Chapter 13

25.9K 663 4
                                    


MAFEL

   NAPATINGIN ako sa suot ko. Isang yellow plain off shoulder dress above the knee. Tinernuhan ko ito ng plain na white sandals. Itinali ko ang may kahabaan kong buhok. Naglagay din ako nung lipstick na binili sa'kin ni Pink. Kaunti lang nilagay ko na bumagay naman.

"Ayos lang ba ako?" Hinarap ko si Isaiah. Ang guwapo nito sa suot niyang itim na V-neck shirt at khaki pants.

"You look....perfect." Kinuha nito ang itim niyang coat at isinuot iyon. "How can you be that beautiful, Maf?"

"Safeguard ang sikreto, Isaiah." pabirong sagot ko na ikinatawa niya.

Hinapit nito ang beywang. "Let's go?"

Tumango lang ako. Iginaya ako nito palabas ng cabin namin. Saglit kaming naglakad sa medyo mabuhangin na parte, bago namin narating ang sasakyan niya. Iba na naman ang sasakyan nito. Isang asul na kotse na sa tingin ko ay never kong mabibili.

"Get in, my little pony." Pinabuksan ako nito ng pinto.

Napangiti naman ako. Ipinagpag ko muna yung sandals ko na napasukan ng buhangin bago ako tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. Isinarado nito ang pinto ng kotse niya nang masigurong ayos na ako. Umikot ito patungong driver seat. Ikinabit niya amg seatbelt niya bago paandarin yung sasakyan.

"Wala kang regalo sa friend mo?" tanong ko rito.

"I already gave him my gift," tugon nito. "A guns."

Napatango ako. Sa bagay, mafia yung friend niya kaya magandang regalo ang baril.

Huminto ang kotse ni Isaiah sa isang mataas na brown gate. Ipinarada nito ang kotse niya at bumaba. Bumaba na rin ako para hindi na niya ako pagbuksan.

"You should wait me." Ipinulupot niya ang matigas niyang braso sa beywang. "You didn't want me to open the door for you?"

"Gusto, kaso minsan para akong donya."

Natawa lang ito at napailing.

Iginaya ako nito papasok sa gate. Mariing napahawak ako sa beywang niya nang bumungad sa'kin ang mga lalaking nakasuot ng tuxedo na itim. Mistulang estatwa ang mga ito na hindi gumagalaw.

"Buhay paba sila?" pabulong kong tanong kay Isaiah.

Natawa ito. "Yes, Maf."

Tumango lang ako.

Nakurot ko ang balat ni Isaiah nang tuluyang kaming makapasok sa loob. Pakiramdam ko ay bumigat ang paghinga ko dahil sa mabigat na awra na nakapalibot sa loob ng bahay. Mangilan ngilan lamang ang mga tao pero halatang makapangyarihan ang mga ito. Hindi ko nakayanan ang mga titig nito kaya mas lalo kong inusog ang sarili ko palapit kay Isaiah.

"I'm here," bulong nito sa'kin.

Tinango ko lang ang ulo ko at huminga nang malalim.

"You came, King." Sumalubong sa'min ang isang lalaki nakasuot ng itim na polo. Ito yung lalaking nagtangkang lumapit sa'kin sa bahay ni Isaiah.

Tumango lang si Isaiah dito. Dumako ang tingin sa'kin ng lalaki kaya bahagya akong napaigtad.

"H-happy birthday," mahinang sabi ko. "Uhmm.. Enjoy your day."

Bahagya itong natawa.

"Hide your teeth, Xamirez, or I will pull out them all."

Imbis na matakot itong Xamirez ay lalo lang itong napangiti. Iiling iling na inabot nito ang isang basong may lamang alak kay Isaiah na agad naman nitong tinanggap.

"Nasa kusina ang pagkain," sabi nito. "Bring your woman there, King."

Tumango lang si Isaiah bago ako dalhin sa kusina. Natigilan kami pareho nang makita ang isang babae doon na kumakain mag isa na parang bata.

"Death."

Napatingin ito sa'min nang magsalita si Isaiah. Ngumiti ito, pero imbis na nginitian ko siya pabalik ay napangiwi lang ako.

"Don't trust by her smile. She looks innocent but she's dangerous," bulong sa'kin ni Isaiah. "She's Detainee. Call her, Death."

"King, kain kayo." Nagpunas ito ng bibig. "Badtrip ako kay Oscar kaya kumain na lang ako."

Inalalayan akong makaupo ni Isaiah. Siya rin ang naglagay ng pagkain sa aking plato.

"Kumain ka lang," sabi nito. "Don't mind us."

"Hindi ka kakain?" tanong ko rito.

"I'm still full," tugon nito. "Just eat, Maf."

Tumango lamang ako at nagsimula nang kumain.

"You're back," pasimple kong nilingon yung dalawa. "How's your six years vacation?"

"That's not vacation, King." kita ako ang pagsimangot ni Death. "That was hell. A fvcking hell."

"It suits you, Death." Tumaas ang isang sulok ng labi ni Isaiah. "Hindi ka nag ingat, Death. Hindi na ako magugulat kung hindi ka mapatawad ni Oscar."

Kumuyom ang kamao ni Death. "Nag ingat ako, sadyang may traydor lang sa underground."

Hindi kumibo si Isaiah. Tumingin lang ito sa'kin. Ngumiti ito nang makitang nakatingin ako sa kaniya.

"Sibat muna ako," sabi ni Death at tumingin sa'kin. "By the way, nice to meet you, madame."

Napaawang ang bibig ko nang walang kahirap hirap itong tumalon sa bintana. Wala sa sariling napapalakpak ako na ikinatawa ni Isaiah.

"Girlfriend siya ni Oscar? Sino pala si Oscar?" curious kong tanong dito.

"Yung may birthday. His name is Oscar." Akala ko Xamirez ang name niya. "They are siblings. Hindi sila magkarelasyon."

"Hindi sila magkamukha," sabi ko.

"Magkaiba ang Ina nila." Napatango ako. "I think I'm hungry, Maf. Feed me."

Sumandok naman ako ng pagkain at isinubo sa kaniya. Nang matapos kami sa pagkain ay inilapag nito ang plato sa lababo. Inalalayan ako nito sa pagtayo at dinala sa sala.

Muli akong napahawak kay Isaiah nang bumungad ulit sa'min yung mga nakakatakot na tao.

"King, have a seat." sabi ni Oscar.

Umupo naman si Isaiah sa tabi nito. Ako naman ay naupo sa tabi ni Isaiah. Ipinagsalin ng isang lalaki si Isaiah ng alak na agad naman nitong kinuha.

"Can I drink?" paalam nito.

Tumango ako. "Wag lang sobra ah? Baka hindi kana makapag-drive."

Ngumiti lang ito at tumango. Inisang lagok nito yung isang basong alak. Tahimik lang ako doon habang inililibot ang paningin ko sa buong bahay.

"Nagpaparamdam na naman ang kampo ni Johan," dinig kong sabi ng isang niyang kaibigan. "They are trying to manipulate the ultors. Mukhang gusto kana nilang mapababa sa trono mo."

"As if they can." Ngumisi ito. "They can't replace me. I work hard for my position and no one can beat me."

Wala sa sariling napalunok ako. Kapag ganito ang awra ni Isaiah ay hindi ko maiwasang hindi matakot. Kakaiba kasi ang nagiging awra niya... Nakakatakot... Pero pakiramdam ko ay safe ako at hindi niya ako hahayaang masaktan.

Saglit pa kaming nagtagal doon bago kami magpaalam na uuwi. Hindi naman masyadong nakainom si Isaiah kaya safe kaming nakauwi.

"Matulog kana," sabi ko rito habang hinuhubad ang dress ko.

Akmang magsusuot na ako ng damit pero natigilan ako nang bigla na lang akong hilahin ni Isaiah. Pinahiga ako nito sa kama at agad umibabaw sa'kin.

"Maf, can we make love? Hindi na ako makapaghintay ng next week." Natawa ako nang umungot ito. "I want to taste every part of you."

Imbis na sagutin ay hinila ko ang kaniyang batok at agad pinagdikit ang mga labi namin.

UNDERGROUND SERIES 1: Chained to the Mafia King [COMPLETED]Where stories live. Discover now