang nito.

"Are you happy?" Napalingon ako, kay Isaiah. "Are you happy with your life?"

"Kulang ang salitang happy, sa nararamdaman ko ngayon." Nginitian ko siya. "Maraming salamat, Isaiah. Salamat at ipinaranas mo sa'kin ang ganito, kasayang pamilya."

"No, Maf. Thank you for choosing me." Ngumiti ito. "I love you, Maf."

Sinapo ko ang magkabilang pisngi nito at saka niya hinalikan.

"DADDY! PUPU!" Napahiwalay lang kami sa isa't isa nang sumigaw yung mga bata.

Parang mga bulating binudburan ito ng asin habang nakatayo at hinuhubad yung shorts nila.

"Really? Sabay sabay na naman kayo?" Napahinga nang malalim si Isaiah. "Come on, let's go to bathroom."

Madalas sabay sabay pumupu yung mga bata, kaya nagpagawa si Isaiah ng limang bathroom sa ibaba.

Now, I realize how lucky I am. I'm so thankful because God gave me a best life...

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon