Chapter 20

24.9K 670 35
                                    


MAFEL

    ALAS sais pa lang nang umaga ay umalis na kami sa hotel. Sakay kami ng isang van. Si fifth ang driver, katabi niya si Isaiah. Nasa pangalawang seat naman kami, tapos yung mga kakambal nila fifth ay nasa dulo na. Yung mga tauhan naman nila Isaiah at yung mga kaibigan niya ay naka-kotse at kasunod namin sila.

"Blooming natin ah?" Ngumisi sa'kin, si Pink. "Ano? Bagong dilig?"

Nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi nito. "H-heh!"

Natawa ito. "Ano? Nagawa mo ba yung hakbang na sinasabi ko?"

"Oo," mahinang sagot ko. "Muntik na nga akong mabaldog, kaya ayun nagalit si Isaiah. Pero naging okay rin naman kami."

"Halata nga," nakangising sabi nito.

"Feeling ko effective yung hakbang na sinasabi mo," sabi ko. "Noong magising kasi ako ay maganda ang pakiramdam ko. Si Isaiah, naman wala sa mood, tapos nagrereklamong nahihilo."

Napahalakhak ito, dahilan para mapatingin sa'min si Isaiah. Kunot na kunot ang noo nito na parang mananapak.

"Wala lang 'to," sabi ko, kay Isaiah. "Magpahinga kana."

Napahinga naman ito nang malalim at bumalik na lang sa pagtingin niya sa cellphone niya. Buong biyahe ay nag uusap lang kami ni Pink, samantalang si Death na katabi namin ay tahimik lang at mukhang badtrip.

Mahina akong napatili nang biglang huminto yung van. Muntik na akong masubsob, mabuti na lang ay nahawakan ako ni Death.

"Fifth!" sita ni Pink sa asawa. "Gusto mona bang ma-byudo agad? Para ano? Para balikan yung ex mong mukhang galunggong?"

Kunot noong hinarap ni Fifth, si Pink. "There's enemy in our way, Pink. Stop thinking nonsense."

Inirapan lang siya, ni Pink.

"Wag kayong bababa," sabi ni Isaiah at agad bumaba. Sumunod naman sa kaniya si Fifth.

Tiningnan ko yung bintana ng Van at naging alerto rin yung mga kaibigan ni Isaiah, pati na rin yung mga tauhan nila.

"Peste, ang kulit!" Bumaba si Death.

Nagkatinginan naman kami, ni Pink. Mukhang pareho lamang ang iniisip namin, kaya bumaba na rin kami. Nadatnan namin si Isaiah na hawak ang kwelyo ng isang lalaking gwapo. Hala, ang pogi.

"You fvcking dumbass! Do you really wanna die!?" galit na tanong dito ni Isaiah. "What do you fvcking need!? And you're alone huh? Answer me, Riffle!"

"Sino siya?" tanong ko, kay Pink.

"Riffle Guemez, siya ang kaaway ni Isaiah." seryosong seryoso ang mukha nito habang nagsasalita. "Siya ang kinahaharap na problema ni Isaiah. He's monster and devil. Hawak niya sa leeg ang kalahati ng ultors." Tumingin ito sa'kin. "Siya ang nag utos na lasunin ka."

"Answer me!" Nanlaki ang mga mata ko nang tutukan ito ng baril ni Isaiah.

"Try to pull that trigger and all of you will die," kinilabutan ako dahil sa sobrang lamig ng boses nito.

Pakiramdam ko ay mahihimatay ako dahil sa nakakatakot niyang boses. Mapanganib nga siya.

"So, you're not alone?" Ngumisi si Isaiah. "Tuso ko talagang gago ka!"

Naging alerto bigla yung mga tauhan nila Isaiah. Pumalibot ang mga ito at tinutok ang kanilang baril sa iba't ibang direksiyon.

"I bet she's your wife." Napaatras ako nang dumako sa'kin ang tingin nito. "You're good when it comes to girl, Gallego. I want to see your reaction, if she lose her life in front of you."

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Where stories live. Discover now