Chapter 16

25.7K 668 8
                                    


MAFEL

   "UHM, Death." agaw ko sa pansin nito.

Napahinto ito sa pagkain ng cake at tumingin sa'kin. "Hmm?"

"Gusto ko sanang mag-sorry, at mag thank you na rin." Naupo ako sa tabi niya. "Sorry dahil sa inasal ko. Thank you dahil sinabi mo sa'kin at hindi inilihim."

Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagkain. Napangiti naman ako at niyakap siya, na ikinaigtad niya.

"Thank you, Death. Mukha ka lang nakakatakot, pero mabait ka pala."

"Okay.." Humiwalay ito sa yakap. Natawa ako nang makita ang nakangiwing mukha nito. "Last na yakap mona yan ah?"

"NANDITO NA PALA SI KING EH!"

Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. Tumatawang sinalubong ng mga kaibigan niya, si Isaiah na hindi maipinta ang mukha.

Pagkatapos niya kasing mahimatay ay agad siyang binuhat ng mga kaibigan niya at dinala sa hotel katabi nito na nirentahan ni Isaiah para sa venue at honeymoon namin.

Halos tatlong oras ding walang malay si Isaiah. Sinabihan ko lang naman siyang mahal ko rin siya.

"Don't talk to me!" pagsusungit nito sa mga kaibigan.

Tumayo naman ako at sinalubong siya. Wala pang isang segundo ay agad umamo ang mukha nito.

"Hey there, my wife." Agad ako nitong hinapit sa beywang. "Kumain kana?"

"Kumain na ako kanina," sagot ko. "Kaso kaunti lang ang kinain ko, kaya kakain ulit ako."

Natawa ito bago ako patakan ng halik sa labi. "Let's eat."

Iginaya ako nito palapit sa isang lamesa. Pinaupo ako nito, samantalang siya naman ang kumuha ng pagkain namin. Nakangiting pinagmasdan ko siyang kuhanin lahat ng putahe.

"Here's our food, my wife." Inilapag nito ang dalawang plato sa lamesa, bago umupo.

Sama sama yung pagkain sa isang plato, pero hindi naman kadiri tingnan. Nagsimula na kaming kumain na dalawa.

"I thought you already ate?" Ngumisi ito.

"Kaunti nga lang ang kinain ko," nakangusong sagot ko.

"I'm just kidding, wife. I know you love food, more than me." Napahagikhik lang ako. Napailing naman ito bago hawiin ang buhok na napupunta sa mukha ko.

Nang matapos kaming kumain ay lumapit kami sa mga kaibigan niya na nag iinuman. Nakaupo rin doon sila Pink at Death. Nandoon din yung Quintuplets.

"Congratulations, King." sabi ni....second. Nasilip ko kasi yung tattoo niya. "And to you, madame."

"Thank you," nakangiting sambit ko.

"Be ready for your new life, madame. I'm sure you know what's Mafia King's life, right?"

Tumango ako. "Una pa lang alam kona ang mga bagay na kakaharapin ko.... At hindi ako natatakot."

Ngumisi lang yung mga kaibigan ni Isaiah at tumungga ng alak. Nakakatakot pa rin sila, pero mukha namang hindi mananakit.

Natigil kaming lahat nang may dumating na dalawang lalaki na may dalang violin. Tumayo ang mga ito sa isang gilid at nagsimulang tumugtog.

"May I dance you?" Nilingon ko si Isaiah na ngayon ay nakatayo na. Nakalahad ang isang kamay nito.

"Sige," nakangiting tinanggap ko iyon.

Tumayo kami ni Isaiah at nagtungo sa gitna. Hinawakan ako nito sa beywang. Inilagay ko naman ang mga kamay ko sa batok niya. Sabay naming iginalaw ang aming katawan, habang nakikinig sa magandang tugtog.

"I felt perfect now," nakangiting sabi nito. "You complete my life, Mafel. Thank you."

"Simula noong makidnap ako, itinatak kona sa isip ko na mamamatay na ako sa lugar na yun, itinatak kona sa isip kong hindi na ako sasaya." Nanggilid ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. "T-tapos bigla kang dumating. Iniligtas mo ako, Isaiah, kahit pa sayang yung pera mo. Thank you, Isaiah. Salamat dahil dumating ka noong mga oras na yun. Masama man pakinggan pero nagpapasalamat ako dahil doon ang misyon na pinuntahan mo, nagpapasalamat ako dahil nandoon yung taong papatayin mo. Isaiah, hindi ko alam kung magiging mabuti akong asawa sa'yo, pero susubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Salamat sa buong pagmamahal mo sa'kin, Isaiah, kahit pa yung dahilan nang pagkasira mo ay ang mga magul–"

"Maf, I already forget about that." Hinaplos nito ang pisngi ko. Ngayon ko lamang napagtanto na umiiyak na pala ako. "Maf, hindi nasayang ang pera. Damn. I'm glad that my heart beats fast that time, I'm glad that I bought you. I love you, Maf. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para sa'yo. Lahat isusuko ko para sa'yo, even my thrown."

Natawa ako bago siya halikan. "Sayang yung trono mo, pinaghirapan mo yun. Wag mong hahayaang maagaw yun ng iba. Isipin mong ako yung trono mo."

Biglang dumilim ang awra nito. "Yeah, and if someone wants you to take away from me. I will fvcking send them to hell!"

"Para namang may aagaw sa kagaya ko.." natatawang sabi ko.

"Ofcourse, wife. Look, you're so beautiful and gorgeous. I'm sure some men will be blinded by your beauty and will take you away from me. But ofcourse, I will never let that happen. They will die first, before they do that." seryosong sambit nito.

"Isaiah, wag kang mag alala. Hindi naman ako magpapaagawa. Ang swerte kona kaya sa'yo."

"Well, I'm more lucky." Hinila pa ako nito para mas lalong maging malapit ang katawan namin. "I love you, Mrs. Gallego."

"I lov–"

"–Wait!" Napalingon kami, kay Pink. "Sa kuwarto mona sabihin ang bagay na yan, Mafel. Baka mamaya himatayin na naman yan."

Nagtawanan sila, kaya pati ako natawa. Napatingin naman ako, kay Isaiah na salubong ang kilay at hindi maipinta ang mukha.

"Tsk." muntik na akong mapatili nang buhatin ako nito. "We'll go now."

"Enjoy, lovers!!"

Hindi na pinansin ni Isaiah ang mga kaibigan niya at dire diretso lang sa paglalakad. Sumakay si Isaiah sa elevator habang buhat pa rin ako.

"Baba mona ako," sabi ko rito. "Baka mangawit ka."

Ngumisi lang ito.

Nang bumukas ang elevator ay dumiretso agad ito sa labas. Huminto si Isaiah sa pangatlong kuwarto. Walang kahirap hirap niya itong binuksan at naglakad papasok sa loob.

Maingat ako nitong ibinaba sa sofa. "Are you ready?"

Napalunok ako nang isa isa nitong tinanggal ang damit niya. Nang mahubad niya ang polo niya ay agad ako nitong tinulak pahiga at umibabaw sa'kin.

"Sandali.." Napakunot noo ito nang itulak ko ang dibdib niya. "Ano kasi.."

"What?"

"Meron ako," nahihiyang tugon ko. "Kanina lang.."

Napatitig naman ito sa'kin at maya maya lang ay tumatawang umalis ito sa ibabaw ko.

"Damn. You're cute!" Naupo ito sa lapag at tumatawang tiningnan ako. "I understand, wife. Dont be shy."

Napanguso naman ako at umayos ng upo. "Kasi, excited ka.... Ang alam ko kasi masakit sa puson kapag nabitin ang lalaki."

"Wife, I'm okay." Hinawakan nito ang kamay ko. "Don't be sorry, okay? May kamay naman ako."

"Isaiah!"

Natawa lang ito bago halikan ang kamay ko. "I still can't believe that you are my wife now."

"Ako rin naman." Sinapo ko ang magkabilang pisngi niya. "Mahal kita, Isaiah. Mahal na mahal."

Ang akala ko ay mahihimatay na naman siya. Namula lang ang buong mukha nito na parang isang kamatis.

"Ayos ka lang?" natatawang tanong ko.

"Shit! You make my heartbeats fast! Damn. I love you, wife. I love you so much."

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon